Luhan's POVNasipa ko yung bote na nasa sahig sa sobrang inis ko. Nawala nanaman sya, hindi ko nanaman naabutan si Nian. Bat ka ba kase nagkabilbil, Luhan? "Aray po." Napatingin ako sa kanya. Nakaupo sya sa bench at nakahawak sa noo nya. Hala? Tinamaan ba sya?
Tumakbo ako agad papunta sa kanya. Ngayon ko lang narealized na nasa tapat na pala ako ng isang nursery school, kanina pa 'ko palakad lakad galing sa meeting e. Lumuhod ako sa harap nya. "Tinamaan kaba?" Alalang tanong ko at tinanggal yung kamay nya na nakahawak sa noo nya.
"Di po. Sinabi ko lang po yung naramdaman nung bote. Kayo po kaya sipain?" Sabi nya at natawa ako sa kanya. "Wait, ikaw yung sa ospital diba?" Paninigurado ko. Hinawakan nya naman yung chin nya at nanliit yung matang tumingin sa'kin.
"Stranger!" Sigaw nya at tinakpan yung bibig nya. Napangiti naman ako sa kakyutan nya. Siguro kung magkaka-anak ako, sana katulad nya. "I'm Luhan. See? I'm not a stranger anymore." Umupo ako sa tabi nya at ngumiti naman sya sa'kin.
"Luhan po? Ako po Hani. Pareho po tayong may Han, di po kaya kambal po kita?" Pft, jusme. Di ba mauubusan ng sasabihin 'tong batang 'to? Tapos, ano daw? Kambal? "Di mo 'ko kambal. Big boy na kaya ako." At ginulo ko yung buhok nya. I wonder where her parents are. Uwian na nila, marami akong nakikitang nag-uuwian na e. Siguro hinihintay nya lang yung sundo nya.
"Big girl na din naman po ako e. Di na nga po ako umiihi sa bed po, sa sahig na lang po. Hihihi." Hani said. Ang cute nya, parang nawala yung pagod ko bigla. This kid is so smart. "Gusto nyo po ba ng bubble tea?" Tanong nya bigla. Napaisip naman ako, ang tagal ko na din palang di umiinom non? Sigh, time really changed me.
"Ako po gusto ko." she paused and pouted. "Kaso wala po akong pambili. Tsaka po di po ako marunong tumawid, sabi din po ni eomma yeon 'wag daw po ako tatawid ng mag-isa kase maliit daw po ako di daw po ako makikita ng driver. Di naman po ako maliit e, big girl na po ako. For short, libre nyo po ako ng bubble tea."
Napanganga ako sa daldal nya. Tumalon naman sya para makababa. "Bakit po? Di din po kayo marunong tumawid? Malaki naman po kayo a? Makikita po kayo ng driver." Sabi nya at hinila yung kamay ko kaya wala na 'kong nagawa kundi tumayo. Hawak ko lang yung kamay nya habang papunta kami sa bubble tea house.
Pakiramdam ko tatay na 'ko.
"Hani!" Bati nung cashier pagkapasok namin. Magiliw namang kumaway si Hani. Peymus pala 'tong batang 'to e. Lumapit kami sa counter at napatingin sa'kin yung cashier sa'kin. "Hani, iba ata kasama mo ngayon? Asan si Tita Drea mo at Eomma Yeon mo?" Tanong nya. Binuhat ko naman si Hani para hindi sumakit yung batok nila pareho habang nag-uusap.
"Sya po si Oppa Lulu, kambal ko po." Natawa kami sa sinabi nya. Pinanindigan nya talagang kambal kami no? "Stranger po sya. Pero di na po sya stranger kapag nilibre po nya ako ng bubble tea." At lumingon sa'kin si Hani at kumindat. Ay, ganon.
"Taro po akin. Yung large po! May mas malaki pa po ba sa large? Sige dalawang large na lang po!" At tumawa ulit sya. Taro? Pareho kami ng gusto a. "Dalawang large." Sabi ko sa babae at tumaas naman yung kilay nya.
"Seryoso? Baka naman sumakit ngipin ni Hani nya-"
"Ah, akin yung isa. Tig-isa kami." I said for her to stop nagging me. Tumawa naman sya at tumango na lang. Kase naman e. Habang hinihintay namin yung order namin, napatingin ako sa TV dito sa loob ng shop. Hindi pa binabalita yung comeback namin. Sabi nila gagawan daw ng sariling event para i-announce na magkakasama na ulit kami. Wow naman.
Pagkabigay nung order namin, nagbayad na 'ko at umalis na. "Oppa Lulu," sabi nya at hinila yung laylayan ng coat ko. Natawa ako sa hangeul nya, so cute how slang she is. "Bakit po taro din po inyo? Favorite nyo din po ba? Actually di po yun talaga yung sasabihin ko. Pakibutas nga po, hirap po e." At iniabot nya yung straw sa'kin. Kinuha ko naman yun at tinusok sa bubble tea nya, at iyon, ininom na nya.
Ang cute nya tignan habang hawak nya ng dalawang kamay nya yung large na bubble tea. "Favorite ko rin po taro. Ganun po ba pag mga cute?" Nasamid ako sa sinabi nya. Tumingin sya sa'kin.
"Cute po ako, diba po? Kayo po ba di kayo aminado? Cute naman po kayo a? Kaso konti lang, ako po sobra sobra." At tumawa nanaman sya. Ang bata pa nya para maghangin, para syang si Nian e. "Di ako cute, gwapo ako."
"Patingin nga po?" lumuhod ako para ka-level ko sya. Inilapag nya naman sandali yung bubble tea nya sa sahig at hinawakan yung mukha ko. Pero actually, nilamutak nya. "Bakit po mukha po kayong babae? Ay, baka po babae ka po. Kaso po wala ka pong dede? Para ka pong si Tita Drea,
Dalawa likod." xx
Napasapo ako sa mukha ko. Pati ba naman bata sasabihan ako ng ganyan? Sakit a. Tumayo na 'ko at binuhat sya habang nilalaklak nya yung bubble tea nya. Hindi nya ko mahahawakan kase dalawang kamay panghawak nya sa iniinom nya kaya binuhat ko na lang sya. Pero sa totoo lang, ang bigat nya. Nakabalik na kami sa school nila at umupo ulit kami sa bench na inupuan nya kanina.
"Asan na yung sundo mo?" Tanong ko sa kanya. Sumimangot sya pagkatanong ko non. "Lagi naman pong late si eomma yeon, di na po ako magtataka po." Sabi nya tapos sumipsip nanaman sya sa bubble tea. Yun akin ubos na e, hirap siguro syang lumunok ng sago.
"I wanna meet your eomma yeon, tatanungin ko kung bakit ka madaldal." And I pinched her cheek on the right amount. "Papakilala ko po kayo. Pati na rin po kay appa yeol po. Tas po kay Tita Drea, may girlfriend po ba kayo? Kayo na lang po para di na po nya pagtyagaan si Barnehhh." She seems have a happy family. Kaya siguro lumaki ng mabuti 'tong si Hani.
"Hani!" Napalingon kami pareho ng may sumigaw mula sa kabilang kalsada. "Ayan na po pala sya e." Sabi ni Hani at kumaway. Tatawid na sana sya yung nakita nya ko. Nabitiwan nya yung dala nya at napatitig sa'kin.
Nanlaki ang mga mata ko.
D-Don't tell me...