"Zabrina, kanina pa kita hinahanap ah."
"Bakit Chad?"
"Remember mo yung suggestion mo regarding sa flash mob. I talked to the marketing department regarding your suggestion, they liked it. Sabi nila no need na daw ng approval ng President, sila na daw bahala makipagusap sa kanya."
"Really? That is a good news!"
"Yes, I know. But that will also mean extra work for us. Are you up for the challenge?"
"Of course, I am."
Pumasok na kami sa practice room para i-discuss sa team ang aking idea.
Ilang days din naming pinaghandaan ang plano naming flash mob. Super hands on si Chad. At si Brent naman ang tumutulong sa mga choreographer para sa pagconceptualize ng gagawin nilang theme. 3 more days to go and kailangan nalang naming makipag-coordinate dun sa admin ng target place namin.
"Zabrina, we need to occular the place. Check natin yung mga strategic place and yung possible na magiging problem natin pag dumami yung mga tao."
"Sure Chad. Kailan mo plan mag-occular?"
"Today sana. Are you free?"
"Yes. I am. Dalawa lang tayo?"
"Yup."
Oh, dalawa lang kami? "Ah, why don't we ask Brent to come? Tingin ko mas ok na kasama natin yung isa sa mga choreographer. Mas alam niya kasi yung flow ng mangyayari." Parang mas gusto kong may iba pa kaming kasama.
"That's a good idea."
Pumunta na kami ng MOA. We chose the place, kasi alam naming madaming tao dun. All kind of people from all walks of life, ika nga, ang andun. So mas malaki yung chance na madaming tao ang maiintroduce sa Chronicles.
Ang tagal din naming nakipagusap sa management ng mall. Madami silang nirerequire at hinihingi, but nothing that we can't handle naman. So all in all, the meeting went well.
"Great job guys! Dahil all set na tayo for the event, let's have dinner, my treat."
"Yes! Thanks Chad. Namimiss ko na nga mga treat mo eh."
"Bakit Brent, lagi ba kayong nililibre ni Chad?"
"Yup. Basta maganda nagiging results ng mga album namin or ng performance namin, nililibre niya kami lagi."
"Wow Chad, ikaw na. Ang galante mo pala."
"Hindi naman. Natutuwa lang kasi ako everytime na nagiging successful sila. Eh mga alaga ko kaya to."
Naghanap na kami ng restaurant. Actually, si Brent ang nagdecide kung saan. Asian cuisine ang offer ng resto.
"Alam mo, ngayon ko lang napansin habang magkatabi kayo ni Chad, bagay pala kayo Zabrina."
Halos mabilaukan ako habang umiinom ng lemonade. "Palabiro ka din pala no, Brent?" Napatingin ako kay Chad. At ngumiti lang siya sa akin. Yung ngiting parang nang-aasar lang din.
"I'm not joking. Bagay talaga kayo. Chad, di ba wala ka pang girlfriend?"
"Wala."
"Ikaw Zabrina?"
"Siyempre wala akong girlfriend."
Nagtawanan ang dalawang mokong. "Siyempre boyfriend ang tinatanong ko, Zabrina. Ikaw ata ang palabiro eh."
"Ok. Fine. Wala."
"Tingin mo Brent, bagay talaga kami?"
"Ako pa Chad? Kailan ba ako pumalya sa ganyan? Di ba pag sinabi kong bagay, nagkakatuluyan? Tignan mo si Blue dati?"

BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...