Chapter 42
"Whoa! Whoa! Is he crying? Are you sure si Aldrich yan? Kelan pa naging ganyan yan?"gulat na tanong ni Clint James kay Wency."Ilang buwan lang akong hindi nagpakita and now look at him?"
"Ungas wag kang ganyan bagong hulma na ang pagkatao nang isang yan!"tugon ni Wency at sumalampak na rin sa sahig.
Hindi ko pinapansin ang usapan nilang dalawa.I just wanted my tears to fall down quietly.I don't wanna show them my face 'coz I know they'll pity me.
And that's last thing I want to happen.
"Woah? Bakit? Lemme guess,nakulam yan nu?"hula ni Clint.
"Nakoo.Matindi pa sa kulam dude."sagot ni Wency."In-love yan men! The Hotty Playboy's in-love.Sikreto nga lang yun sa campus kasi alam mo naman kapag gaya nating sikat,natatakot siya na pag piyestehan ng mga fans niya yung Master niya sa campus niyo."
"Wait what do you mean campus namin?"
"Ang slow.Turtle net ka na rin? Hahaha.Malamang taga -UE yung girl."sagot ni Wency.
Sige.Mas mabuti yang pinapag-usapan niyo ako as if I'm not here.To think na miserable ako at ayokong isipin siya.Yeah.I already forgot her name.Maybe I had a retrogade amnesia.Pxxch.
Amnesia my butt.I just wish I had.
"Sheets happen huh.Akalain mo yun? Kaya pala one time narinig ko yung isang student namin na binabanggit yung name niya."manghang-mangha si Clint.
"Eh ikaw? In-love ka na rin?"biro ni Wency at ngumuya ng popcorn.
"Uhmm currently waiting.But there was this girl I've met and I really like her.Akala ko nga siya na eh,kaso nalaman ko in-love na rin sa iba.Nag-iiyak nga sakin kanina eh.Haayyy.Gusto ko na rin sanang magmahal.Gusto kong ma-experience na magpakabaliw rin.Tsshh.Ikaw ba naiisip mo na yung mga ganong bagay?"tanong ni Clint.
Humarap ito kay Wency at nakinguya rin ng popcorn.
"Wala pa sa isip ko yan.Mas enjoy ako na single.Tsaka,nakita ko kung anong effect ng pag-ibig dyan kay Aldrich.Parang hindi ko pa atang sumunod sa kanya.Nyahaha!Hell no!"
Nagtawanan pa silang dalawa.
Inangat ko yung ulo ko at pareho ko silang binato ng throw pillows.
"Will you please shut up? Can't you see I'm not in a good mood right now.I want peace men.Peace.So Jerks, please!"bulyaw ko sa kanilang dalawa.
Inis na pinunasan ko ng kamay ko yung natirang luha.
"Wala ka bang beer?"tanong ko kay Wency.
Tahimik na tumayo naman agad ito at kumuha ng alak sa kitchen.
She's mom was probably out of the country neither a vacation or business thingy.
"Namatayan ka ba?"curious na tanong ni Clint James."What was that tears all about?"
Classmate ko siya dati at tropa nung high school.Well,magkakakilala naman ang families namin because of our own businesses kaya magkakapatid na rin ang turingan namin.
Medyo hindi nga lang kami palagi nagkakasama kasi magkaiba kami ng universities ngayon.Tsaka law firm ang business ng pamilya Anderson kaya obviously ay mag aabogado rin si Clint.
Kilala ko rin si Dylan Rae at yung mga barkada niya sa campus including the bitches brattinellas.
But unlike him,hindi kami nagkakasundo masyado ni Dylan Rae.Childish nga kasi yun.Kita niyo na ang tanda-tanda na nambubully pa.Hindi ko na lang minention kay Junalyn kasi ayokong madamay pa siya sa mga kagaguhan ng barkada ko.
Especially, young master Renz Lloyd,he's the last guy on earth na gusto kong ipakilala kay Junalyn.Walang sinasanto yun and again I want her safe.
All I wanna do is to keep her safe.But now,where is she? She chose a bastard jerk she barely knew,over me.Imagine unang beses pa lang nilang naging magkakilala at nagkausap sumama kaagad siya at nagpahatid pa sa lalaking yun.
It's not just because I am jealous.Well,hindi ko naman itinatanggi na nagseselos ako,oo.Pero yung point ko,bakit kailangan niyang magtiwala ng ganon na lang? Bakit? Dahil ba crush niya yun.Dahil ba heartthrob.Ganon kabilis nagtiwala siya agad.Yun yung mas ikinaiinis ko eh.What if addict pala yun tapos ni-rape siya? Hindi lahat ng gwapo mababait.I know it kasi marami na akong nakilalang lalaking akala mo mapagkakatiwalaan pero manyak at rapist pala.
Sila yung mga tao na inaabuso ang kayamanan at kapangyarihan nila.Alam nila na mapera sila at malulusutan nila lahat kaya malalakas ang loob nila.But I found that coward,nagtatago lang sila sa pera nila.
"Dude catch."sabay hagis ni Wency ng beer.
Nagpakalasing ako.Naglabas ng sama ng loob.Salamat sa dalawang ulupong na ito.Kahit mga mukhang walang puso napapakinabangan ko pa rin sila.
Gusto kong burahin yung sakit na nararamdaman ng puso ko.Ito na ba talaga ang ending? Hanggang dito lang ba nauwi yung lahat ng kagaguhang pinag-gagawa ko.
Naalala ko nung magkasama kami sa resort,yun yung unang beses na sinabihan niya akong mahal niya ako.
Yun din yung unang beses na nakaramdam ako ng kaligayahan.Kaligayahang dulot ng salitang 'Mahal Kita'.Hindi ko alam na mapapasaya pala ako ng dalawang salitang yun na binabalewala ko lang sa buong buhay ko.
Those things and memories we've shared are precious to me.I'm crazily in-love and it took time bago ko yun naadmit sa sarili ko.Ayokong mauwi lang siya sa ganito.Alam ko na masasaktan ako kapag nagmahal at heto nangyayari na nga.
Gusto kong kalimutan na lang na nakilala ko siya para matapos na to lahat.
I am strong,physically.Black belter pa ako sa taekwondo tapos ngayon pakiramdam ko ang weak ko.Hindi naman ako nabugbog literally pero bakit nanghihina ako? Bakit parang naubos lahat ng lakas ko.Yung tipong hindi na ako makatayo.Makakaya ko bang harapin ang bukas ng hindi ko siya maiisip?
Makakaya ko bang ibalik sa normal ang buhay ko ng wala siya?
Can somebody please answer me.
In a nutshell,please can somebody explain to me what's gonna happen to my life without the girl who had been my strength.
♥♥♥♥♥♫↑↓♫↑↑↑☺♥♥♥♥♥♫↑↓♫↑↑↑☺♥♥♥♥♥♫↑↓♫↑↑↑☺♥♥♥♥♥♥