Natapos ang araw, finally,
Feeling ko napakahaba ng araw na ito. Kahit na sabihing nagrecording lang naman sila sa studio most of the time. Pero nakakapagod pala, ang pilit na hindi magpahalata ng feelings. Hahaha
Sa tuwing magkakatinginan or magkakausap kami ni Chad, ingat na ingat ako na di mahalatang kinikilig ako. Kaya naman hangga't maaari, umiiwas ako maka-encounter siya sa loob ng studio. Sa loob ng studio na kitang kita mo ang bawat sulok ng kwarto.
Makakauwi na din ako. Nauna na silang umalis kasi may kailangan pa akong ayusing paper works.
"Are you sure you're gonna be fine going home alone?"
"Of course Chad. Hindi na ako bata no."
"Kung hindi lang kailangan ihatid ko ang mga batang ito, hihintayin na kita."
"Hahaha. Chad, I should be one of the least of your worries. Hindi naman bago sakin ang umuwi ng late. Anyway, the kids are waiting for you. They are really tired."
"Hmm, nakita nyo si Blue?" Paghahanap ni Clyde.
"I think nauna na siya. Sabi niya di siya sasabay sa'tin umuwi." Sagot ni Brent.
"Oh, is that so?"
Umalis na sila, pumunta muna ako sa office para tapusin ang ilang paper works for their upcoming album. Haay, katatapos lang ng concert nila, ngayon, magrerelease na naman sila ng album. Wala ba talaga silang kapaguran? Kung minsan, mahirap din pala maging artista, kahit malungkot ka, hindi mo pwde ipakita sa mga tao. Kahit nasasaktan ka, dapat mong itago.
Natapos ko din ang dapat kong tapusin. Kailangan mapirmahan kasi ito ng presidente namin bukas bago siya lumipad papuntang U.S.
Pauwi na ako ng may marinig akong kumakanta sa may hallway. Natakot ako ng una, pero ng marinig ko yung boses ng kumakanta, hindi ko alam kung bakit parang tumatagos sa akin ung emotion ng kumakanta. Kaya hinanap ko kung san nanggagaling yun.
"Teka, nakauwi na mga tao dito. Bakit may naiwan pa? Trainee kaya ito? Ang ganda ng boses niya in fairness."
"I am a man, so i don't cry. I swallow all my sadness. I quietly close my eyes so that no one notices. I am a man, I love you. But for you who is putting on such a happily smile next to him, I will quietly close my eyes."
Sinilip ko kung sino kumakanta. Blue! Sa kanya galing ang boses na yun? Imposible! Hindi naman ganun boses niya. Alam ko kasi lagi ko naman silang naririnig kumanta. Bakit ngayon, ramdam ko ang lungkot sa boses niya. At naggigitara pa siya. Ngayon ko lang siya nakitang humawak ng kahit anong instruments.
Sa sobrang pagkamangha ko, naitulak ko ng konti yung pinto. Narinig yun ni Blue.
"Sino yan? May tao ba diyan?" Agad niyang binitawan ang gitara para hanapin kung san galing ang ingay. Nagmamadali naman akong umalis. Nahihiya ako. Nahihiya akong malaman niya na narinig ko siyang kumakanta ng ganung kanta. Feeling ko, isang side niya ito na hindi masyado alam ng members ng Chronicles, posible pa si Chad.
Pero para kanino ang kantang yun? Para ba kay Bea? Medyo nalungkot ako ng isipin kong para kay Bea ang kanta. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nakikisimpatya ako kay Blue dahil sa mga nangyari. Siguro kung hindi sila artista, baka sila pa din hanggang ngayon. "Hirap siyang mag-open up sa ibang tao." Naalala ko bigla ang sinabi ni Chad.
Hindi ko alam kung bakit, pero hanggang pag-uwi ko, naririnig ko pa rin ang kantang yun. Bakit kaya hindi niya isinama sa song choices yun nang pumipili kami ng kanta for their new album. That would have been a hit. Especially kung ganun niya kakantahin yun.
Anyway, hindi ko talaga maintindihan ang mokong na yun, isang araw okay siya, isang araw panay nalang pang-aasar.
BINABASA MO ANG
Still In Progress
RomansaWhen you love your work, it is no longer work. So what if your work loves you? Si Zabrina ay na-hire sa isang company na ang linya ay nasa music industry. Isa siya sa nagmamanage ng grupong Chronicles, na sikat na sikat sa bansa ngayon. Si Blue, ang...