One week na yung nagdaan after ng trip namin sa Korea, naalala ko yung necklace na napulot ko. Nakalimutan ko na pala siyang iwanan sa receptionist. Kinuha ko sa cabinet, titignan ko ulit kung may value ba siya. Baka kasi nahihilo na yung may-ari sa kakahanap. Simpleng heart necklace lang siya. Ng tinitigan ko, napansin ko na locket pala siya. Binuksan ko, baka sakaling may name or picture ng may-ari, curious lang ako. Kasi for sure di ko naman na maibabalik yun.
"Tamara". Binasa ko ang name na nakasulat sa loob ng locket. Walang picture tulad ng inaasahan ko. Siya kaya may-ari ng locket. Biglang pinakita sa favorite video channel ko yung music video ng group ni Blue. Nacurious ako sa group nila. Magaling nga ba talaga sila kaya pinagkakaguluhan ng mga girls?
"In fairness, magaling pala silang sumayaw. And cute din naman pala sila. Except for Blue na sobrang yabang. Kahit na gwapo pa siya, hinding hindi ko siya magugustuhan. Baliw na ata itong bestfriend ko para magkagusto sa lalaking yan." Kausap ko na naman sarili ko. Hahaha.
Napansin ko, simula ng nakita ko ng personal si Blue, sa tuwing maririnig ko name niya, kumukulo lagi dugo ko. Dati wala akong pakialam sa grupo nila. Kaya lalo naman akong iniinis ng bestfriend ko. Biruin mo, manonood daw siya ng concert nila next week, at binilhan din ako ng ticket para daw mapanood ko din sila. At naisip pang i-black mail ako para lang samahan ko siya. Sasabihin daw niya kay Gavin na crush ko yung barkada niya. Kung sabagay, baka makita ko ulit dun yung guy na kasama ni Blue sa cafe, yung nakasakay namin sa plane pero di namin namukhaan.
Day-0. Araw ng concert. Hay, kung bakit naman kasi naisipan pa ng magaling kong bestfriend na isama ako. Eh ever since naman di niya ako pinipilit sumama. Buti nalang, reserved seat. At least di namin kailangan pumila at makipagsiksikan sa mga fans. Nagstart na yung concert, I must admit, ang ganda ng production nila ha. Halatang pinaghandaan ang stage production. Live band ang gamit nilang music. Ewan ko ba, pero na-excite ako habang tumutugtog ung band at sumasayaw mga back-up dancers. At nang biglang tumigil ang band pati ang dancers, nagsigawan na ang mga fans. Bigla silang lumabas sa lifesize globe na nakatayo sa may gitna ng stage. Akala ko ng una, part yung ng stage design. Yun pala, part yun ng opening prod nila. And since live band, live din silang kumakanta habang sumasayaw. I was amazed by their performance. Pero ng makita ko na naman si Blue, nawala bigla ang pagka-amaze ko. O di ba, ang lakas lang maka-high blood ng mokong na yun.
Sa kalagitnaan ng concert, bago magstart yung second part ng concert, nag-announce yung host na may raffle draw at ang price, photo op with the group.
"OMG! Narinig mo yun Breena? May photo-op after ng concert. Sana mabunot ako. At alam mo na, pag ikaw nabunot sa akin nalang yung ticket mo."
"Ayoko nga. Sayang yun noh. Makikita ko ng malapitan yung isang member nila, Yung cute na nakared hair." Sumimangot si Courtney, halatang nalungkot siya.
"Haha, grabe ka naman. Ang dali mong mabiro. Siyempre, ipapasa ko sayo pag ako yung nanalo. Di naman ako yung fan nila eh.
Natapos yung concert, and biruin mo yun, sa 50 winners ng photo op, isa si Courtney sa nabunot. Mabuti nalang. Kaya ayun, hinintay ko nalang siya sa labas ng arena. Wala pa din si Gavin, ang aming official driver for the night.
Habang naghihintay ako kay Courtney sa may Starbucks, napansin ko yung lalakeng nakaupo sa may labas ng SB. Pamilyar yung guy, kaya tinitigan ko. Naalala ko na, siya yung lalakeng kasama ni Blue sa Korea. Naalala ko si Courtney, gusto niyang kaibiganin siya para mapalapit kay Blue, kaya pagkabili ko ng coffee, lumabas ako at umupo malapit sa table niya. Pasimple lang ako, pero ng mapatingin siya sa pwesto ko, kinausap ko na siya. "Teka, diba ikaw yung guy na kasama ni Blue sa Korea? Yung sa may Starbucks?" Baka sakaling maalala niya pag binanggit ko yung Starbucks. Hehe.
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...