6-POV ni Junalyn

126 5 0
                                    

Chapter 6

Kyaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!! Sa wakas!! Makaka-exam na ako bukas!!

Hinahalik-halikan ko pa ang ID at proud na proud na isinuot ko na siya ulit. 

"Ano ba yan? Nababaliw na ata si Juna e. Natuluyan na."Narinig kong sabi ni Altheia.

"Oo nga. Ikaw ba naman ang maka-FTF ang dalawang gwapo na yun! Nako. Nakakapaglaway."Sagot ni Jeyn.

"Bakit hindi niyo ko sinama. Nainis naman kayo. Gwapo talaga bugs? Jeyn?"usyoso ni Khim.

"Oo bugs! Mga ka-level na ni Lee Min Ho pero syempre mas lamang ng paligo si Lee Min Ho ko nu.Pero mga ganong level bugs! Wagi talaga! Panalo!"sagot ni Altheia.

"Ikaw kasi e. Inuuna mo pa yang katakawan mo. Ayan napaglamangan ka tuloy sa grasya. Ito naman kasing si Junalyn e iwan ba naman kami sa labas. Hindi tuloy namin nakita ng malapitan yung dalawang R.Papa."Jeyn mourned.

"Kaya nga e. Selfish  yang babaeng yan! Gusto siya lang mabubuhay sa mundo."reklamo rin ni Altheia.

"Ano ba yan! Sayaang naman naiwan pa ako rito kila Alvenn. Na nuknukan ng kuripot. Nainis!!"sabay baling ni Khim kila Alvenn. 

"Oh asan na nga pala sina Mariz at Jenny? Ilang araw na silang di pumapasok ahh."tanong ni Jeyn.

"Ewan ko. Baka nanglalalaki."sagot ni Alvenn.

"HAHAHA. Patay ka dun! Susumbong kita astig pa naman bf nun si Jenny ngayon."sagot ni Jestine.

'Wahahaha. Oo nga lagot ka Alvenn.Mababawasan ang kagwapuhang itinatago mo. Nakatago na nga lang yan mababawasan pa."singit ni Rodel.

"WAHAHAHAHAH!" Malakas na tawanan ng Gangers Koolets.

Imba! Anong iingay talaga ng mga to. Mamaya masita na naman kami dito ng guard e. 

Tulak ng Mouth,Kabig ng Heart (Trilogy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon