Chapter 24
Ano na kayang ginagawa ni bastos ngayon?
Ang sarap sigurong maupo dito sa buhaginan na to kung katabi ko siya.
Namimiss ko na rin ang amoy niya,yung pabango niya.Bibili nga rin ako nun para lagi ko siyang naaamoy,then I'll just imagine na katabi ko siya matulog.Hehe.Ang manyak ko ba? Pagtulog agad naiisip e nu? Well,vowel,towel feeling ko lang kasi ang sarap niyang yakapin.Kahit feeling ko rin wala siyang abs,di ba nga.Yung hilatsa ng mukha nun,pupusta ako wala talaga.Taekwondo pa siyang nalalaman.Ang gwapo niya lang talaga kaya kahit maging patpat pa siya o mamon man,mamahalin ko pa rin siya,because love is him and I love him.I love everything about him kahit yung kabastusan ng bunganga niya.Kahit yung sintunado niyang tinig.Kahit mahilig siyang mang-trip.Mahal ko pa rin siya.Ngayon ko yun mas nararamdaman.
Trulalu pala na kapag nasa tahimik,maganda at malamig na surrounding ka ay nakakapag-isip ka nang tama.Napapanatag ang loob mo at nararamdaman mo ang totoong nilalaman nang puso mo.Kaya pala sa mga movies na napapanuod ko hindi nawawala ang eksena na kung saan ay mag-isang nagmumuni-muni ang babae.Nag-rereminisce,mapapangiti na mag-isa kapag naalala ang mga ka-cornyhan nila sa buhay.Jusko! Danas-danas ko lahat nang yun ngayon.
Aldrich Keith 'Bastos' Dela Merced,nasaan ka na ba?
Then biglang pumailanlang sa kapaligiran ang musika ni Bamboo.
Now playing: Masaya by Bamboo
Akoy malungkot nanaman
Amoy chico na ako
Ilang tagay na hindi pa rin tulog