10-Ang Cool ni Master Bastos

146 6 1
                                    

Chapter 10

"Heyyyy!!"nardaman kong may tumatapik sa mukha ko.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata.Nakita ko ang pinaka gwapong lalaking nakilala ko sa tanang buhay ko.

Teka tama na nga ang papuri.Nananaginip pa ata ako ahh.Umupo ako ng maayos at tumingin sa labas sa harap ng bintana ng kotse.

 Shuckkks!! Ang dilim na anong oras na? Malamang tinatawagan na ako ni Mama.Kinapa ko sa bulsa ang cp ko tapos naalala ko na sira na nga pala yun. :( 

"Patay! Anonv oras na?Nag-aalala na malamang si Mama."humarap ako kay bastos na mukhang fresh na fresh basa pa rin yung buhok niya..

Teka bakit basa siya? Tinitigan ko nang maayos ang damit niya.Basa rin...Bakit nabasa to? Kanina mukha naman siyang okay nung naglalakad kami galing sa pool party.

Wait nga.. Bakit naguguluhan ako? Don't tell me siya yung tumalon kanina sa pool bago ako mawalan nang malay? Bakit ba nakalimutan kong magtanong? Siya ba? Hala.

Weh? Di nga? 

Pumikit ako nang mariin.Sumasakit ang ulo ko,pilit kong inalala yung nangyari kanina bago ako mawalan ng malay.

"I can't breathe!Please! Save me!"

Hindi ko na talaga siya kaya.. Gusto kong huminga pero nasa ilalim ako ng tubig.Nakita ko na may isang 

lalaking nagmamadaling tumakbo at nagdive pailalim sa pool.Pumipikit na yung mata ko.Naramdaman kong hinawakan niya yung  kamay ko hinila niya ako pataas.

Hindi ko na alam kung anong nangyari after nun.Then,pagmulat ng mata ko nakita ko ang mukha ni bastos nakaupo siya sa may hilid. Habang nakapikit ako kanina narinig ko na may sumisigaw at nagagalit.Hindi ko alam kung sino yun kung panaginip lang ba o ano.

Naramdaman ko na lang na may dumidiin sa may dibdib ko at ang pinakamalupit eh ng may lumapat na malambot na bagay sa labi ko.

Ang sarap ng feeling habang may nakalapat sa labi ko at nagbibigay ng dagdag hininga sakin.Kaya ayun,hindi agad ako nagmulat.

After mawala yung nakalapat sa bibig ko nagmulat ako ng mata,pagmulat ko nga ayun si bastos pala.Tsaka ko lang narealize na mouth to mouth resuscitation pala yun.

Tulak ng Mouth,Kabig ng Heart (Trilogy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon