Chapter 9
"Maldita? Wake up!"tinapik ko siya ng mahina sa mukha.
Nanloloko lang ata to e!
Tinapik ko ulit yung mukha niya. Sheetss! Hindi pa rin siya gumagalaw sa pagkakahiga niya sa gilid ng pool.
"What did you do to her?"angil ko sa dalawang babaeng nakatayo sa likod ko.
I dunno what exactly happened.
Mula nung sigaw-sigawan ulit ako ni Maldita kagabi nung isinama ko siya sa bar I've decided na isama ko ulit siya ngayon dito sa pool party. I wanna shout back and scream through her face how much I also hate her. Pero mukhang masama talaga ang tama nitong si Maldita kagabi. When she said na hindi pa siya nakakapasok sa bar I thought it was just a joke. But when she was asked about her drinks and she proudly said RC, Aww ang hard first time niya nga. I confirmed.
Grabeng JOLOGS ni Maldita. Sabagay nasa personality naman niya ang pagiging jologs e, look at her. Hindi man lang marunong mag ayos. I bet she knows how to use lipstick.
And then, ayun pinabayaan ko na lang siya kagabi. I let it pass again. I just said na matagal-tagal ko pa naman siyang magiging alalay kaya there are bunch of chances para mapahirapan ko siya.
And here comes my success. Nalunod at nawalan ng malay ang kawawang maldita.
Naiinis ako sa sarili ko kasi masyado niyang nao-occupy ang utak ko. Kanina habang nakikipag-usap ako kay Janna sa di kalayuan sa kanya pa rin ako sumusulyap. Tinitingnan ko kung magwo-walk-out ba siya sa sobrang pagkainip. Then, I saw this two girls na lumapit sa kanya. I also saw one of them pour out her drinks on maldita.
Hindi ko alam kung bakit uminit ang ulo ko na parang gusto kong kaladkarin itong babaeng to at itapon sa pool. Bago sa akin ang pakiramdam na magalit sa sexy na babaeng kagaya niya. Kadalasan go na go ako kapag may nakikipag-flirt sakin e. Magaan ang loob ko sa mga sexy. Weakness ko yan e.
Pero dito sa babaeng to ewan ko nabadtrip ako sa ginawa niya kay maldita. Maybe because I only want myself para magpahirap kay maldita.