Chapter 17
"Ate bayaran na ulit para sa final exam namin."Pagbwelo ko kay ate.Kahit alam ko naman na wala siyang maiibigay sakin kasi kulang pang pambayad sa tubig at ilaw ang sinahod niya.
"Ayun na nga e sasabihin ko sana na ikaw na muna ulit dumiskarte kasi maliit ang sinahod ko ngayon."sabi ni Ate Joana.
Nakakapanlumo talaga ang ganitong sitwasyon.Wala naman akong pwedeng sisihin kasi nakikita ko naman na lahat kaming tatlo nina mama at ate ay nagsisikap para makaraos.
Simula ng mamatay si papa noong high school pa lang ako naging mahirap na samin ang lahat.Noong nabubuhay kasi si papa kahit papano nakakapagbigay siya ng pera kay mama.
"Oo sige ate.Gagawan ko na lang paraan."sabay ngiti ko.
Dapat lagi akong okay sa harap ng pamilya ko.Hindi pwedeng magpakita ng kahinaan.
Scholar nga ako pero hindi naman sagot ang lahat kong tuition.Nagbibigay rin kasi sila ng allowance na ginagamit ko namang pangkain at pamasahe.
Nagkataon pa na natapos na rin ang kontrata ko sa trabaho kaya ganito.Haay.