39-I'm with my crushybell

107 4 1
                                    

Chapter 39

Tahimik na kumakain kami sa loob ng kotse.Grabehan! PG na kung PG pero talagang nagutom ako.Ang dami-daming nangyari eh.Feeling ko ako yung napagod kahit wala naman akong ginawa.Hindi ko pa rin malunok ang katotoohanan na bumili nga siya ng undies ko.Natatawa na nahihiya ako but I have no choice,kesa naman mag amoy malansa ako di ba? 

Todo nguya ako sa chickenjoy na talaga namang nakaka-enjoy.Inabutan ako ni Aldrich nung baso ng softdrinks kasi nabubulunan na ako.

"Rush hour? Wala namang humahabol sayo kaya hinay-hinay lang pwede?"

Ayan,ganyan na naman siya back to pambabastos na naman.Eh wala galit pa rin siya sakin dahil dun sa pagkwekwento ko kay papsikel crushybell.Hindi ko naman akalain magagalit siya.Sobrang nadala lang ako ng kaligayahan ko.Hindi ko kasi talaga akalain yun.Talo ko pa ang na-meet in person si Austin Mahone sa tindi nung kasikatan niya sa campus.Lahat ng hearthrob,masahol pa sa artista.Kaya alam ko mauunawaan niyo ako kung ganito na lang yung naging reaksyon ko.

Kaso iba yung naging dating kay Aldrich Keith.Nakakainis.Couple kami di ba? So dapat buo yung trust niya sakin na mahal ko siya.Bawal ba akong magka-crush.Yung crush na yun nauna pa sa kanya,samin.Pero yung bagay na meron kami wala nang makakauna pa run.Binigay ko sa kanya yung puso ko.I've been engage into different relationships and all of that is nothing compared to what we have.

Long time ago,I stop craving for a fairytale relationship.Umasa na ako na ang mayayaman para lang sa mayayaman.Ang mga artistahin para lang sa mga ka-level din nila.Walang babaeng hindi naghangad ng isang mala-cinderella na buhay.Di ba kaya naghihit ang mga fairytale,korean dramas,wattpad stories kasi karamihan ng mga kababaihan ay romantika.

Gaya lang din nila ako.Nangangarap nung una,pero dum

ating din dun sa point na napagod at nauntog na ako kaya nagising ako sa reyalidad.

Tulak ng Mouth,Kabig ng Heart (Trilogy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon