Preview Banat :
Si Bastos: "Alam mo yang tuition fee mo kasing laki lang ng allowance ko."
Si Maldita: "Ahh ganon ba? Sabagay yung allowance ko nga kasing laki lang ng utak mo e."
Si Bastos: "Ilang gigabyte ba ang kaya niyang utak mo at parang napakahirap mong makaintindi?"
Si Maldita: "K. Spell BOPLAKS. Y-O-U."
Chapter 13
Wala kaming imikan ni Bastos hanggang sa nakarating na siya sa school nila. Inihinto nito ang kotse sa tapat ng gate ng campus nila.
"Baba na!"mariin pa ring utos nito.
Tahimik na bumaba lang ako.
Kamusta naman yun? Nanlalagkit ang mukha ko dahil sa mga luha ko kanina. With matching sipon pa. Tshh. Hindi man lang ako inabutan kahit gusot na papel, kahit gamit na tissue wala manlang.
Well, wala naman na akong aasahan sa gaya niya eh. Dakila na siya! Dakilang Bastos!
Okay, I admit na napakagaga ko talaga, umiral na naman ang katangahan ko, hindi ko na-control ang sarili ko kaya ayun swak na swak sa ano niya. Oh-my-God! Kapag naiimagine ko talaga yung nangyari naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong ihampas sa pader yung ulo ko para matauhan. Kundi ba naman ako boplaks at kalahati na sumabak sa giyerang ganito just because of good shot I.D. eh di sana walang mala-MMK na eksena sa buhay ko.
Lumilipad na naman ang isip ko habang naglalakad papunta sa campus. Malapit lang naman din kasi ang school ni bastos sa school ko.
Parang papel na pumasok ako sa main gate. Hays. Buti hindi pa ako late.
Naglakad ako papunta sa room. Napaka-aga ko pa, kasi ako pa lang yung andun. Tulala lang ako. Nag-iisip. Naguguluhan.
Nakaupo ako sa pinakadulong bahagi ng room.
What now? Anong mangyayari sakin? Nadagdagan pa ng fourteen days ang pagpapahirap sakin ni bastos. I can't take it anymore! Oha, parang kanta yun ahh.
Ayy ewan! Igang-iga na ako mga dre, kumbaga sa battery drain na drain and speaking of battery sira nga pala ang cellphone ko. Ang pinakamamahal kong phone nasira na. Huhuhu. Ilang taon din kaming magkasama nun, sa hirap man o sa ginhawa. Siya ang nagsilbing comrade ko. Boyfriend ko. My cellphone is my everything! Pamatay bagot ko yun sa bahay at sa jeep.