7-Pov ni Aldrich Keith

125 5 2
                                    

Chapter 7

"Dela Merced, Aldrich Keith."tawag ni professor Loyola.

"Present."pabalewalang tugon ko.

As you heard,that's my name.

I am a third year student  taking up Bachelor of Science major in Business Administration. Nakakaboring. Puro na lang business ang pamilya namin. Simula sa lolo ng lolo ko lahat kami puro about sa business ang course. Si dad ang pumili ng course ko.Anak mayaman nga ako.Nabibili ko ang mga bagay na gusto ko. Sagana ako sa lahat pero sa pagmamahal ng isang ama,nakikihati kami ni Mommy. 

"Bastos!"bulong ni Wency sa tabi ko.

Kagaya niya ,anak mayaman din si Wency.

"Oh?"bulong ko.

"Bakit tulala ka?Iniisip mo si Junalyn 'nu? Aww naman. Love na ba yan?"kulit nito.

"Shut up! Kalalaki mong tao napakadaldal mo."

Ang daldal talaga nito si Wency kahit kelan.

First Year college kami nang unang maging magkakilala. Nagkasundo kaagad ang ugali namin kaya ayun,'til now kami pa rin ang buddies. Pero teka,ano ngayong ipinaalala niya sakin, si Maldita,ano naman kayang una kong iuutos sa kanya. Hmmm.Ideya naman lahat ni Wency yun eh,bakit hindi na lang siya ang mag-isip.Pero,sabagay may point naman ang isang to e. 

 Dapat itatapon ko na nga yung ID niya pero hindi ko malaman kung bakit hawak ko pa rin yun hanggang sa makabalik kami sa school nung araw na nagpunta kami sa mercury at mapulot ko yun. That's the start of the PA issue.Sabi ni Wency bakit daw hindi ko gamitin ang pagkakataon na yun para makabawi ako kay Maldita tutal naman daw naiinis ako sa kanya.

 Ayun,I and him came up with that plan. Kakainis naman talaga siya.Ang kapal niya para isiping stalker niya ako.Manalamin nga siya..

Napaka ingay niya malditang sexy na makinis at maganda. Well, pwede na rin kaso hindi ko siya trip. Walang kadating -dating. Ang gusto ko yung mga ka-level ko. Ayoko sa kanya!! Pagtritripan ko lang  siya.Tutal,boring na ulit e. Wala manlang bago sa buhay ko ngayon.

♦♦♦

Tulak ng Mouth,Kabig ng Heart (Trilogy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon