Chapter 11

54 1 0
                                    

Lumabas na din sa news ang tungkol kay Bea. Inamin na din niya kung sino ang ama ng dinadala niya. Sa wakas, matatapos na din ang di magandang atmosphere sa pagitan ni Chad at Blue.

"Nabalitaan mo na Chad?"

"Ang alin?"

"Yung tungkol kay Bea. Inamin na niya kung sino tatay ng baby niya."

"Kanina ko lang nalaman."

"So anong plano mo ngayon?"

"Plano?"

"Hindi ba dapat kang mag-sorry kay Blue?"

"Don't worry, plano ko naman talaga magsorry sa kanya. Siguro mamaya after ng presscon."

"Presscon?"

"May Presscon si Bea mamaya dito sa office natin. Dun daw niya iaannounce yung temporary leave of absence niya sa industry. Marami daw siyang kailangan ayusin sa buhay niya."

"Okay ka lang?" Halata kasi sa mata niya ang disappointment and frustrations. Siguro dahil sa nangyari kay Bea. Siguro nga, kahit paano mahal pa din niya si Bea. Pero bakit parang pati ako apektado sa nakikita ko? Nalulungkot din ba ako para kay Bea? O apektado ako kasi nakikita kong apektado pa din si Chad para kay Bea?

"Of course, I am. Di ko lang talaga ineexpect na mangyayari ito, lalo na kay Bea. Don't worry about me."

Di na ako nagsalita. Iniwan ko na muna si Chad. Hinanap ko si Blue. Alam kong isa din siya sa apektado sa mga nangyayari. Ilang oras ko ding hinanap si Blue. Sinubukan kong tawagan, pero di siya sumasagot. Hanggang sa nagstart na ang Presscon. Naisipan kong pumunta sa venue at manood. Curious din ako sa mga mangyayari at sasabihin ni Bea.

Naguumpisa na ang Presscon na makarating ako sa venue. Sa likod na ako pumwesto. Umasa din akong makita ko dun si Blue. At di nga ako nagkamali, paglingon ko sa bandang kaliwa sa may likuran, andun siya, nakatayo, malamlam ang mukha. Kitang kita ko ang awa niya kay Bea. Di yun maiiwasan. Sa nangyari, madaming kakaharaping pangbabatikos at paninira si Bea. Malamang, madaming lulutang na haters. Ganito naman talaga sa industriyang ito, konting pagkakamali mo lang, malaking bagay na yun na hindi makakalimutan ng lahat ng tao. Dito mo makikilala kung sino ang tunay na fan at sino ang mangiiwan sa gitna na controversy.

Hindi ko naiintindihan ang mga tinatanong kay Bea ng mga press, kahit ang mga naging sagot niya. Si Blue kasi ang pinapanood ko. Nagaalala ako para sa kanya. Kaya ng umalis si Blue sa venue kahit di pa tapos ang Presscon, sinundan ko na siya. Hinabol ko siya hanggang sa parking area. Malamang plano nitong magdrive habang blanko ang isip.

Inagaw ko ang susi kay Blue bago pa siya makapasok ng kotse. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Ikaw, anong ginagawa mo? Anong plano mo?"

"Di mo ba nakikita? Paalis ako. Kaya pwede ba huwag kang humarang sa pinto?"

"Can you assure me that you are in your right frame of mind right now?"

Di nakasagot si Blue. Kaya naman nagdesisyon na akong sumama sa kanya. Umupo na ako sa driver's seat at pinaandar ang kotse.

"Just what are you thinking right now?" Galit na tanong ni Blue.

"I decided to be your company for today. Just to make sure na you'll be fine at di ka gagawa ng anumang kalokohan."

"Nagiging habit mo na ata ang sumakay sa kotse ng may kotse even when you're not invited." Di pa din umaalis si Blue sa tapat ng pinto ng driver's seat.

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon