23-DM Resort

94 5 0
                                    

Chapter 23

"Junalyn bangon na.Aba anong petsa na? Maiiwanan ka na dito sige ka."pananakot ng ina niya.

Nagkusot muna siya ng mata at kinapa ang phone sa gilid ng unan.

"Alas-kwatro  pa lang naman mama kung makapang gising ka naman.Pffft."Inaantok pa ako.Kailangan ko pang matulog kasi napuyat ako kakaisip sa sorry ni Bastos.

Ano kaya yun? Mag-eemote ng sorry tapos papatayan ako ng tawag.Siguro nasaniban na naman yung mokong na yun.Matapos akong awayin at kaladkarin may gana pang mang-trip.Paano ko ba minahal yun? Gusto kong kausapin at tanungin ang puso ko kung sa anong paraan siya napamahal sa isng bastos na gaya ni Aldrich Keith Dela Merced.

Nanataling nakapikit ang aking mga mata.Narinig ko ang yabag ng paa ni mama palapit sa tokador.

Nakagawian na naming mag-out of town twing sembreak.This time sa Batangas naman kami pupunta.Ako si mama si ate at si kuya.Mag i-stay kami sa resort ng mga one week. Oha.

Yaman namin 'nu? Wala e,ganyan talaga amg buhay.Beach beach din pag may time.Tamang picture and swimming lang. 

"Junalyn kapag hindi ka pa bumangon ibabalik ko na sa drawer yung mga damit mo.Isa."banta ni Mama.

"Oho na.Eto na nga babangon na e."mabigat ang mga paa na bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa lamesa.

"Kuya pakiabot nga niyang palaman."utos ko.

"Wow.Like a boss.Tssh."sabay dampot ni kuya sa palaman at iniabot sakin.

"Iaabot din naman ang dami pang sinasabi."bulong ko.

Nakanganga ako at kakagat sana sa pandesal ng biglang magvibrate ang phone sa bulsa ko. 

Nagmamadali kong hinugot sa bulsa ng short ko ang cellphone. 

"Good Morning mga Koolets! :) " 

Si Jeyn nagtext. I am expecting for someone sana na magtext. Mukhang nakalimutan na niya ako. Talagang power trip lang lagi siya sakin pagnakikita ako. Lahat ng naganap samin even yung kiss trip lang din. Ang saklap lang kasi nag-expect ako. Akala ko sincere rin yung sorry niya kagabi. 

Gusto ko sana siyang i-text nun at magtanong about dun, ang kaso bukod sa nahihiya ako, wala rin akong load. Bakit naman ako maglolaod e wala naman akong katext. Hindi ko naging ugali ang magload kapag hindi rin lang namna importante ang pag gagamitan. 

"Saan naman galing yang Iphone na yan?"usyoso ni Kuya.

"Wala napulot ko lang dyan sa tabi-tabi."balewalang sagot ko. 

"Pahiram nga.."sabay dampot ni Kuya sa cellphone ko na ipinatong ko sa mesa. 

"Ano ba yan ang papangit naman ng games.Tsh. Saan ba kasi to galing? Akala ko nagjo-joke lang si Mama nung sinabi niya na may bago ka nga raw cellphone e."satsat pa ni Kuya. 

Kuya,can't you see? Wala ako sa mood makipagtalastasan sayo ngayon. Tinatamad akong umimik. Ang babaw talaga ng common sense nitong kuya ko. Nakakainis.

"Bigay lang sakin yan nung mayamang estudyante na amo ko.Alalay niya ako for one month. Kung itatanong mo naman kung bakit niya ako naging alalay ganito yun,may isang malaking atraso ako sa kanya kaya pumayag ako. Kung may mga katanungan ka pa please tsaka na ako mag-eexplain kasi maliligo pa ako."Dire-diretso akong tumayo at naglakad papasok sa banyo. 

Ang daming tanong ni Kuya lalo ko lang tuloy naaalala si Bastos. 

Yung kiss niya sakin,ayun yung gabi-gabing laman ng panaginip ko. Gusto kong maulit yun. Ang sarap kasi nung labi niya. Darn! Kamanyakan na naman laman nang utak ko aky aga-aga. 

Nagbuhos na ako nang tubig at nagkudkod nang katawan. 

♦☺♦☻

"Mama labas muna ako magpapahangin lang."paalam ko kay Mama. 

Pangalawang araw na namin ngayon dito sa DM Resort sa Mabini,Batangas. Kahit anong gawin ko malungkt pa rin ako. Alam mo yung malungkot na nakakabagabag? Ganoon yung eksaktong nararamdaman ko. Tumatawa ako pero hindi pa rin ako lubusang masaya. 

Ano bang tawag sa sakit na ito?

Nagpasya akong maglakad sa dalampasigan habang kinukunan ko nang larawan ang magandang tanawin. Ang asul na dagat na animoy nang-eeganyo na makipaglaro  ka sa kanya. 

Ang mga puno ng niyog na nililipad ng hangin ang bawat dahon.Napakasarap damhin ng hangin na yumayakap sa katawan ko. Naupo ako sa buhanginan habang nakaharap sa dagat. Pinagmasdan ko ang alon na walang humpay na dumarating. 

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Tulak ng Mouth,Kabig ng Heart (Trilogy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon