"When was the last time you went to the beach Chad?"
"Hmm, siguro a year ago."
"Family outing?"
Hindi sumagot si Chad. I guess it's one of those topics na di ko na naman dapat pang itanong.
Napansin ni Chad na tumahimik ako.
"I know you're wondering kung sino kasama ko." Bumuntong hininga muna si Chad bago tinuloy ang sinasabi."I was with Tamara."
"Tamara? Yung name na nasa locket?" And yung ex-girlfriend ni Chad.
"Yes. And eversince yung last trip namin sa beach, di na ako nakabalik."
Ibig sabihin, super broken hearted siya kay Tamara, kaya di na siya bumalik ng beach.
"It's not what you think." Aba, may pagka psychic pa at nahulaan niya ata nasa isip ko.
"Hindi ako bumalik ng beach dahil broken hearted ako. Ayoko lang pumunta ng beach mag-isa. Mas lalo lang akong nalulungkot. Kaya masaya ako na may kasama ako ngayon ng bumalik ako sa beach." Sabay ngiti niya sa akin. That killer smile again.
"Ah, I know I am nosy. Katulad ng laging binibintang sa akin ni Blue, pero where is she? Anong nangyari?" Di ko mabuo yung gusto kong sabihin. Natatakot ako baka magalit si Chad sa pang-iinvade ko ng privacy niya.
"Remember Bea?""Yes. your first love."
"After kong maka move-on with Bea, I met Tamara. Mahilig kasi ako pumunta ng beach dati mag-isa."
"Teka, nakakapunta ka pala ng beach mag-isa eh, bakit ngayon, ayaw mo na?"
"I don't know. Nang makilala ko si Tamara, I realized I enjoy more the beach when I'm with someone. Anyway, after naming magkakilala sa isang beach in Batangas, we met a few time when we were back in Manila. Then, we fell in love. Okay naman ang lahat, but somehow, unti unti din namin nakikila ang isa't isa. We have different priorities, different goals. Hanggang sa naramdaman kong she's not the same. Pagmagkasama kami parang hati yung attention niya. Until one day, may offer sa kanya ng scholarship sa ibang bansa for her masteral, kaya bigla siyang nakipagbreak sa akin and di na nagpakita."
Sabi ni Blue naaksidente si Tamara. Siguro nakauwi na siya ng Pilipinas ng nangyari yun.
"Wala ka na ba talagang contact sa kanya?"
Tinitigan niya ako ng matagal. "Naalala mo yung may emergency ako?" Tumango lang ako. "I found out that Tamara is in a hospital. And 6 months na siyang naka confine dun due to an accident. I had a chance to see her ng nagkamalay siya. Pero hindi pa din kami makapag-usap ng maayos. Sabi ng mother niya, on going pa kasi ung therapy niya. Baka after another month, makausap ko na siya ng maayos."
"So how do you feel?" Shocks, bakit ko ba tinanong yun? Obvious naman nasasaktan pa siya.
"Honestly, ng malaman ko yung about her, nagmadali akong pumunta ng hospital. Gusto ko siya makausap. I wanted to see her. Pero, ng nasa hospital na ako, bago ko pa siya makita, I realized, closure lang pala yung hinahanap ko. We were in love, pero I was not madly in love. Kasi, kung matindi yung pagmamahal ko, siguro nakipaglaban pa ako kahit konti. But I never tried. Lalo na alam ko naman na that time, ung ambition niya ung 3rd party. Nakipagcompromise sana ako. Pero hindi ko ginawa. Alam mo, nakailang months lang siya sa ibang bansa, he met someone and decided to come back in the Philippines to introduce him to her family. That's when the accident happen. I met her fiancée in the hospital. Nakapag-usap kami, at narealize ko, mas mahal ni Tamara yung guy. Kasi naisip niyang putulin ang kanyang masteral, just to introduce him to her family. I felt happy for her, kasi finally, nameet niya na ang match niya. Kaya lang nalungkot at the same time, kasi nangyari yun. But thankfully, hindi siya iniwan ng fiancée niya. True love ang meron sa kanila."
"So, did you have the closure that you wanted?"
"Yes. Kahit hindi directly from Tamara. Yung nawitness ko sa hospital, yung love nila para sa isa't isa, it's the closure that I felt I needed. No more what ifs. Kaya hindi na mahirap magmove on to another relationship. Sigurado akong wala na akong dalang baggages from the past."
"Eh pano yung necklace mo? Do you still want it?"
"Nope. I will return it to Tamara. I don't think it's right to keep it. Sa kanya naman yun in the first place."
"Ah okay, dalhin ko nalang minsan para ibalik sayo."
"Thanks!"
"Welcome."
Naglakad lang kami ng naglakad. Ang ganda kasi ng langit, Ang daming bituin and masarap din ung simoy ng hangin.
"So ano ang dream date mo?"
"Hala, hindi ka pa din ba tapos sa tanong na yan?"
"Eh hindi mo naman nasagot kanina eh."
"Hmm, I haven't actually thought about it. Wala naman akong specific na requirement eh. Basta romantic yung feels, pasado na sa akin. Hahaha. I'm a simple person."
"Tingin ko nga. Hindi ka mahirap pasayahin."
"True." Saktong nagring ulit ang phone ko. "Si Blue."
"Ha? Eh late na ah. Di pa ba sila tapos magpractice?"
"Not sure. Sandali lang ha."
"Blue, bakit?"
"Sabi ni Brent, di na daw kayo magkasama eh. Nasaan ka ngayon?"
"Naglalakad sa may seashore."
"Sino kasama mo?"
"Syempre si Chad. Teka, ano kailangan mo? Bakit ka tumawag."
"Di kasi sumasagot si Chad ng phone, so naiisip ko kasama mo siya."
"Teka, eto o, kausapin mo si Chad." Inabot ko yung phone kay Chad. Hinayaan ko sila mag-usap habang umupo ako sa may buhangin. After ng ilang minute, binalik ni Chad yung phone sa akin.
"Oh, bakit di mo pa binababa yung phone?" Tanong ko kay Blue.
"Naalala mo yung sinabi ko sa'yo last time?" Seryoso siya."Sort your feelings." Then he hung up.
Ano sinabi niya? Sort my feelings? Oo nga pala. Tinanong niya ako dati, gusto ko ba si Chad or hindi? Gusto ko siya, as in crush ko siya. Pero, inlove ba ako sa kanya?
"Breena, what do you think of me?"
Naputol ang pag-iisip ko. Hindi ko agad naintindihan ang tanong ni Chad. "Ha?"
"Ano masasabi mo about me, Breena?"
"Ikaw? Siyempre, mabait, maalaga, talented, sweet, gwapo, ano pa nga ba? Bakit,may problema ka ba? May naninira ba sa'yo?" Agad kong tanong.
"Wala akong problema Breena. I just want to know how do you see me."
"Hmm, you're perfectly fine."
"How about me as your knight in shining armor?"
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...