Chapter 48
"Mga gunggong,sa tingin niyo ba masasaktan niyo kami? Hahaha."tawa nung isang lalaki na may hawak ng baseball bat.
Nakita ko si Junalyn at ang mga kaibigan niya na magkakatabing nakaupo sa isang sulok at nakapiring.
Nagtagis ang aking bagang nang makita ang kalagayan ni Junalyn.Ang babaeng mahal ko,ingat na ingat akong wag siyang masaktan pero ayun at duguan ang labi.Pasa ang kaliwang pisngi.
Nagdilim lalo ang paningin ko.
Hindi ko na hinintay makapagsalita pa ang mga pendehong grupo ng mga lalaking nasa harap ko.
Nagmamadaling sinugod ko na agad sila.
Alam ko na ang dami nila at may mga panghampas pa silang dala,pero alam ko rin kung gaano ako kagaling sa labanang ganito.Isama pa ang lakas ni Renz Lloyd,kaya malakas ang loob ko na mananalo kami sa grupo ng mga gangsters na ito.
Iniwasan ko ang ihahampas na baseball bat sakin,ito ang lalaking nagtangka na ring manghalik kay Maldita noon.Hanggang ngayon hindi pa rin nadala.Hindi ko man alam kung paano niya nakilala ang iba pa niyang kasama ay di ko na lang pinagtuunang pansin pa iyon.Nagtataka man ako kung bakit pati si Renz Lloyd ay nakilala nila binalewala ko na lang rin ang galit at banta nila.Basta ang alam ko kailangang mailigtas ko sina Junalyn.
Kailangan ko siyang malapitan,alam kong natatakot siya at nahihirapan sa mga oras na ito.
Hindi ko alintana ang ilang mga suntok na natatamasa ko sa kalaban.Nagpatuloy pa rin ako.sa pagsipa at pagsuntok.
Nakita kong napataob na rin ni Renz Lloyd ang mahigit kalahati sa grupo.
Pinagtulungan naming pareho na maigupo ang mga lalaking natira.