"So kamusta naman yung pinanood nating movie?" Wala sa plano ang manood ng movie, pero dahil sa dinahilan ni Courtney kanina, naisip kong manood nalang kami.
"Ha? Okay naman. Medyo nakakatawa."
"Alin dun Courtney yung nakakatawa?"
"Yung pumunta si Mark at Trisha sa theme park."
"Yun? Nakakatawa yun? Eh dun nga sila nagbreak eh. Sabi ko na nga ba, wala sa movie yung focus mo eh. Alam mo, mabuti pa, magcoffee nalang tayo. Mukhang madami kang ikukuwento sa akin."
Pagka-order namin ng coffee and cake, naghanap agad kami ng pwestong makakapgkwentuhan kami ng maayos.
"So Courtney, spill it."
"Spill what?"
"Chad still affects you, doesn't he?" Di sumagot si bes, tumingin lang siya sa akin.
"I knew it. Somehow, my feelings ka pa din sa kanya."
"I'm not sure, feeling ko baka dahil lang naalala ko yung feelings ko dati sa kanya kaya maybe I'm mistaking it as my feelings now."
"Well, that can happen. Pero paano mo malalaman kung iiwasan mo siya palagi? Makipagkwentuhan ka kapag bumisita siya sa inyo. Start a conversation with him."
"Ayoko nga, baka isipin pa niyang may gusto ako sa kanya."
"Bakit naman niya iisipin yun? Kapatid ka ng bestfriend niya, so it's only natural na maging close ka din sa kanya, hindi ba?"
"Kung sabagay. Tama ka. I'll take your advise for that."
"Alam ko na, minsan invite din natin siya sa mga lakad natin. Malay mo, pag-close na din kayo, may chance ka pang maging close kay Blue."
Nakita kong biglang kumislap ang mga mata ni Courtney. Di pa din pala nawawala yung kilig niya basta nababanggit si Blue.
"You really are my best friend. Alam mo kung paano ako papangitiin. Pero naalala ko lang, di ba sabi mo noon gwapo si Chad. Alam mo tingin ko bagay kayo."
"Haha. Ano ka ba Courtney, di ba, you're still in the process of sorting your feelings for Chad, eh bakit mukhang nirereto mo siya sa akin?"
"Ano ka ba Breena, I'm just stating na bagay kayo. Di naman ibig sabihin noon na magiging boyfriend mo na siya agad."
Sabay kaming nagkatawanan.
Ang aga aga, ang ingay ingay ng phone ko. Sino ba itong tumatawag, wala pa atang alas-nuwebe eh. "Hello!" Pagalit na sagot ko sa phone ko.
"Hey bes, I have good news for you. Guess what?"
"Bes, I just woke up. Please, sabihin mo na yung news mo. I'm not in the mood."
"Grabe ka bes ha, tinatarayan mo na naman ako." Sa tono niyang yun, naiimagine ko na itsura niya habang nagsasalita, nakasimangot habang umiikot ang mga mata. Kaya naman natawa na din ako.
"So, ano nga ba yung good news mo?"
"According kay Gavin, may friend siya na willing bigyan tayo ng work. Finally, magkakatrabaho na tayo. He just wants us to send our resume to his friend. Para maprofile tayo and maschedule for interview."
"That's great! Kailan niya kailangan yung resume natin?"
"The earlier the better. Itetext ko sayo yung email add na pagsesendan natin ng resume."
"Okay. Pero anong work yung ino-offer niya?"
"Wala pa akong idea. Ayaw kasi sabihin ni Gavin. Baka daw kasi tanggihan natin agad pagsinabi niya."
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomanceWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...