Chapter 33

89 3 0
                                    

Tomorrow na ang MV shoot. Out of the country yung location kaya naman ngayon palang babyahe na kami papunta dun. Maaga ang start ng shooting tomorrow. We are only given 5 days to finish it.

"Breena, san ka magbabakasyon?" Tanong ni Brent sa akin.

"Ha? Anong bakasyon ka dyan. Tayo kaya magkakasama."

"Ah kasi sa dami ng dala mo akala ko magha-hibernate ka kung saang sulok ng mundo eh. Hahaha."

Natawa din ako. Narealize ko nga kung gano kadami yung dala kong gamit. 2 medium size na maleta ang dala ko, samantalang 5 days lng naman kaming out of the country."

"Sabihin mo lang Breena, pwde ka naman naming iwan dun." Sabat ni Blue.

"Tse!"

Pumunta na kami ng airport. 3 pm pa ang flight namin, pero pumunta na kami dun ng around 10 am. Dun nalang kami maglulunch. Pagbaba naming ng van, madami ng fans ang nagaabang sa labas.

Naunang bumaba ung mga members, sumunod kami ni Chad at ng ibang staff. Halatang excited yung mga fans na nag-aabang sa may entrance ng airport. Buti nalang nacoordinate namin agad sa security ng airport. Ng una, hindi na sana ako makikipagcoordinate sa airport, pero si Chad ang nagsabi na dapat macoordinate, para maiwasan ang accident sa airport. And true enough. Habang papasok kami ng airport, hindi maiwasan ng mga fans na magkatulakan. Sa paghabol nila sa Chronicles, halos natulak na din nila ako. Dahil sa gulat ko, napasigaw ako. Buti nalang kasunod ko si Chad at siya ang umalalay sa akin. Napansin yun ng members kaya lumingon sila sa akin.

"Breena! Ok ka lang?" Tanong ni Drake.

Tumango lang ako sabay thank you kay Chad.

"Everyone, please be careful. Give way sa mga dadaan. Bibigyan namin kayo ng time to take our pictures bago pumasok ng airport, if you will give way at hindi kayo magtutulakan."

Wow! Totoo ba yan Blue? Kailan ka pa naging mapagbigay? Pero in fairness, nakinig ang mga fans. They gave way, at hindi kami nahirapan maglakad.

As promised, they stayed for 3 minutes in front of the airport para  sa photo op.

Wala na masyadong humahabol na fans pagpasok namin ng airport. Naghanap na kami ng pwde naming kainan.

Habang naglulunch kami,nagdidiscuss na kami ng schedule and plans for the shoot.

"Chad, kakatawag lang sa akin ng manager ng lead actors natin sa mv, nagkaproblem daw ung passport ng 2." Si Mark, siya ang director namin for this mv.

"Ha? Bakit ngayon lang niya sinabi kung kailan paalis na tayo? Pano naman tayo makakahanap ng papalit sa kanila?"

"Actually, meron na akong naiisip na paraan."

"Ano naman yun?" Tanong ni Blue.

"Since andyan naman si Breena, she can be our lead actress."

"What?" Sabay sabay na sagot naming lahat. Kasali ako. Kasi hindi ko maimagine sarili ko na mag-aacting. Of all the activities na pinapagawa sa akin ng elementary and high school, ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang role-playing or drama.

"Are you sure about this?" Tanong ni Blue.

"Yes."

"So kung si Breena ang lead actress, sino naman ang  magiging partner niya for the MV?" Tanong ni Clyde.

"Alam ko na, si Chad nalang. Tutal naman kilala din si Chad ng mga fans natin. For sure kikiligin ung mga fans na makita siya sa MV." Sabay hirit ni Brent.

Naramdaman ko, namula ako. Kasi sa totoo lang, alam ko yung magiging concept ng mv, kaya bigla kong na-imagine yung possible mangyari.

"Uy si Breena, kinikilig." Pang-aasar ni Brent. Kinindatan ni Brent si Chad, at ngiting ngiti naman si Chad.

Still In ProgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon