"Where's Brent?" Narinig kong tanong ni Chad kay Clyde.
"Not sure eh. Kanina may kausap siya sa phone. Pagkatapos ng pag-uusap niya, bigla nalang siya umalis ng Dorm." Sagot ni Clyde.
"Aware siya na may schedule kayo ngayon?" Si Chad ulit.
"Yes." Si Drake naman.
I am not sure what happened. Pero ng dumating ako ng umaga na yun, eto na ang inabot ko sa pag-uusap nila.
Since dumating na yung choreographer nila, nagstart na sila magpractice. 1st day palang naman ituturo ung choreo, kaya tinuloy na nila kahit wala si Brent.
I saw Chad on the phone. Alam ko sinusubukan nyang macontact si Brent, kaya lumapit na ako sa kanya to have an update.
"Did he answer his phone?"
"No. He's not picking up."
"Is it ringing?"
"Yes."
"Baka naman hindi nya lang hawak yung phone kaya di niya masagot." I suggested.
Tumingin lang sakin si Chad. I know what's on his mind. If di niya hawak ung phone, isa lang ibig sabihin nun, something's wrong with Brent. Kaya nagkatinginan kami ni Chad. We both hoped it's not what we are thinking.
"Chad, can you try checking the cctv footage around their dorm? Baka naman makita natin ung taxi na sinakyan niya near the village. Then patrace natin."
"Good idea. I will go back to their dorm, magbabaka sakali ako."
"Sasama na ako Chad."
"Breen, I think better kung maiwan ka dito, para may mag-asikaso sa kanila."
Sasagot na sana ako, nang biglang sumagot si Blue. "No, isama mo na si Breen. We can manage here. Mas importanteng macontact natin si Brent sa ngayon."
Di ko alam na tumigil sila sa pagppractice at nakikinig na pala sa usapan naming ni Chad. "Blue's right. Mas Mabuti pang samahan kita sa pagcheck, mas matutulungan kita mag-isip ng paraan. Look at you now, you're panicking, and it won't help." I nodded to Blue, confirming na aalis na kami. And he nods back and said, "Please, pag nakita niyo na si Brent, paki sabi lagot siya sa akin."
Pinuntahan naming ung dorm nila. Nakipagcoordinate kami sa barangay captain ng village para ma-assist kami. May nakuhaan kami ng cctv footage ng pag-alis ni Brent. Nacontact na din naming yung operator ng taxi. From time to time nagbibigay kami ng update sa members. Ako na ang tinatawagan ni Blue.
Kausap ni Chad ung taxi driver. Hoping makapagbigay siya ng clues kung san papunta si Brent.
"Ano sabi niya Chad?"
"Nagpahatid daw si Brent sa may Cubao bus station. Naghanap daw sila ng bus papuntang Zambales."
"Zambales? Anong gagawin niya doon? Beach? With his friends, all of a sudden?"
Umiling lang si Chad. "I think I know where he's going.""Where?"
"Andun nakabase ang family ni Brent. And sa tingin ko uuwi siya. Kaya lang ano ang reason para bigla siyang umuwi. 2 or 3 years ago na yung last niyang uwi."
"What? Di siya umuuwi sa family niya ng ganon katagal?"
"Actually, binibisita naman siya dito minsan ng mother niya or ng mga kapatid niya. But due to his work, di na talaga siya nakakauwi ng province nila."
"I think something's wrong. Kailangan talagang macontact natin si Brent para malaman natin anong nangyari."
"Let me check if may contact ako ng family niya."

BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...