Chapter 5
"Paano na yan hindi ako makakapagpa-ID. Huhu."
Pumunta kami sa ID section pero wala closed.
Okay lang naman sana yun e ang kaso kailangang-kailangan ko na ng ID bukas kasi may exam kami sa major namin.
Sa pinaka strict na professor namin na si Ma'am Gomez.
Number one rule nun ang 'No ID,No Exam.'
Hindi accepted ang kahit na anong excuses.At kahit lumuhod ako sa harap nun talagang walang mangyayari.Mapapahiya lang ako.
Ang lame di ba? Come to think of it,isang exam lang naman yun a long quiz to be specific.First long quiz namin para sa finals,and then sa rule niya bawal ang ID. Eh ano naman ngayon kung walang ID e hindi naman magagamit yun sa pagsasagot sa quiz.
Ano naman kung walang ID e long quiz pa lang naman.
At tsaka pano nga kung nawala.Pano nga kung closed ang ID section sa campus.
Napaka-bitter lang talaga ni Ma'am sa mga estudyante! Wuhaha. Sinisi ko pa si Ma'am e.
Pero nakakapagpabagabag talaga yung rule na yun.
And the main problem of mine is that,I need to get that quiz.I need it kasi mababa ako sa midterm at nagbabawi ako.
Malaking kawalan kapag hindi ako nakapag-exam bukas.
Magbibigti na ako.
"Pano na nga e di hindi ka makaka-exam bukas?"problemado rin ang mga friends ko.
Ayan ganyan na sila pag seryoso na.Haha.Oo nagseseryoso rin naman yang mga yan.Mukha lang hindi.
"Ano pa nga ba?" Nakakafrustrate naman.
Kasalukuyan kong dinidibdib ang aking sitwasyon ng biglang magring ang aking cellphone.
Hinugot ko sa bulsa ng aking palda ang cp .Hindi naka-save ang number pero sinagot ko pa rin. "Hello!"
"Si Junalyn Estowkiya ka ba?Magkita tayo now na.Nasa akin ang ID mo! Bilisan mo nandito ako sa may Bon Chon alam mo naman.siguro to."
Abaa hindi rin bastos ang caller ko.ahh.
Lakas maka-utos e.Pero nagliwanag ang mukha ko pagkarinig sa ID.
Sa wakaaaas.Finally,The end.This is it.
Redundant na haha.
Masaya lang kasi dininig ni Lord ang prayer request ko kanina.
Kung kahapon masama ang araw ko mukhang ngayon maganda na.Kasing ganda ko na ulit.
"Talaga? Osige I'll go there . Thank you! Ano nga palang name mo ku---"
Tutut.
Awww.Call ended.
Confirmed.Bastos nga si kuya.
Pero carryboom lang sa kanya nakasalalay ang long quiz ko.
At ang pagpasa ng aking agaw buhay grades.