Chapter 3
“POV ni Bastos”
“Ano daw pre? BASTOS ! AKO? Itong mukhang ‘to bastos?” Nakakainis yung babaeng maldita na ‘yun. Siya na nga ‘tong nangbabangga tapos siya pa ang may gana na magmaldita. Kung nagkataong lalaki yun. Nasapak ko na talaga. Badtrip! Sigaw sigawan ba naman ako! Baka hindi niya alam siya lang nakakagawa sakin nun. At ayun nga yung ikinasasakit ng dibdib ko. Siya na hindi ko kilala. Siya lang ang nakapagmaldita sakin ng ganon. Kahit mga naging girlfriend ko hindi ako nagawang sigaw-sigawan at utos-utusan lang.
Worst part is, sinabihan pa akong bastos! Sino ba siya? Who the hell is that girl? Wag na wag ko ulit siya makikita baka hindi na ako makapagpigil at masapak ko siya.
“HAHAHAHA! LAUGHTRIP KA BRO! PORDAPERSTAYM! Naranasan mo ring masigawan.”Isa pa ‘tong gaging kaibigan ko na ‘to. Tatamaan na sakin ito.
“Shut up! Sawa ka na ba sa buhay mo Wency??”
“Hep! Bastos ang bunganga mong bata ka ah!” Ang hanep pinaiinit talaga ulo ko. Kahit matalik ko ‘tong kaibigan babasagan ko ng mukha ‘to.
“Pakyu ka sakin Wency!” Iniwanan ko siyang parang sira-ulong tumatawa sa tabi ng gate ng school.
“Hoy, saan ka pupunta Bastos?”pang-aasar pa ni Wency.
“Uuwi na ako gagi! Umiinit ulo ko sayo baka mabasagan kita ng mukha.”
“Wahaha! Okay, ang bastos mo talaga! Hinay-hinay sa pagda-drive Bro.”
“Baliw ka! Wala akong pakialam baka ‘yang kotse mo banggain ko. Nakakinit ka talaga ng ulo.” HAAAYY! Ang hard ng araw ko! Nakakabadvibes talaga! Ayan traffic na naman. Anong oras na naman ako makakauwi? Hindi na naman ako aabot sa First Game ng FIBA. Syet lang!
Huminto ako sa sign ng traffic lights. Magda-drive n asana ako ulit ng biglang may tumawid sa unahan sanhi para magpreno ako ng malakas at mapatama ang ulo sa manibela ng kotse ko. Shet! Bumaba ako ng kotse ang tiningnan kung okay lang ba yung babaeng tumatawid.
“Hoy miss ano ba hindi ka ba nakakaintindi ng traffic light sign? Nakita mo na ngang kulay green ‘di ba? Tawid ka pa rin ng tawid ayan tuloy napala mo. Tumayo ka nga dyan at nagmamdali ako.”bulyaw ko sa babae. Bakit ba puro mga taga ganyang school ang nakakaalitan ko ngayong araw. Nakasuot kasi yung babae ng kaparehong uniform ng malditang nakabanga ko. Pagtayo nung babae isang galit na mukha ang sumigaw sa akin.
“HOYYY! PISTI KANG BASTOS KA AK---“Napahinto ang babae sa pagsigaw.
Halos sabay silang napasigaw ng ..”IKAW NA NAMAN?!!”
“Ikaw na naming maldita ka!? Sinusundan mo ba ako ha?” Tama, itong maldita na naman na ‘to ang nakasagupa ko. Destiny lang diba? Ang baduy ng destiny ko! Pakeng teyp!
“Anong maldita?Ang kapal mo! At ikaw bastos ni hindi mo manlang nakuhang mag sorry, ni hindi mo man lang ako tinulungang makatayo. Hindi mo manlang ako tinanong kung okay lang ako. An—“ Magsasalita pa sana si maldita ng biglang marinig ko ang busina sa likod mula sa mga sasakyan na nahinto dahil sa kanila.
“Oh ano pang hinihintay mo okay ka na naman ‘di ba? Kaya umalis ka na dyan sa harap nakakaabala ka sa daloy ng traffic.” Iniwanan ko siyang umuusok ang ilong. Ibinaba ko yung car window ko para asarin siya. “Maldita!” Sabay paharurot ko ng aking sasakyan. Nakabawi rin sa wakas! WUAHAHAHA!
*
“Hi Nanay Lucy!” Masiglang pumasok ako ng bahay at nag-mano sa mayordoma namin.
“Oh anak dumating ka na pala. Mukhang Masaya ka ah. May nagpapasaya na ba sa alaga ko?”tanong nito.
“Nye! Wala naman Nanay. Si Mommy nandyan ho ba?”
“Wala pumunta sa supermarket. Gusto mo na bang kumain? Ipagpapahanda na kita ng hapunan.”suggest ni nanay Lucy.
“Mamaya na lang po. Sabay na lang ako kay Mommy. Nuod muna ako ng FIBA. Shets! Nawala sa isip ko. Sige ho manunuod muna ako..”at nagatatakbo na ako papunta sa kwarto.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Konti muna ang POV niya. Hindi ko pa rin naiisip kung anong magandang name niya. HAHAHA. Kaya sa ngayon Si Bastos na lang muna ang itatawag ko sa kanya para sa chapter na to. JAJAJA!
-KimEanSuk ♥