Chapter 40

54 2 4
                                    

Busy ang lahat sa pag-pa-practice. Malapit na ang comeback stage nila. Magkakaroon sila ng showcase before noon, kaya naman masigasig silang lahat sa pag-papractice. Parang kalian lang, ng una ko silang nakita. Yung unang concert nila na pinanood ko. Lahat sila, may kanya-kanyang karisma. Lahat sila ibang iba pag nagpeperform. At kasama doon si Blue. Kahit na suplado at bully siya, nagta-transform talaga siya kapag nasa stage na sila. Kahit na oras oras niya akong inaasar at inaaway, masasabi kong talented talaga siyang tao,

Si Chad, ang backbone at no.1 moral supporter ng grupo. Sayang, hindi siya nagdebut kasama nila Blue. Malamang, isang din siya sa mga hinahangaang artists ngayon.

Sino bang mag-aakala na makakatrabaho ko sila at makikilala? Sino bang mag-aakala, na ang taong crush na crush ng best friend ko, siya ngayon ang taong gusto ko? Totoo nga ang kasabihan, wag magsalita ng tapos. Akala ko mahirap magustuhan si Blue dahil sa ugali niya, pero kabaliktaran pala yun. Hindi ko napapansin, unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Samantalang ang taong gustong gusto ko noon, ngayon naman siya yung binasted ko.

Ano ngayon ang gagawin ko? Pano ko aaminin kay Blue na gusto ko siya? Bakit hindi siya gumagawa ng paraan para magconfess sa akin? Talaga bang nakalimutan na niya ako at si Danica na ang gusto niya ngayon?

"Breena!" May bumato sa akin ng neck pillow."

"Aray! Ano ba? Masakit yun?"

"Kanina pa kita tinatawag eh. Hindi ka sumasagot."

"Ha? Ganun ba Keiffer? Sorry."

"Wala ka na naman sa sarili. Ano ba iniisip mo?" Tanong ni Brent.

"Iniisip? Wala. Wala akong iniisip."

"Wala? Kaya pala lutang ang isip mo eh."

Blue. Naguumpisa ka na naman. Pero mas gusto ko yan. Kasi namimiss ko na pang-aasar mo sa akin. Gusto ko sabihin yan, pero syempre hindi pwde.

"Ano bang kailangan mo Keiffer?" Pagiiba ko ng topic.

"Wala naman. Ask ko lang sana kung ano opinion mo sa performance namin."

"Tinatanong pa ba yun? Syempre approve. Ang galing-galing nyo kaya."

"Eh Breena, hindi mo naman sila pinapanood eh."

"Sinong may sabi sa'yo nun Chad? Nanonood kaya ako."

"Kanina pa kita pinapanood. Nakatingin ka nga sa kanila, pero lagpas lagpasan naman."

"Weh, hindi nga. Nanonood ako."

"Hay naku Breena, si Chad na may sabi. Syempre, alam yun ng "boyfriend" mo."

"Hoy Brent, anong pinagsasabi mong boyfriend? Hindi ko boyfriend itong si Chad ha."

"Hindi pa, pero malapit na. Di ba?"Pang-aasar ni Drake.'

"Isa ka pa Drake. Sumali ka pa sa pang-aasar."

"Nakakapagod ng magpractice. Kaya breaktime naman muna."

Bigla kong naisip, kanina pa nga sila panay practice. Baka gutom na sila or gusto nila ng drinks.

"I'm going to the cafeteria. Anything you want?" Alok ko.

"Yehey, Mabuti nalang andito ang mother of Chronicles. May taga-alaga tayo." Sagot ni Brent.

"Siyempre naman, kailangan ko kayong alagaan.Kundi lagot ako sa management."

"Ikaw na bahala Breena. Alam mo naman na gusto namin."Sagot din ni Clyde.

"I'll come with you Breena."Offer ni Chad.

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon