Chapter 4
“Junalyn’s POV”
"Bastossss!!” Nakakainis. Super uber duper todamax wasak na wasak at punit na punit na ang araw ko. Ang hanep na bastos yun. Hanep siya! Napakabastos, kasalanan ko bang nagmamadali ako kaya hindi ko nakitang naka-green na pala ang traffic lights. Itong matalino ko kasing utak eh.
Ang napakatalino at napakaingat ko pong katawan naiwala ko lang naman po ang aking ID. Di ba?? Di ba? Paano ako hihinahon? Pano? Kailangan ko pang magpagawa ulit ng ID. Argh! Kainis talaga. Kaya nga bumalik ako hoping na makikita ko sa school. Hoping na may nakapagbigay kay manong guard. ‘Tapos sa sobrang pagmamadali ko ayun natsambahan na naman ng magaling na kapalaran. Sa kahabaan ng Recto nakipag mouth to mouth ako sa kalsadang ubod ng linis at ang mas lalong bumuo at kumumpleto sa aking araw ay ang bastos na kuya na ‘yun. How dare him to the maximum levels! Kung hindi lang nga masamang hilingin na sana'y mabangga na siya, Aynako baka kanina pa ako umusal ng masamang panalangin. Kung hindi ko lang isinasaalang-alang ang pagiging mabuti kong Kristyano at ang aking pagwa-wildsons ‘twing Wednesday naku talaga naman.
Nasa tapat na pala ako ng entrance ng campus.
"Kuya may nakapag-abot ba sayo ng ID ko nawawala kasi eh."tanong ko kay manong guard na busy sa pagsipsip sa Slurpee niya. Ang taray ni manong pa-slurpee slurpee na lang. Wagi.
"Ano bang pangalan mo?"balik tanong ng guard.
"Junalyn Estowkiya po, third year Artium Baccalaureus major in English." Oha! Lakas maka-vocabulary word ng sagot ko kay manong pero sana naman may nagbalik sa kanya. I wish talaga, nakakatamad magpagawa ulit bukod sa hassle, ‘yung panibagong bayad yung masakit sa loob ko eh. Napakakuripot ko pa mandin. Yah! I'm proud of it. Wala akong dapat ikahiya. Eh sa ayoko ng gumagastos lagi, may masama ba dun?
"Wala miss eh pagawa ka na lang ng bago." Huwow, manong thank you sa advice mo ha. Napakalaking tulong napakaganda ng nasabi mong ‘yan at feeling ko gusto kitang parangalan ng award sa FAMAS.
"Tsk! Sige kuya salamat na lang." Ang swerte ko talaga! Kasalanan ‘to nung bastos na lalaking yun eh, kasalanan niya lahat. Ang hirap pa naman mag asikaso ng ganyan. Ayan pa kinaiinisan ko ‘yung mga ganyang bagay. Haaaarrddd! No choice naman ako ‘di ba? Masakit man sa aking kasim-kasim napilitan na lang akong umuwi.
Nakatulog pa ako sa jeep dala ng sobrang pagod at sama ng loob. Naglalakad na ako papunta sa aming mansyon. Haha. Just kidding, wala nga pala kami nun. Simpleng tahanan lang ang meron kami pero masaya naman ako kasi magkakasundo naman kami lahat sa bahay. Ako ang youngest sa aming tatlong magkakapatid. Sinundan ko si kuya tapos yung panganay namin si ate Joyce.
Kung itatanong niyo naman kung anong ikinabubuhay namin, well, may bahay kami sa Bulacan tapos pinapaupahan namin. Ngayon sa Malabon may bahay rin kami ito ngang uuwian ko. Si papa naman nagwo-work abroad as seaman. Si Mama naman housewife ‘yung kuya ko nag-aaral din. Si ate nagwo-work na graduate na siya kaya nakakatulong na sa gastusin sa bahay.