"Hi Zabrina. San ka nagpunta kahapon? Bigla kang nawala? Di mo naman sinasagot tawag ko?"
"Ah, kasama ko si Blue kahapon."
"Magkasama kayo ni Blue? San kayo nagpunta? Bakit di ka sumasagot ng phone mo?"
"Grabe naman. Pwede isa isang tanong lang? Mahina kalaban eh."
"Bakit magkasama nga kayo ni Blue?"
"Nagwalk-out kasi siya kahapon sa presscon ni Bea, kaya sinamahan ko para siguradong di gagawa ng kalokohan."
"Ah ganun ba?Saan naman kayo nakarating?"
"Dinala ko siya sa favorite place ko para makapagrelax siya. Nagbike kami habang nagpaikot ikot dun sa park."
"Talaga? Mukhang masaya yun ah. Mabuti pa si Blue, naisama mo na dun. Eh ako diba yung pinaka close mo dito pero di mo pa ako sinasama dun."
"Wow, may ganun? Bakit may problema ka bang malaki tulad ni Blue?"
"Wala."
"Yun naman pala eh. Teka nagseselos ka ba?" Pabiro kong tanong. Sabay tawa ng malakas.
"Oo." Sagot niya. Tinitigan kong mabuti si Chad. Seryoso ba ang mokong na 'to? Imposible. Eh kahapon lang affected na affected siya ng issue about kay Bea. "Tumigil ka nga dyan. Baka maniwala ako. "
"Bakit? Di ba kapanipaniwala?"
"Sira!" Sabay batok ko sa kanya. Sakto namang dumating ang mga miyembro ng Chronicles.
"Teka, di mo sila sinundo?" Tanong ko kay Chad.
"Hindi eh. May inasikaso pa ako kanina."
Nagkatinginan kami ni Blue. Di ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. Tumingin lang ako sa kanya. Lumakad siya papunta sa direksiyon ko. Tatanungin ko sana kung kumusta na siya kaya lang nauna siyang batukan ako kaya ang nasabi ko nalang, "Loko to ah. Bakit mo ako binatukan?"
"Ah, batok ba yun? Akala ko form of greetings yun." Umariba na naman si Mr. Sarcastic. Sumunod si Drake. Bigla naman siyang yumakap sa akin. Nagulat ang lahat. Kahit ako, medyo naitulak ko din si Drake.
"Hoy! Teka anong ginagawa mo?" Sigaw nila Clyde. Si Brent naman biglang humila kay Drake.
"Bakit, masama bang bumati? Eh sa yun ang form of greetings ko eh." Sagot ni Drake.
Mayamaya, si Keifer naman ang yumakap kay Drake. Nabigla si Drake sa ginawa ni Keifer. "Ano ka ba? Umayos ka nga? Gusto mo bang mamatay?" Sigaw ni Drake.
"Bakit, eh form of greeting ko din yun ah." Sabay kindat ni Keifer sa akin. Nagkatawanan ang lahat. Si Drake naman, diring diri sa ginawa ng kagrupo. Napatingin ako kay Chad habang nagkakatawanan kami. Kumindat lang siya tyaka ngumiti ng ngiting nakakatunaw. Ayan na naman siya. Nanggugulo na naman ang mokong.
Habang nagpa-practice sila kinausap ko si Chad. "Nakausap mo na ba si Blue? Nakagpasorry ka na ba sa kanya? For sure nasaktan yun ng nagaway sila ng bestfriend niya."
"Bakit tingin mo ako hindi?"
"Sino ba unang nangaway? Hehehe. Magusap na nga kayo."
"Opo. Alam ko naman po yun. Tumityempo lang po ako."
Natapos ang practice nila for that morning. Next schedule naman nila, photo shoot for their magazine feature. Naalala ko bigla, matagal na pala akong di nakakapagupdate sa official IG nila. Kaya kumukuha ako ng picture nila behind the scenes. Siyempre nagpaalam muna ako sa team ng magazine, baka bawal magleak ng pictures nila sa IG.
