Chapter 18

51 1 0
                                    


Maaga ako nakarating ng office today. Wala pang tao sa studio. Last day of recording. Final touch before dalhin sa production yung album nila.

"Blue!" Nagulat ako ng makita ko si Blue sa studio. Di ko ineexpect na mauunahan ako ng mokong.

"Bakit parang nakakita ka ng multo ah."

"Ah, sorry. Hindi ko lang inexpect na may tao na sa studio. Bakit pala ang aga mo?"

"May bigla kasi akong naisip dun s kinompose ko na song. Paparinig ko mamaya sa producer kung ok."

Bigla kong naalala yung gabing narinig ko siya kumakanta sa may hallway. "Marunong ka ding maggitara, diba?"

Nabigla si Blue."Pano mo nalaman yun?" 

"Ha, hindi ba common knowledge yun na marunong ka maggitara?"

Tinitigan ako ni Blue, masamang titig. "Sabihin mo, ikaw yung nakikinig nung minsan sa may studio no?"

Hindi ako makasagot. Bakit ba parang gulat na gulat siya na alam ko yun? Sikreto ba yun?

"For your information, walang ibang nakakaalam na marunong ako maggitara, except kay Chad and Bea. Unless pati yung information na yun, nashare na din sau ni Chad."


"Of course not."

"So how did you know?"

"I heard you one time. Late ako umuwi and may narinig akong kumakanta sa studio, so i checked kung sino. I didn't expect to see you."

Nakatingin lang siya sakin.

"Okay, fine. Sorry. I didn't mean to overheard you. It just so happen."

"You're right. You didn't meant to overheard." Sabay talikod niya sa akin,

"Wow, is that you Blue? For once, nag-agree ka sa akin."

"You're right you didn't mean to overheard. Kasi it's your nature to be nosy. Kaya naman madalas andun ka pag may happening, right?" 

Oh my God. Umatake na naman si Mr. Suplado. But he's right, I'm usually at the wrong place at the wrong time. Kaya naman may mga nalalaman akong hindi ko dapat malaman. Pero ano magagawa ko?

"Since nahuli mo na din ako, pwde ba ako magtanong? Yung kinanta mo noon, para kanino yun?" Ewan ko ba kung bakit ko pa tinanong yun. Alam ko naman kung para kanino yun.

"Sa tingin mo?"

Hindi na ako nakasagot. Nagdatingan na yung ibang members ng Chronicles. Nagulat din si Chad ng makita kami ni Blue.

"Bakit ang aga niyong dalawa?" Tanong niya.

"Hahaha, nagising kasi ako ng maaga, kaya naisip ko pumasok ng maaga."

Ng naging busy na ang lahat, binulong ko kay Chad na dala ko na yung necklace niya. Napansin ko ang pag-iba bigla ng mukha ni Chad. Di ko alam kung lungkot ba yun o kung ano.

"Salamat Breen. Mamaya ko nalang kunin."

"Okay."

Kaya lang hindi nakuha ni Chad yung kuwintas. Hindi pa natatapos yung araw, nauna nang  umalis si Chad. Meron daw siyang emergency.

"Bakit kaya nagmamadali umalis si Chad?" Tanong ni Clyde.

"May kausap siya sa phone kanina. Mukhang base sa usapan nila, may nasa ospital."

Napatingin ako kay Blue. Alam ko kahit paano may alam siya. And halata kay Blue na di din siya mapakali.

Kaya ng nagka opportunity ako, tinanong ko siya.

"Blue, anong alam mo? Anong emergency ni Chad?"

"Bakit ba ako tinatanong mo? Bakit hindi siya tanungin mo."

"Pano ko siya tatanungin, eh wala siya dito. Tsaka nagaalala yung members sa kanya."

"Tawagan mo kung nagaalala ko. Wag ako tanungin mo, okay?"

"Bakit ba ang supla-suplado mo sa akin? Nagtatanong lang naman ako ng maayos."

"Bakit ba hindi mo maiwasan ang mangusisa? May mga bagay na mas mabuting hindi mo nalang alam, okay?"

"So may alam ka nga?"

"Eh ano naman sa'yo?"

"Fine." Paalis na ako ng biglang hinila ni Blue kamay ko.

"Are you sure you want to know why?"

Hindi ko alam gusto sabihin ni Blue, pero "Ye-es." 

He looked at me for a long time, bago siya nagsalita.

"Tamara is in the hospital. She was in an accident last year, and we have no idea. Kailan lang namin nalaman na until now, nasa hospital pa din siya for recovery. Isang buwan palang siya nagkakamalay from being in a coma for almost 6 months"

That name, Tamara. That's the name in the locket. Sino siya. Hindi siya kilala ni Brent. Malamang silang dalawa lang nakakakilala kay Tamara.

"I knew it. Magugulat ka. Probably you're wondering now who is Tamara?"

Am I that obvious? But I think there's nothing wrong to be curious. Hindi ko naman talaga siya kilala.

"She's Chad's ex-girlfriend who disappeared all of a sudden. After breaking up with Chad, hindi na siya nagpakita, and now we know why."

Chad's ex-girlfriend. So that's why. That's why the locket is important to him.

"Tha-thanks for the information. I think let's just wait for Chad tomorrow kung papasok siya. You better go home Blue. Umalis na yung iba." Hindi ko alam kung pano tatapusin usapan namin ni Blue. Ayoko ng marinig pa yung ibang sasabihin niya. 

Tumalikod na ako, ayoko ng makita ni Blue kung ano mang reaction meron ako. 

"Aray. Teka, ano ba Blue?" Bigla nalang akong hinila ni Blue."Saan tayo pupunta Blue? Umuwi ka na."

"Hindi, sumama ka sa akin."

Sumakay kami sa kotse ni Blue. Baka naisip ni Blue ihatid ako sa bahay dahil wala na akong kasabay pauwi.

"Blue, this is not the road going to my house."

"I know."

"So where are you taking me?"

Until I saw a familiar road. I looked at him.

Ngumiti lang siya sa akin.






Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon