Luhan's POV
I'm staring at my hands. Hindi ko kayang tumingin sa mga taong kasama ko dito. Hindi ko na kayang tumingin sa mga mata nila kase alam kong ako yung may kasalanan.
"So, kamusta kayong lahat?"
Ngumisi lang ako.
Congrats, Youngmin. Panalo ka ngayon.
Walang sumagot kahit isa samin. No one knows either we're fine or not.
"Can you please say it now? Gusto ko ng umalis." Narinig kong sabi ni Kris. Napayuko ako lalo.
I ruined everything. Even my co-member's life.
Halos limang buwan na rin yung nakalipas nung engagement party. After non, may isang bagay na nawala saming lahat.
Trust.
"No. Binibigyan ko na nga kayo ng oras para makapag-bonding e." Sabi ni Mr. Kim at tumawa. Nandito kami sa office nya, he called for a meeting.
Nung hindi na namin nakita si Nian sa Korea, parang nawala na lahat. Madalas na kaming nag-aaway. Nagsasagutan. Pati yung mga girlfriend nila minsan nasasagot na nila. Kitang kita ko kung pano sila na-depress.
Walang lumabas sa public nung engagement party. Media blackout happened. Knowing SM, they won't let the small fire goes big.
Pero kahit hindi kami nasira sa Exo-Ls, nasira naman yung mismong EXO. At pakiramdam ko kasalanan ko 'yon.
"Say it, Mr. Kim." Sabi ni Suho. Naiinis ako sa sarili ko. Ako yung sumira sa pundasyon na matagal naming binuo. Ako yung dahilan lung bakit isa isa kaming bumagsak.
"I just want to say that.." naramdaman ko yung pagtahimik ng buong room pagkasabi nya non. Nanginig yung kamay ko. Parang gumuho yung mundo ko. Gusto kong umiyak at magalit sa kanya. Pero wala, nanatili lang akong nakaupo sa upuang 'yon.
"Disbanded na ang EXO."
bigla kong nadilat yung mata ko at umupo ako. Fota. Napaginipan ko nanaman 'yon.
Kada mapapaginipan ko 'yon, iniisip ko na sana panaginip nga lang. But no, it really happened.
Exo disbanded five years ago.
"Oppa. Sira ba aircon mo? Bat pawis ka?" Nagulat ako nung may sumulpot sa pinto. Umiling ako. Binangungot ako e baliw kaba?
"You should go out. Lagi ka na lang nandito. 'Wag mo bulukin sarili mo. Puro alikabok na aircon mo e." Sabi nya bago sinara yung pinto. Teka bakit pala hindi naka-lock 'yon.
Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko. I looked at how miserable my life is. Ang kalat. Ang gulo. Parang ako lang.
Hindi na ko lumalabas ng bahay. Usually nasa kwarto lang ako. My sister is right, binubulok ko lang yung sarili ko dito.
pero kase, natatakot na ko lumabas. Ayokong makita nila akong ganito.
Lifeless miserable jerk.
Tumayo ako. Maybe I need to do something. Naligo ako at lumabas ng kwarto ko. Nagulat naman silang lahat sa'kin, yung mga maid. Di pa kase lunch pero lumabas ako ng lungga ko. Bakit napaka-hard nyo.
"Oppa, lalabas ka?" Tanong sa'kin ni Sandy habang nakaupo sya sa sofa at nanunuod ng TV. Sumimangot ako. "Hinde, papasok ule. Malakas trip ko e." Sumimangot din sya sa sagot ko. Jusko ako nasusura neto e.