Chapter 9

69 3 0
                                    




Natapos din ang concert sa wakas. Backstage, nagkakagulo pa din ang mga make-up artist at assistant. Everytime pala matatapos ang concert ng Chronicles, lumalabas sila sa may parking area para magpasalamat sa mga fans. At may konting fan event na din. Aligaga ang lahat, maliban nalang kay Blue. Napansin ko siyang may kausap sa phone. Kinausap ako ng isang stylist para iremind si Blue about dun sa event after ng concert. Kaya lumapit ako sa kanya. Mukhang nagtatalo sila ng kausap niya sa phone.

"Blue, hinahanap ka na nila. Kailangan mo ng magbihis. Lalabas pa kayo sa parking area para i-meet yung fans niyo." Tumingin lang siya sa akin at tuloy ng pakikipag-usap sa kabilang line.

"Alam mo namang hindi pwede yun. Katatapos lang ng concert namin." Sumimangot siya at dali daling lumakad palabas ng backstage. Hinabol ko siya.

"Teka Blue, hindi mo ba ako narinig?"

"Narinig."

"Eh yun naman pala. San ka papunta? Kailangan mo nang magbihis."

Napansin kong papunta kaming parking lot, pero hindi ito yung venue ng fan event nila. Hinabol ko pa din siya. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, but I had the urge to stop whatever it is.

Tumigil siya sa harap ng isang black Maserati. Kinabahan ako.

"Balak mo bang tumakas?"

"Pwede ba? Wag mo na akong pakialaman. May kailangan akong asikasuhin."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero ng pumasok siya sa kotse, pumasok din ako.

"Bumaba ka na. Please, nagmamadali ako. May kailangan akong asikasuhin."

"Wala akong pakialam kung ano man yan kailangan mong asikasuhin. Pero hindi ako bababa dito. Mahirap na, hindi ko alam kung ano yang pinaplano mo. Kailangan siguraduhin kong walang magiging problema, baka madamay pa yung buong group."
Bumuntong hininga siya. "Bahala ka nga. Kung yan ang gusto mo."

Pinaandar na niya ang kotse, mabilis ang patakbo niya. Napahawak tuloy ako bigla sa upuan ko. Ng nakapag-adjust na ako sa bilis niyang magpatakbo, napansin ko ang loob ng kanyang kotse, 2 seater lang, malinis at mabango. Yung car perfume niya, halatang mamahalin. Hindi matapang sa ilong, at nakakarelax. Napatingin ako sa kanya, habang nililibot ko ang mata ko sa loob ng sasakyan. Napansin kong malamlam ang kanyang mga mata, at feeling ko, any moment from now, iiyak na siya.

"Okay ka lang?"

Hindi siya sumasagot. At hindi din inaalis ang tingin sa daanan.

"Alam mo, malaki ang chance na maaksidente tayo sa ganyang itsura mo."

"Mas malaki ang chance na maaksidente tayo kung hindi ka titigil." Finally, sumagot din siya, yun nga lang binara naman ako.

Tumigil na ako. Panay ang tunog ng phone ko. Malamang hinahanap na kami.

"Sino yan? Sila Chad ba yan?"

Tumango lang ako.

"Wag mong sagutin."

"Pero malamang nag-aalala na yung mga yun. Tsaka baka hinihintay ka nila para dun sa fan event."

"Basta, wag mong sagutin."

"Pwede bang kahit text lang? Sasabihin ko lang kasama kita at may emergency lang kaya hindi ka na makakasama sa fan event nyo? Paniguradong hahanapin ka ng mga fans mo at magaalala yun pag nakita nilang wala ka."

Sandali siyang nag-isip at tumingin sa akin.

"Promise, hindi kita ilalaglag sa kanila, basta i-promise mo din sa akin na after nito, i-eexplain mo sa akin kung anong nangyayari, para naman alam ko kung paano kita pagtatakpan sa kanila, okay?"

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon