Ngayon na yung birthday ni Alex. Buti umayon ang schedules ng Chronicles at lahat sila makakapunta. Pero di pa ako nakakabili ng gift para Alexa. So nagpaalam muna akong pupunta ng mall para bumili ng gift, since dinner time naman yung event.
"Breena, eto magandang gift." Tinuturo sa akin ni Brent ang isang book, ang ganda ng cover, sakura.
"Ikigai? Anong story nyan Brent?"
"I actually haven't read this one. Pero madami akong nakikitang reviews and suggestions about this book. Mukhang maganda naman."
"Hmm. Sabagay, book is a nice gift. Di na dadagdag sa baggage niya pag bumalik na siya ng US."
Binili na naming yung book. Then dumaan lang kami sa isang coffee shop para bumili ng cake na dadalhin sa dinner.
"Breena, I noticed, parang iba ang closeness nyo ngayon ni Blue."
Nabilaukan ako sa iniinom ko ng marinig ko ito. "Ano bang pinagsasabi mo Brent? I'm close to everyone naman eh."
"Yes. I know. Pero iba talaga yung sa inyo ni Chad."
"Ewan ko sa'yo."
"Pero seryosong tanong, how do you find Chad as a man? Pano kung manligaw siya?"
May alam ba si Brent about sa napag-usapan naming ni Chad sa Zambales? Nakatitig lang ako sa kanya. Nag-iisip ng isasagot.
"Breena?"
"Brent, Chad is a very nice guy. Super adorable and loveable. Sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Kaya lang at this moment, hindi ko iniisip yun. Work ang priority ko."
"Are you afraid?"
"Afraid of what?"
"I don't know. Kasi nakikita ko yung pagiging hesitant mo minsan when dealing with Chad. Close kayo, pero pagnagiging super sweet siya sa'yo, umiiwas ka na. May dahilan ba bakit ka umiiwas?"
"Hindi ko alam bakit mo nasasabi yan. Di ako umiiwas kay Chad. Walang dahilan para umiwas."
"You know, Chad is a very nice person. Matagal ko na siyang kilala. He's very loyal. He doesn't make a girl cry."
"Teka, ano bang nakain mo Brent at kung anu-ano sinasabi mo. Kaya ka ba sumama sa akin to talk about this? Hahaha."
"Breena, I just want the people I know to be happy. Nakikita ko ang effort ni Chad para mapalapit sa'yo. Sana bigyan mo siya ng chance para mas makilala mo ng malalim. Wag kang mag-alala, di naman totoo yung sinasabi nilang bawal ang office romance." Sabay kindat ni Brent.
"Brent, I'm happy as is. I like Chad, pero hindi ko pa talaga makita sarili ko in a relationship. I guess I'm not ready yet?"
"That's ok Breena. Don't force yourself. Basta, learn how to open up more with Chad."
Ngumiti lang ako.
Bumalik na kami ng studio para sabay sabay kaming pupunta sa bahay nila Blue.
"Kailan ba tayong huling pumunta sa bahay nila Blue?" Tanong ni Clyde.
"Yung huling punta natin, birthday ni Blue." Sagot ni Chad.
"Oo, yung nalasing ng matindi si Drake, kaya sobrang daldal. Samantalang si Blue naman, ilang bote lng, lasing na agad." Pagbubuking ni Kieffer.
"Si Chad nga lang ata yung last man standing sa atin eh. Siya nag-asikaso sa ating lahat na lasing."
"Bakit, di uminom si Chad?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...