Ano kaya ibig sabihin ng panaginip ko? Sabi nila, ang panaginip daw ang laman ng subconscious mind ng tao. Either yun ung nangyari na or yung iniisip niyang mangyayari.
Sure akong hindi pa yun nangyayari. So ibig bang sabihin, nasa imagination ko yun?
"Breena?"
"Yes?"
"Mukhang malalim iniisip mo eh. Kanina pa kita kinakausap, pero di ka sumasagot."
"Hahaha. Sorry naman. May bigla lang akong naalala."
"Ano naman yun?"
"Wala lang. Anyway, malapit na ba tayo?"
"Siguro 1 hour nalang nasa Manila na tayo."
Medyo natagalan kami sa byahe, inabot din kami ng traffic sa daan. Biglang nagring ang phone ko. Sino na naman kaya 'to.
"Breena, nasaan na kayo?"
"Malapit na kami Clyde. Bakit?"
"Yung choreographer kasi namin, may emergency kaya umalis na siya. Kami kami nalang andito nagppractice. Diretso na ba kayo dito sa building?"
"Oo. Diretso kami dyan ni Chad."
"Bakit ba kasi tinanghali kayo? Akala ko before lunch andito na kayo?"
Naririnig kong nagrereklamo si Blue sa background. Hmph, ano na naman ba problema nito?"
"Clyde, pakitanong naman dyan sa kasama mo kung kulang ba siya sa tulog? Mukhang mainit na naman ang ulo eh."
"Naku, hayaan mo na siya Breena. Di ata siya tinitigilan ni Alexa ng isang araw pa. Kaya atat na atat na siyang makabalik kayo."
"Hahaha. Si Alexa lang talaga katapat niya no?"
"Sinabi mo pa. Sige na, we'll just wait for you sa practice room."
"Ok."
"Si Blue na naman ba?"
"As usual. Bakit daw ang tagal natin."
Natawa lang si Chad habang nagda-drive.
"Chad, siguro magtake-out nalang tayo ng lunch para sa kanila? What do you think?"
"Nice idea. Malamang gutom na din yung mga yun."
"Hi guys! Did you miss us?" Excited kong tanong sa kanila ng makarating na kami ng studio.
"Of course naman Breena. Wala kaming taga-alaga eh. Walang nag-aasikaso ng pagkain namin."
"Ikaw talaga Clyde, puro pagkain nasa isip mo."
"Totoo naman Chad eh. Walang nag-aasikaso samin pag gutom na kami from practice."
"Grabe ha. O eto na, nagtake-out kami ng food para sa inyo."
"Wow!" Sabay-sabay nilang sigaw, maliban sa isang tao.
"Mabuti naman. Kanina pa kami gutom. Di kami makaalis kakahintay sa inyo." O diba, talagang lagging may naiiba. Si Blue, inuumpisahan na naman ang pagiging masungit niya.
"Naku Blue, kumain ka na nga. Mukhang nalipasan ka na talaga ng gutom."
"Guys, alis muna ako, pinapapunta ako ni President sa office niya."
"Ok. Bakit kay Chad? Hindi kaya about kay Brent?" Tanong ko."Di naman siguro. Wala naman siyang idea na ilang days ng absent si Brent." Dagdag ni Drake.
"I hope so. Alis muna ako.""Breena, kumusta naman pala si Brent?"
"Ok naman siya. Actually, kahit di na kami pumunta dun, mukhang madali din naman niyang natanggap."
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...