Real time din ang pagupload ko ng pictures nila sa IG. Sa totoo lang, madami akong napost, kasi naman lahat ng kuha ko sa kanila, maganda. Nakakahinayang burahin. Habang tumatagal ata na kasama ko sila, nagiging fan na nila ako. Yung totoong fan, hindi dahil nagwowork ako for them. Kaya naman naiintindihan ko na ngayon si Courtney. Si Courtney! Naku, matagal na pala yung last time na nagkita kami. Paniguradong nagtatampo na yun sa akin. Dapat pala itreat ko siya sa labas. Tama, ayain ko siya lumabas after ng schedule naming today. Nagtatampo pa nga pala siya kasi di ko siya nasabihan about dun sa flash mob last time.
Alam ko na ang pwede kong gawing peace-offering, signed cd album ng Chronicles. O diba, siguro naman matutuwa na bestfriend ko sa akin. Chineck ko ang bag ko kung may extra pa akong album nila na naitabi. Lagi kasi akong may naka-stock sa bag in case na may biglang pagbibigyan kami. Sa paghahalungkat ko, may nakita akong kakaiba sa bag ko. Isang red rose na medyo nalalanta na. Imposible namang nilagay yun ni mama. Tuwing umaga kasi inaatupag niya ang flower arrangement sa bahay namin. Nagmasid masid ako sa location namin. Tinignan ko kung may mga props na bulaklak ba sa paligid. Meron akong nakita. Si Drake at si Brent lang ang gumamit nun as props. Malamang si Brent may kagagawan nito. Siya lang naman mahilig magbiro sa akin. Tinabi ko yung bulaklak sa wallet ko. Itatago ko yun as souvenir. Actually, sa lahat, siya ang pinakasweet sa lima. Kaya naman siya ang pinakafavorite member ko.
Good thing may album ako sa gamit ko. Isa isa kong pinapirmahan yung album sa members. Last si Blue of course. Mahirap kausap ang mokong na to, kaya kailangan ko pang humanap ng tiyempo. Pagkatapos ng photo shoot, pirma nalang ni Blue ang kulang. Kaya lang di ko siya makita.
"Brent, nakita mo ba si Blue?"
"Magkasama sila ni Chad kanina. Check mo sa may pool side."
Pinuntahan ko sila sa may pool side. Halatang seryoso usapan nila. Aalis na sana ako, kaya lang biglang nagtanong si Blue. "Mahal mo pa ba siya?"
"I never stopped loving her. How about you?"
Ouch? Alam ko naman si Bea pinaguusapan nila.
"I loved her. And I'm on the process of moving on."
Buti pa si Blue. Pero si Chad? Umalis na ako. Di ko alam kung bakit ba ako apektado. Gusto ko na ba siya?
Hinintay ko nalang si Blue sa loob. I don't want to interrupt their conversation. After 30 minutes, bumalik din sila sa loob.
"Blue, pwede mo bang pirmahan yung album? May pagbibigyan lang ako."
Tumingin lang siya sa akin at dirediretso na sa sasakyan nila. Kasunod na pumasok si Chad.
"Ano yun?" Tanong niya.
"Papapirmahan ko sana kay Blue. May pagbibigyan lang ako."
"Si Courtney ba yan?"
"Oo. Nagtatampo na kasi yung bestfriend ko. Bihira na kasi kami magkita ngayon. Tapos di ko pa siya sinama ng nagflash mob ung Chronicles."
"Hala. Eh favorite pa naman niya sila Blue. Di bale, ako bahala. Sumakay ka na sa sasakyan. Ihahatid na kita."
"Ah, pwde bang ibaba mo nalang ako somewhere in Makati? Magkikita kasi kami ni Courtney after natin dito eh."
"Talaga? Sige."
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...