41-Break-up

82 4 1
                                    

Chapter 41

"Goodbye Hotty Bastos!"alaska ni Wency.

Kanina pa yan pang-asar.Kung anu-ano na naman mga pinagsasasabi.Kesyo bakit daw ako nangailangan ng panty,ganito ganyan.Berde na naman ang utak.

Ulupong yan eh.Akala ikinama ko si Junalyn.Sabi ko sa kanya ibahin niya ako.Ibahin niya si Junalyn kasi seryoso ako sa kanya at alam naman niya saksi siya kung paano ko minamahal si Maldita.Di ba nga siya pa ang nag advice na magpaka-BPU ako kay Junalyn kaso hindi rin naman umepekto.

"Alam mo kung mamamatay ka bukas,bakit hindi pa ngayon!"sigaw ko at sumakay na ng kotse.

Tawang-aso pa rin ang ulupong kitang-kita ko sa side mirror ko.

Anyway,namana ko lang kay Maldita yung line na yun.Hwehwe.

Naiinis pa rin ako sa kanya.Kanina taranta akong maigi kung paano ko siya maasikaso sa problema niya.Tapos nagpakabayani pa akong pumunta ng Isetann para lang makabili ng undies nya.Tapos binilhan ko pa rin siya ng pagkain kahit sinabi ko na hindi siya kakain.

Kahit ayaw kong gawin ginagawa ko pa rin kasi nga hindi ko siya matiis.Siya na yung kahinaan ko ngayon eh.Hindi na lang yung kasexy-han niya.Kundi lahat-lahat sa kanya  kahinaan ko na.

Kaya heto na naman ako,kahit ayokong sunduin siya at ihatid wala pa rin akong magawa.Kusang nagda-drive yung kamay ko papunta sa kanya.

Nagtext siya kanina pero inignora ko lang.Gusto kong ipabatid na galit ako.Galit ako kasi kanina imbes na mag-sorry siya isang stammered na thank you lang yung binigay niya.

Tulak ng Mouth,Kabig ng Heart (Trilogy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon