Chapter 50
After one month:
"Bakla bilisan niyong maglakad baka naha-harass na si Labiduds Ba ng mga haliparot sa school nila."sigaw ko sa mga makukupad kong friends.
May event daw ngayon sa school nina Aldrich Keith kaya tinawagan ako at pinapapunta ako sa school nila manuod daw kami ng concert ni Daniel Padilla sapagkat guess daw nila ngayon.
"Oo na nga eto na.Hay nako,sure ka ba na nadun si Daniel Padilla ko? Sapakan tayo pag jamming to ha."sabi ni Jeyn.
"Kaya nga eh.Nakoo.Ampogi pa naman ni Daniel.Neseye ne telege eng lehet.Jeske!"kilig na sabi ni Khim.
"Sure naman siguro yun.Hello! San Beda kaya yan,yaman yaman nila eh.Kayang-kaya nilang kuhain si Daniel."sabi naman ni Altheia na bigla na lamang sumulpot sa unahan ko.
"San ka galing? Akala ko ba kasama mo si Young Master?"takadong tanong ko naman.
Speaking of Young Master hindi ko alam kung anong state of calamity na ang meron sila pero mukhang super typhoon na ang puso ni Altheia.
Anyways,tutal ending ko na ito kaya sosolohin ko na ang mga kaganapan.Wala na akong time mag sneak peek sa story nilang dalawa.
Chikka ko lang pala mga two weeks akong nakaratay as in ratay talaga,sa hospital.Hindi ko alam kung anong nangyari sakin matapos kong makita si Aldrich na nakikipagpatayan sa mga panghampas ng baseball bat ng mga lalaking addict na yun.Grabeeh talaga hindi ko na kayang i-flashback pa ang eksaktong nangyari nung gabi na yun.Kung paano akong sinaktan at pinaglaruan ng mga lalaking yun.Nawalan na lang ako bigla ng malay nung makalapit sakin si Aldrich Keith.Hindi ko na talaga kaya that time na imulat ang mata ko pero gusto kong makita na ligtas si Bastos kaya nagtiis ako kahit hinang-hina na.Gusto kong sabihin ang lahat ng inihanda ko para sana sa surprise ko sa kanya pero hindi ko nagawa kasi bigla na lang akong nawalan ng malay.