Chapter 10

70 1 0
                                    


Ilang linggo na din ang nakalipas. Wala pa ring nagbago kay Blue. Lagi pa rin niyang inuubos pasensiya ko. At para pa din kaming aso't pusa. Pero kahit ganun, mas mabilis na mawala inis ko sa kanya. Siguro dahil sa mga nangyari at natuklasan ko tungkol sa kanya.

Nasa may labas pa lang ako ng practice room, may narinig na akong nagkakalabugan at may sumisigaw. Nagmadali ako para malaman kung anong nangyayari. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Blue nakaupo sa sahig, hawak hawak ang kanyang pisngi. Samantalang si Chad, nakatayo at galit nag alit. Andun din si Brent, nakapagitan sa dalawa. Napansin kong may dugo sa labi si Blue. Napatakbo ako palapit sa kanila.

"Anong nangyayari dito? Nag-aaway ba kayo? Bakit may dugo ka Blue?" Tinignan ko si Chad, hinihintay ko ang sagot niya.

"Sagutin mo Blue, ikaw ba ang ama?"

Nagulat ako sa tanong ni Chad. Anong sinasabi niya? Yung tungkol bay un kay Bea? Paano niya nalaman?Tinignan ko si Blue. Hindi siya tumitingin kay Chad, at mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong niya. Akmang susugurin ulit siya ni Chad, mabuti nalang napigilan siya ni Brent.

"Chad, tama na. Mamaya mo na kausapin ulit si Blue. Magpakalma ka muna. Pag kalmado ka na, tsaka mo ulit kausapin si Blue. Zabrina, pwede mo bang samahan muna si Chad sa may lounge, magkape muna kayo?"

Dali-dali akong tumayo para hilahin si Chad palabas. Pero hindi siya agad sumunod sa akin. Ilang beses ko pa siyang kinulit bago siya sumunod sa akin.

"Anong nangyari sa loob kanina Chad? Bakit nag-aaway kayo ni Blue?"

"Narinig mo di ba? Gusto kong malaman kung siya yung ama."

Natahimik ako. Sigurado akong tungkol yun kay Bea. Paano kaya niya nalaman?Napansin ata ni Chad na natahimik ako.

"Sabihin mo nga, may alam ka ba dito? Sinisikreto nyo bay un ni Blue?"

Hindi pa din ako makasagot. Hindi ko kasi alam kung anong pwede at di ko pwedeng sabihin sa kanya. Dahil technically, si Blue lang ang sinabihan ni Bea about doon.

"Mas mabuti pa Chad, magrelax ka muna dito. Mamaya mo na kausapin ulit si Blue. I'm sure meron siyang good explanation for you. Kung ano man iyon, hintayin mo nalang na sa kanya mismo manggaling yun."

"So siya talaga ama ng pinagbubuntis ni Bea?" "Hindiko alam. Wala akong alam sa sinasabi mo." Pabigla kong sagot. Ayokongmag-assume agad siya ng mali. Mahirap na, baka lalong lumala ang gulo.

"Chad, kailangan ko ng pumasok doon. Kakausapin ko muna sila. Bibigyan ko na din ng first aid si Blue. Hindi na dapat malaman pa ng ibang members yung naging away niyo, understood?"

Tumango lang si Chad habang nakatingin sa malayo. Napabuntong-hininga nalang ako. Paano ba umabot sa ganito. Ang manager ng Chronicles, sinuntok ang leader ng grupo. Siguradong lagot ako sa president namin kapag lumabas sa news ito.

Pagbalik ko sa practice room, nabigyan na ni Brent ng first aid si Blue. Medyo halata pa din ang pasa sa mukha niya.

"Blue, ano bang nangyari? Totoo ba sinasabi ni Chad about kay Bea?"

Narinig kong tinatanong ni Brent si Blue. Hindi pa din nagsasalita si Blue.

"Ahm Brent, pwede bang iwan mo muna kami ni Blue. Ako na muna kakausap sa kanya."

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon