2-Junalyn's POV

197 6 0
                                    

Chapter 2

 

“Junalyn’s POV”

"Manong para po sa tabi." Nakoo! Ano ba yan malelate na naman ako sa major namin. Kung bakit ba naman kasi palagi na lang akong tinatanghali ng gising eh. Tssshh. Pisting trapiko kasi yan eh nauso pa. Lakad takbo na nga ang ginagawa ko ngayon papunta sa school. Haggard na ako. Kainis!

Paliko na ako sa may tapat ng Mercury drug ng mabangga ako sa dibdib ng isang matangkad na lalaki. Kunot noo ko siyang tiningala. Humanda siya sa aking angking katarayan.

"Ano ba naman yan kuya? Late na nga ako sa klase sumasabay ka pa. Kainissss! Tabi nga ang laki-laki ng daanan eh." Pag tingala ko nakita ko ang mukha ni Jo In Sung. Yung bida sa pinapanuod kong KDrama. Wait nga lang. My Goshnesh! Hindi mo naman sinabi kuya na ang pogi mo pala.

"Ah hello miss! Ako pa ngayon? Wow Sorry  ha. Hindi ko naman alam na may  nakabili na pala ng daanan na ‘to. Sorry."mayabang na sabi ni kuyang pogi.

Abaaaaaa teka! Hindi pwe-pwede sakin ang ganito. Pogi ka pa naman tapos ‘yang dila mo ang talim ng salita. "Hello ka rin! Wala akong sinabing nabili ko. Ang sabi ko ang laki ng daanan hindi  ka manlang umiwas. Kalalaki mong tao. Napaka ungentleman mo naman . Anong pinagmamalaki mo ‘yang school mo?" Hmp! Exclusive school kasi may maipagmamayabang nga ang bastos na kuya.

Nakupo! Teka anong oras na?? Hindi ko na narinig ang bwelta ni kuya kasi nagmamadali na akong tumakbo. Ang bastos ni kuya. Inis. Ang gwapong nilalang pa naman. Kung hindi lang yun matangkad never ever ko siyang titingalain ‘no. At kung hindi lang ako late, papalamunin ko ng alikabok ’yun. Wahaha! Ang hard ko ba? Wala eh sa grupo naming  GK top two  ako sa pinakamaldita samin. Syempre magaganda kami eh. Kaya may angking 'K'. Buhatan na ng bangko ito. But, Oops! Don't get me wrong, hindi naman ako igaya noong mga maldita na napapanuod mo sa mga palabas, hindi ako ganoon ka-hard. Nagtataray lang ako kapag naiinis ako. Ang problema lang lagi akong naiinis ‘yung tipong laging galit sa mundo. Tsk!

Papasok na ako sa school. Hayyy. Sana talaga hindi ako mapagalitan ng professor namin. Nakita ko sina Altheia, Jeyn, Khim at iba ko pang kaibigan na nakaupo na. 

Patay may professor na nga. Sinenyasan ko si Altheia. "Pwede pa ba akong pumasok?"tanong ko.

Tumango si Altheia.

Kapalan na lang mukha. Tutal madami naman ako nun eh. Go push! Payuko akong naglakad papasok. Binati ko muna yung professor namin. Ten minutes late pa lang naman ako kaya okay lang hindi siya nagalit.

Naupo ako sa tabi ni Jeyn. "Maaga ka pa  Juna, Para bukas!" Inalaska pa talaga ako nitong si Jeyn. Napakasalbahe. Haaay. Napagod naman daw ako pagtakbo. Kamusta naman yun? Sa isang private university kami nag-aaral. Pero hindi kami mayayamang magkakaibigan. Sakto lang ganon.

Si Altheia ang pinakakawawa samin. Kasi wala na siyang papa eh. Ate na niya lang nagpapaaral sa kanya. Kaya nga todo kayod rin yun eh. Tsss. Wish ko nga may manligaw na dung mayaman na Fafa.

Nagdi-discuss pa rin ang professor namin. “As I was saying, the study of literature allows people to develop new ideas and ethical standpoints, and can help individuals to presents themselves as educated person of society. Studying literature can be enriching and eye-opening experience.”

Wow! Astig talaga ang mga diction ni Ma’am Garcia. Haaayyy nako! Kung anu-ano na naman ang naiisip ko late na nga ako at lahat hindi pa ako nakikinig sa discussion. Pero nakakainis talaga si kuyang bastos kanina. Ang gwapo pa naman. Tsaka mukhang mayaman talaga. Ano kayang name niya? Ayyy pisti! Ba’t ko ba siya pinag-aaksayahan ng panahon eh napaka-bastos naman niya. Walang manners si kuya naturingang nag-aaral sa ekslusibong school. 

Nagbell na hudyat para sa lunch time. Naglakad na kami palabas ng room. As usual, si Altheia ang bangka sa usapan. 

“Oh Junalyn ikaw ang manlilibre samin ngayon ha.”

“Nako, ako agad? Akala ko ba si Jeyn at Jestine ang nakalagay sa schedule natin ngayon.” May listahan kasi kami kung sino ang mga manlilibre araw-araw. At ako pala ang manlilibre ngayon nawala sa isip ko. Kakapasok ko pa nga lang. Isang subject pa lang ang napakinggan ko tapos magagastusan pa ako. Napipilitang sumunod na lang siya sa mga kaibigan.

Ayan ang mga friends ko. Dakilang Buraot. Dakilang Palibre. 

Papasok na kami sa tapat ng sisigan ng may makabangga na naman ako. “Araaayy!” Sino na naman ‘to? Pangalawang beses na akong nababangga ha, anong tingin nila sakin pader? Masarap ba akong banggain. AZAR!

“Maka-aray ka ikaw na nga ‘tong may kasalanan. Naglalakad kasi lumilipad ang isip. Ang mga babae nga naman.”Tutsada ni kuya.

Pagtingin ko sa kanya. Anakanang! Siya na naman! “Ikaw  na namang  bastos ka??” Si kuyang bastos again. Ano ‘to density much kami? Density na tuloy destiny pala nahahawa na ako kay Khim ang tawag niya kasi sa destiny ay density. Baliw yun eh. 

“Oh kita mo nga naman ikaw na naman pala. Ugali mo siguro talaga ang makipagbanggaan sa lalaki.”sita ni kuya. 

“Ang kapal ng mukha mo. Sorry ha. Hiyang-hiya ako sayo kuya eh. Tse! Dyan ka na nga! Nasisira ang beauty ko sayo.”

Pinagtitinginan aba kami ng ibang estudyante aba. “Ang sungit naman ni ate akala mo kung sinong maganda.”saad nung isang estudyante.

“Oo nga eh. Siya na nga ang nakabangga kay koyang pogi siya pa ang nagtaray.”singit nung isa pa.

“Junalyn ano ba’yun?”tanong ni Jeyn. 

“Eh kasi si bastos nakabangga ko na rin siya kanina dyan sa may paliko sa may Mercury drug. Nakakainis. Akala mo kung sino kung makapagsalita. Ito naming mga estudyanteng iba aba siya pa ang kinakampihan. Mga taga Makati ‘ata sila eh masyado silang makati,  porke nakakita ng gwapo dun na agad ang simpatya.” Badtrip! Akala mo mga kung sino. Sinisira nila ang araw ko talaga. 

“Kalma ka lang Juny Beybe. Ang puso mo.”biro ni Khim.

“If I know naman naka-chansing ka kay kuya. Aminin!”dagdag ni Alvenn.

“Chansing niyo mukha niyo! Mukha siyang tuod! Ewwssome!” Tuod talaga? HAHAHA. Pabayaan na nga ‘yang si kuya may araw din sakin yan. Pero as if naman magkikita pa aba mga landas. 

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Tulak ng Mouth,Kabig ng Heart (Trilogy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon