Twenty Six

34 2 0
                                    

Chanyeol

"Yeol?" Iniangat ko ng konti yung ulo ko para makita sya. Gising na sya. Inilibot nya yung mata nya sa paligid at tumingin ulit sa'kin. "Umaga na pala. Teka-" Tumingin sya sa'kin at tumingin rin ako sa kanya. Alam ko na 'yang expression na 'yan, she's sorry.

Tatanggalin na nya sana yung kumot na nakapatong sa kanya pero nagsalita ako, "just stay there." At muli kong iniyuko yung ulo ko dahil sa halo halong nararamdaman ko ngayon.

"Di mo sinabi, si Luhan pala yung naiwan mo dito sa site." Mahinang sabi ko at pinipilit pakalmahin yung sarili ko. "Nagluto pa naman ako ng hot pot para sa'yo." Dagdag ko pa at namilog na yung kamao ko.

Buong gabi, buong gabi ko syang hinanap. Halos maiyak na si Hani sa gutom kase hinihintay namin syang dumating, kase sabay sabay kaming kakain. Pero dahil baka mangayayat yung bata, pinanuna ko na syang kumain at pinatulog na rin bago umalis at hanapin si Doyeon. Pumunta ako sa camp pero wala sya, wala na ring tao don. Inabot ako ng hanggang madaling araw kakahanap sa kanya pero wala. Sinabi ko na nga ba, dapat sinamahan ko sya.

Nag-alala din ako kay Hani kaya umuwi na 'ko. Pero hindi rin ako nakatulog, hinihintay ko syang umuwi. Gusto kong sabay kaming kakain nung pagkain na niluto ko. Gusto kong gising ako pagkauwi nya. Di ko naman sya matawagan kase yung phone nya, andito. Jusko naman.

Hanggang pumunta ulit ako dito kinaumagahan. Masyadong maaga compared sa dating talaga namin. The staffs were shocked when they saw me, na ako lang at wala si Manager-nim. And it happened. A staff unlocked the stockroom's door, and they were inside, together.

"Yeol, let me explain." Sabi nya at umupo mula sa pagkakahiga nya sa bench dito sa loob ng closed tent. Hinawakan nya yung kamay ko. "You don't need to, I know it."

"Luhan hyung?! Why were you with her? What were you doing here?" Hindi ko napigilan yung sigaw ko ng lumabas si Luhan hyung mula sa stockroom. Tumingin sya sa'kin at sumimangot. "Why are you acting like that?"

Sa inis ko, nakwelyuhan ko sya. "Why did you spend the night together? Anong ginawa nyo?" tinulak nya ko ng malakas kaya napabitaw ako sa kanya. "Nakulong kami, Yeol. Wala ng tao kaya hindi kami nakahingi ng tulong. Wala rin kaming dalang phones. Kaya naghintay na lang kami na may tutulong sa'min. At wala kaming ginawa sa loob, look at her, she sleeps like a dead log-"

"And you took advantage of it?!"

Lalo syang sumimangot sa tanong ko. "You're acting strange. Bakit ba galit na galit ka?" pagkatanong ni hyung non, tsaka lang ako natauhan. Oh shit, I almost forgot about it. Tago nga pala yung relasyon namin. "Don't tell me you also think she's Nian too? Nagseselos ka?"

Tumalikod ako sa kanya at binuhat si Doyeon na nakaupo sa sahig. Ako? Magseselos? Fucking yes. Just the thought that they spent the night together makes me wanna punch someone right now. "What I feel is none of your business, hyung."

"Sorry, I just came here to find my scarf." At napansin kong may suot syang pulang scarf na hindi nya naman suot bago sya umalis kagabi. Tinanggal nya yun mula sa pagkakapulupot sa leeg nya. Nagulat ako ng isuot nya sa'kin 'yon. "Actually, ibibigay ko talaga sa'yo 'yan nung nag-uusap tayo kagabi e. Pero naiwan ko dito. Ayoko lang na malamigan ka kaya ginawa ko 'yan. Oo, gawa ko kaya 'wag mo ng sabihing panget kase understood na 'yon." Mahabang paliwanag nya.

"And trust me, walang kahit anong nangyari sa'min ni Luhan kagabi. Natulog lang ako." sabi nya at tumitig sa mata ko. Oh shit, wala na, wala na yung galit ko. Bakit kase kahit gano kalaki yung kasalanan mo sa'kin hindi ko kayang magalit sa'yo? Mahal na mahal kita no? Ngumiti ako at ginulo yung buhok nya. "Ah, it's warm." At hinawakan ko yung scarf na suot ko.

