Day na ng flash mob event for Chronicles. Busy na kaming lahat. Kabadong kabado ako kasi ito ang first project ko as their asst. Manager. Pagdating ko sa venue, nakita ko ng nakaposition lahat ng invited namin for this project, pero di ko pa nakikita ang boys.
"Chad, where are you? Wala pa sila dito?"
"Hi Zabrina, we're on our way. Dumaan lang kami ng salon. Let's meet outside the venue para mareview ulit natin yung magiging flow ng event."
"Ok Chad. Where do you want me to meet you?"
"Somewhere near the seaside ng MOA. Yung may mga resto. You know that?"
"Yes I do. I'll be there in 20 minutes. Wait lng."
Pinuntahan ko na sila. Di naman mahirap hanapin kung saan sila nakapark. Kasi mejo lutang yung grand starex sa pinagparkingan nila. Siguro naman walang ibang nakahalata no.
Pagpasok ko ng van, halos di ko sila nakilala. Lahat naka-disguise, pati si Chad.
"Wow naman. Ang galing ng disguise nyo, di ko kayo nakilala ha. Chad, bakit pati ikaw naka-disguise?"
"Paano, kilalang kilala din siya ng mga fans namin. May sarili kayang fan club yan."
"Hindi nga, Clyde?"
"Oo naman no. Mas malaki ata fan base nya kesa sa akin."
"Grabe ka naman Brent. Teka, need ko din bang magdisguise?" Pagaalala kong tanong. Di kasi ako nakahanda tulad ni Chad.
"Bakit? Feeling mo may makakakilala sayo?" Nagtawanan silang lahat.
Pasimuno na naman itong mokong na to. Grabe na ha? Pero hindi ito oras makipag-away. Baka masira pa plano namin.
"Zabrina, sabay na tayo pumunta ng venue. Di naman kami pwede sabay sabay pumunta dun eh."
"Ha? Sige."
"Naku Drake, sumisimple ka na naman."
Tumingin lang si Chad sa akin tsaka kay Keifer.
"O siya, pumunta na tayo ng venue. Baka mainip pa yung iba nating mga kasama."
"Alam mo Zabrina, dapat sumali ka eh. Para mas enjoy."
"Ok ka lang Clyde? Tingin mo marunong sumayaw si Zabrina."
Pinupuno ako talaga nitong taong to ah. "Hoy Blue, for your information, member ako ng dance guild ng college."
"Eh yun naman pala Blue. Next time kasali ka na sa amin ha. Ako gagawa ng choreography for you."
"Talaga Brent? Sige, promise, sasali ako kung ikaw ang magchochoreograph."
Pagdating namin sa venue, kanya kanya na silang pumunta sa assigned positions nila, except kay Drake, na biglang umakbay sa akin.
"Kunyari girlfriend kita. Tambay muna tayo dito. Hintayin natin magstart yung music."
Ayan na, narinig ko ng nagumpisa yung music. Nagumpisa na din kumilos ang aming team. Hindi parin aware yung mga tao sa nangyayari, hanggang sa pumosisyon na sila sa gitna ng target area namin. Nagsimula ng magsilapitan ang mga tao.
Gumitna na ang limang members ng Chronicles. At nakita ko si Chad na sumasayaw sa likod nila. Di ko inakala na magaling din palang sumayaw si Chad. Naalala ko tuloy ng sabihin niyang marami pa siyang talents na for me to discover.
Habang tuwang tuwa yung mga audience sa panonood sa kanila, tinanggal na nila ang kanilang mga disguise. Naghiyawan ang mga tao. Natuwa ako, kasi kahit di masyadong announced yung event sa mga fans nila, at wala masyadong member ng fans club nila ang nasa venue, madami pa din ang kilala sila. Kaya naman halatang halata na lalong ginanahan ang Chronicles.
Pinapanood ko silang magperform, at di maiwasang maging instant fan din nila ako. Hindi dahil sa asst manager nila ako, pero talagang magaling silang magperform. At kung papanoorin mo silang magperform, di maiiwasang ma-attract ka sa charisma nila. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ganito nalang ka-fan ang aking bestfriend. "Shocks! Si Courtney! Di ko siya nasabihan about sa event. Patay, pagnalaman niya ito, for sure magagalit yun sa akin." Naisip ko.
Nag-end na yung performance nila, mabuti nalang madami kaming nakaready na security. Biglang dumami kasi yung mga taong gustong lumapit at magpapicture sa kanila. Kaya bago matapos yung event, pinagsalita na namin si Blue, as planned, para mag-invite sa nalalapit nilang concert and to buy their latest album na din.
"Congrats boys! Super galing nyo talaga kanina. I enjoyed watching you guys." Sa sobrang tuwa ko sa success ng event, di ko na napigilang i-congratulate sila.
"Wow, thanks Ms. Asst. Manager. First time ko atang narinig na i-praise mo kami for our performance ah."
"Oh come on Blue. Stop being sarcastic now. Wala ako sa mood makipagtalo. Masyado akong masaya ngayon."
"Tama si Zabrina. I think we need to celebrate."
"Let's celebrate, Keifer?" Mukhang game na naman magtreat si Chad ah. Bigla akong may naalala.
"By the way Chad, magaling ka din palang sumayaw ah. Ang cool mong tignan kanina habang sumasayaw."
"Pfft." Reaksiyon ni Blue.
"Ano ka ba Zabrina, ngayon mo lang nalaman? Eh halimaw sa dance floor yan eh." Sagot ni Clyde.
"Talaga?"
"I told you so. Madami pa akong talent." Sabay ngiti ni Chad. OMG, ngumiti na naman siya. Natutunaw ako everytime ngumingiti siya ng ganyan. Pero bawal magpahalata.
As usual, nagtreat ulit si Chad. At dahil doon, late na naman ako nakauwi. That night, naisipan ko ng umpisahan ang gumawa ng IG page na dedicated sa kanila. Ang concept ng IG? From the view point of someone working close with them. I'll post updates about the boys and their schedule, some behind the scenes, at yung mga ginagawa nila na normally di nakikita ng public. At ang first kong pinost, yung pictures during the event and after the event, yung time na nagcelebrate kami. Sayang wala akong pictures habang nagreready sila.
Nagpost ako ng mga solo pics nila. At habang naguupload ako, di ko maiiwasan titigan pictures nila. Lahat talaga sila guwapo. Lahat may kanya kanyang appeal. Nagsave ako ng picture ni Chad s phone ko. Yung pinaka maganda kong kuha niya. Nagsave na din ako ng kay Blue para naman sa best friend ko. Pangpalubag loob nalang kasi di ko siya nasabihan. Hay! What a day. Tiring yet fulfilling. Sana laging ganito.
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...