Chapter 8
"Sa tabi na lang!"utos ko kay bastos.
Mula kanina wala kaming imikan sa loob.
Bakit ko siya iimikan e nakakagalit siya.Mabuti kamo nakapagpigil pa talaga ako.Kung hindi baka kung anu-ano pa nasabi ko.
Walang imik na inihinto ni Bastos ang sasakyan sa may tabi sa tapat ng Isetann,Recto.
Padaskol na bumaba ako ng sasakyan at malakas na isinara ko ang pinto ng kotse.
Poor Sports car nadamay pa sa bangayan namin ni bastos.
"Akala mo kung sinong mayaman.Mayabang na bastos playboy at flirt pa.Lahat ng masamang katangian sinalo mo bastos."
Hayy.
What a tiring day.Sana makasakay ako kaagad pauwi.
Patayan pa naman bago ako makasakay buti maaga pa kahit papano,kung nagkataon mayayari ako kay Mama pag-uwi.
Mabilis akong nakasakay ng jeep.
Swerte pa rin kahit papano dahil walang traffic kaya nakauwi ako sa bahay ng mabilis.
Hindi na ako nakakain sa sobrang pagod at sa dami ng nangyari kanina naglinis na lang ako ng katawan at natulog.
♦♦♦
"Hi friend! Kamusta ang lakad niyo kahapon ni bastos?"chismis ni Jeyn.
"Ayun,lahat ng kahihiyan sinalo ko."malungkot na paliwanag ko.
"Ha?!What happened?!"nag-aalalang singit ni Altheia na itinigil ang ginagawang pagbabasa ng libro.
"Eh kasi nagpunta kami ng bar dun sa tides sa may Mandaluyong tapos e di ba nga hindi pa naman ako nakakapasok sa bar kasi hindi naman tayo mahilig sa ganon tapos ayun napahiya lang ako sa loob.Psh."
Ikinwento ko sa kanilang tatlo lahat lahat.
Syempre kami lang apat na babae ang nag-uusap.Busy rin sa kanya kanya mundo yung iba kong kaibigan.
"Ayy.Don't worry.Kinulang lang siguro tayo sa simba mga kapatid.Wildsons tayo mamaya."aya ni Khim.
Nagsitanguan naman kaming tatlo.
Yeah right! Magyo-youth service muna kami mamaya.Matagal din kaming di nakaattend kasi matagal nawalan ng pasok dahil nang bagyong Labuyo.
Geez.Bakit kaya hinang-hina rin ang feeling ko ngayon.
Kumain naman ako kanina ahh.Tsaka maaga ako nakatulog kagabi.
Ano naman kayang problema sakin?
Haaaay.
Haaaaaay.
Haaaaaaaaay.
Kahit nakailang sigh na ako,nothing's change.Ang weak pa rin ng feeling ko.Huhu.
Baka naman dahil loveless ako at walang nagpapasaya sakin?
Ganon nga kaya?
Dati sabi ko masarap yung feeling na masaya ka sa kaligayahang dulot ng mga kaibigan mo hindi yung palaging nakadepende sa boyfriend,mukhang malapit ng magretire sa serbisyo sakin ang linyang yun ahh.