Doyeon's POV
She let out a heavy sigh.
Looked at the dark sky that makes her feel down.
"No matter how far you are, atleast we see the same stars."-she said to herself and slowly closed her eyes.
Sinara ko yung libro. Sakto ba na pagbukas ko sa part na 'yon ako mahihinto? Nananadya e.
Di ko alam. Pero ako lang ata yung author na pupunta sa bookstore at magpa-private reading ng sarili nyang libro.
Astig, diba? Nakasulat ako ng libro. Yung dating walang kasipag sipag sa katawan na humawak at makbuklat man ng libro, nakagawa ng isa. Inspired kase ako kay Hani, at syempre sa mga pinagdaanan ko.
"After the fall." banggit ng babae at napatingin ako dun. Kinuha nya yung nag-iisa na lang na copy ng libro ko. "Maganda ba 'yan?" Tanong nung kasama nya. Bastusan lang?
"Oo daw, paparentahan ko sayo pagkatapos ko basahin." At nawala na sila sa paningin ko.
Right, ako yung nagsulat. Pero walang nakakakilala sa'kin.
I don't want publicity. I asked the publishing company to keep my identity. And they did it. Tinago nila ako sa pen name na "endy". ND kase 'yan, initials ng Nam Doyeon. Bakit ba kayo nangingialam.
At isa pa, syempre tinago ko yung identity ko. Nagtatago nga ako diba? Kahit pamilya ko pinagtataguan ko, syempre namimiss ko rin sila, sobra. Pero kailangan e. Only Yeol knows where I am and who I am now.
I just want to escape the world that tortures me.
Lumabas na 'ko ng bookstore. Takte, wala na 'kong gagawin don e
Pumunta ako sa department store ng mall na 'to. Di ko na nasama si Hani, may pasok e. Nagleave lang ako sandali para ibili ng regalo si Chanyeol.
Yes, si Chanyeol.
Natutunan ko na rin syang mahalin, after all the sacrifices he did.
Ang tanga ko lang siguro, he's been there for me from the very start. I treated him only as my bestfriend. Kase, sa isang tao lang ako tumingin nung mga panahon na 'yon.
Umiling ako, ayoko ng maalala. Ayoko na syang maalala.
Pumunta ako sa men section. Ano ba magandang ibigay sa posteng 'yon. Tumingin tingin ako ng mga coat. Oo nga, coat na lang. Lumapit ako sa isang mannequin na nakatalikod sa'kin. I feel the fabric of his coat. Ang lambot.
"Sana di ginto presyo-" pero nagulat ako nung gumalaw yung mannequin.
Teka, wtf? Hindi ata mannequin 'to e!
Lumingon sya sa'kin kaya mas lalo akong natigilan. He wears a cap and holding his phone. His shocked and frustrated eyes locked on mine.
Napamura ako sa isip ko.
Parang naghalo halo lahat ng emosyon na pwede kong maramdaman.
Pakiramdam ko matutunaw na lang ako sa kinatatayuan ko.
Naging limitado yung paghinga ko.
Exo's visual. Face of the group. Second of the oldest. He's right infront of me.
"Luhan." Bulong ko sa sarili ko.