"Talaga? Maganda ba?" Tanong nya kaya natigilan ako sa pagdama ng gawa nya at tumingin don. Tsaka tumingin ulit sa kanya. "It's warm." Pagsagot ko non hinampas nya 'ko sa braso at nagpout. Tumawa naman ako. Ang cute mo talagang inisin, kaya mahal kita e.

"Woah, look who's getting well together." Napalayo kami sa isa't isa ng pumasok yung exo-k sa loob. Nagulat sila ng nakita nila ako. "Are we getting in the way?" Tanong ni Suho hyung at tinuro kaming dalawa. Dahan dahan naman kaming umiling pareho. Nakakainis, bakit kase kailangan pa naming gawin 'to e.

"Of course not! Tinatanong pa ba 'yan? Hi, Nia- I mean, Doyeon!" Sigaw ni Baekhyun at kumaway kay Doyeon. "Nagdala kami ng pagkain para sa'yo. Nabalitaan namin yung nangyari e." Sabi ni Sehun at inilapag yung paper bag sa may table.

"Ganto kase namin alagaan si Nian e. You know her? The one that REALLY looks like you." Sabi ni Jongin at umupo sa tabi nya at inakbayan sya. Tumingin naman sa'kin si Doyeon. Alam ko, hokage talaga si Jongin. Pero napatingin din sa'kin si Kai na ikinagulat ko. "Naiinis ka na siguro sa'min. Di lang kase namin mapigilang isipin na iisa kayo." sabi ni Kyungsoo at inilabas yung pagkain na nasa paper bag.

"Hindi ka ba talaga si Nian?" Seryosong tanong ni Jongin kaya napatingin kaming lahat kay Doyeon. Kai is acting strange lately. Lumapit naman si Ksoo sakanila dala yung burger at juice box na iniabot nya kay Doyeon pero isinagi nya muna sa mukha ni Jongin yung siko nya. Ouch. "Aray, hyung! Masakit yun ah?"

"Of course it hurts, kung hindi uulitin ko." Sabi ni Kyungsoo kaya nagpout na lang si Jongin sa kanya. Kaisoo feels. "But, she really looks like Nian!" Sigaw ni Sehun at hinatak yung isang upuan at umupo malapit kay Doyeon. Kapag hindi ako nakapagtimpi sisipain ko silang lahat palabas.

"Their face looks precisely the same. Pati yung height, pareho silang maliit."

"Ouch, 'wag naman direct to the point."

"Naiba lang yung kulay ng buhok at yung porma. Seriously, ambaduy pumorma ni Nian. Wala syang taste." Nakita kong sumimangot ng konti si Doyeon don. Hindi backfighter si Sehun, side fighter sya, nasa gilid nya sa Doyeon e. At tae naman yung walang taste. Maganda kaya taste nya, mahal nya nga ako e.

"Test nga, anong paborito mong pagkain?"

"Ha? Ah, hot pot?"

"Nian doesn't have a favorite food. She eats everything." Sabi ni Suho at tumawa. Natawa rin ako. She used to be like that, pero ngayon hindi na sya ganun katakaw. Kundi mag-aagawan sila sa pagkain ni Hani.

"Favorite KPOP group?"

"Ah, exo?"

"Nah, Nian hates exo. Alam ko Bigbang, she even fangirled at GDragon back then. Nagselos nga si Luhan hyung non e." Sabi ni Baekhyun at tumawa. "So nostalgic." Sabi ni Kyungsoo. Yeah. Mga alaalang matagal ng kinalimutan ni Nian.

"Rule #1?" Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Sehun. "Respetuhin ang dyosa." Sabay sabay na sabi naming lima. Puta, nasusuka talaga ako kapag binabanggit ko 'yon. Throwback sa habagat days ni Nian. Natawa na lang ako ng marealize na naalala pa naming lahat yung walang kwentang house rules nya non.

Natigilan kami sa kakatawa ng pumasok sa loob yung exo-m, excluding Luhan hyung. "Guys! Guys!" Sigaw ni Chen at nagtatatalon sya. "Kung troll 'yan, 'wag mo na ituloy. Nangangati yung palad ko e."

"Wow, magkakapera ka, Baek."

"Nope. Baka masampal kita."

Nagpoker face naman si Jongdae, "why are you doing this to me?"

"Pero guys, may good news ako- oh, andyan pala si Doyeon." Sabi ni Minseok at napatingin naman yung iba sa kanya. Ngumiti naman ng matipid si Doyeon. "Oh, ano na mga hyung? Ayos lang na andito si Doyeon, alangan namang paalisin natin diba? Sya nauna dito e." At pumamewang si Sehun. Onga, nagpasukan na lang kayo bigla e.

Ngumiti naman silang lahat. Pagkasabi nila non, kami lang ata ni Doyeon yung hindi natuwa.

"Alam na namin kung nasaan si Senpai!"

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon