47-Kidnapped

74 4 1
                                    

Chapter 47

"Jeyn!"nagtatakbong sigaw ni Alvenn habang hinahabol ang van na pinaglulanan sa mga kaibigan.

"Tae anong nangyari? Sino yung mga yun? Tawagan mo na si Aldrich!"sabi ni Jestine.

Dali-dali namang dini-al ni Alvenn ang number ni Aldrich.

♦♦♦

"Pare sina Juna nakita na lang namin isinasakay sila nung mga mukhang impakto sa van.Tinangka naming habulin pero hindi na namin naabutan.Pati plate number hindi namin nakuha."Mahabang kwento ko.

Nandito kami ngayon sa bahay nina Wency.Hindi ko na lang pinansin kahit dito kami dinala ni Aldrich kanina nang magkita-kita kami sa MC.

Alam ko na may plano na si Juna na i-surprise si Aldrich.Matagal ko na ring naririnig na binabanggit niya ang pangalang Wency pero hindi ko naman inisip na iisang tao pala sila.

Dala ng sitwasyon namin at sa pag-aalala ko sa mga kaibigan ay hindi ko na pinansin si Wency na mukhang wala na ring panahong pansinin pa ang kalagayan naming dalawa.

"Ano bang nangyayari? Ibig sabihin kinidnap sila? Tell me,mukha bang gangster yung mga lalaki?"kinakabahan ng tanong ni Aldrich samin.

"Oo.Tsaka mga kasing tangkad ko tapos mga six sila na nakita ko."

"Syeeett! Dang it! Nangyayari na nga yung panaginip ko! Waaaah! Anong gagawin natin? Anong kailangan nila?"naguguluhang tanong ni Aldrich.

"Teka pare kalma lang,tumawag na kaya tayo sa pulis."sabi naman ni Jestine.

Tulak ng Mouth,Kabig ng Heart (Trilogy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon