"Blue, ano ba problema mo?"
Hindi pa din sumasagot si Blue.
"Nagpapractice kami ni Chad for our scene later, bakit mo ba ako dinala dito?"
"I was just helping you."
"Helping me?"
"Di ba sabi mo naiilang ka sa kissing scene nyo? Eh bakit ipa-practice nyo pa yung kissing scene."
"Yes, magpapractice kami ng scene naming, but we're not going to kiss during the practice, kaya nga pumayag ako eh."
"Pero bakit kanina, ang close na ng mga mukha niyo?"
"Yung angulo lang pinapractice namin."
He didn't speak.
"Blue, I appreciate your concern. Pero I think it's not necessary. Ano sasabihin mo kay Chad mamaya? Pano mo i-eexplain yung paghatak mo sa akin?"
"I don't care. Ikaw nalang mag explain sa kanya."
I looked at him. Something's wrong. Halata yun sa mukha niya. I am aware of his feelings. Pero di niya pwdeng malamang alam ko yun. Mas mabuti na din sigurong di yun mahalungkat pa. Okay na kami ni Drake, and ayokong madagdagan pa yun.
I went back kung saan kami nagpapractice ni Chad.
"What happened?" Tanong niya.
"Nothing. May tinanong lang siya sa akin about something."
"Are you sure it's nothing?"
"Yes." Halatang di naniniwala si Chad, pero he chose not to ask.
Nakatapos kami ng practice. Kaya naman bumalik na kami sa mv location.
Nakita ko naming nakatingin lang sa amin si Blue.
"So Breena, nakapagpractice ba kayo ni Chad?"
"Yes direk."
"I hope hindi magmukhang awkward yung register niyo sa camera ni Chad."
"Don't worry direk, napractice na namin ni Breena yan kanina."
"Great. We'll start in 30 mins. Magpaayos na kayo."
Nagpalit na kami ng damit and konting make-up lang. And in a second cue na namin.
Nanood lahat ng members ng Chronicles kaya naman bigla akong kinabahan.
"Ok, Breena, you know your lines. In 4,3,2,1 Action!!"
"I'm sorry. Can we get back together?"
"Can you promise one thing?"
"Ano yun?"
"Na magiging honest ka sa akin, always?"
"Yes."
And this is it, ang scene kung san ikikiss ako ni Chad sa lips. Slowly, lumalapit na siya sa mukha ko, ng biglang may sumigaw sa likod ni direk.
"Ahhhhh,"
"Cut!" Sigaw ni direk. Lahat kami lumingon sa pinanggalingan ng ingay.
"My God Blue, anong nangyari sa'yo?"
"Sorry, may nakita kasi akong insekto lumipad palapit sa akin. Alam niyo namang takot ako sa mga insects eh."
"Hulihin nyo nga yung insekto ng matahimik na si Blue."
"Sige, ulitin natin, dun nalang sa part na magki-kiss kayo Chad."
"Ok direk."
"4,3,2,1 Action!!"
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...