Sehun"Thank you for your hardwork, Oh Sehun." I continued to read the letter. "This is for you, enjoy~" medyo kinulot ko rin yung dulo kasi yun yung nakalagay e. Binulsa ko yung letter at tinignan yung paperbag na binigay ni Eomma. Pinadala daw e. Natapos na yung shooting namin, actually kahapon lang. Di ko inaasahan na medyo matagal na rin pala kaming nagsama sama. Matagal na rin naming nakasama si Senpai kahit na medyo naging cold sya sa'min. Naiintindihan ko naman.
"Really PD-nim?" Natawa ako sa laman ng paperbag. Why the heck he would send me a snow picture of him? Of him using the puppy effect? At naka-frame pa. Panira ng araw. "Vivi, are you hungry? C'mon eat this." Iniharap ko kay Vivi yung picture pero dahil mana sa'kin si Vivi, tinalikuran nya. I luv u so much baby. Natawa na lang ako at binalik yung picture sa loob. Ibalik ko kaya sa kanya 'to? No, magpapadala na lang din ako ng picture ko. What a good idea.
I grabbed my phone and opened it. Napangiti na lang ako sa wallpaper ko. "Ice, sikat kana. Fan mo na 'ko ngayon. Imagine? Oh Sehun is your fanboy? You're such a lucky idol." Natawa ako sa sinabi ko at natawa din ako kase kinakausap ko yung phone ko. Salamat nga pala sa fansite ko na nagbigay nito, yehet.
I was about to open the snow app ng nag-appear yung pagmumukha ni manager hyung, I mean tumatawag sya. "Oh?" Walang buhay kong sagot sa kanya. [Sehun.]
"Bastos kaba?"
[Sehun bastos kang bata ka—]
"Oops, sorry hyung. I thought it was Suho hyung." Inilayo ko yung phone ko mula sa tenga ko and I laughed. I wasn't named evil maknae for nothing huh. [Okay. By the way, papunta na 'ko dyan sa bahay ng Eomma mo. Susunduin kit—]
"May schedule ba ngayon?!"
[Se, can you please atleast make me finish my statement firs—]
"Yah! Hyung~ pahinga ko ngayon e." Sabi ko at humilata sa kama ko. Muntik ko na nga ring mapisak si Vivi. Sorry baby huhu. [No. Matagal ko ng sinabi yung schedule mo e. Napaka-pasaway mo talaga. Dress casually, aayusan ka ng stylist mo sa set—] pinatayan ko sya.
Gumulong gulong ako sa higaan at ipinagpapadyak yung paa ko. Bwiset. Ayoko! Ayoko ng ganyan. Bata pa 'ko. Kinuha ko ulit yung phone ko and I opened my SNS. Nag-scroll lang ako at nakita ko yung tweet ng WGM.
Who's the next idol to get married?
"Pabo, it's me. It's Oh Sehun." Tinype ko pero dinelete ko rin. Yes, ako yung groom. Kung sino man yung magiging bride ko, idgaf. May pake lang ako kung si Ice 'yon tss.
**
"Sehun-ssi, why are you wearing like that?" Takang tanong ng stylist ko. I'm wearing my yehet face when I looked at her.
"Hyung told me to wear casual," tumingin ako sa suot ko at tumingin ulit sa kanya. "this is how I normally dress." Tinutukoy ko yung plain sando ko and sweat pants. With a color pink stitch slippers. Masunurin ako e.
Umiling iling lang sya at tinuro yung wardrobe, edi pagbibihisin din nila ako. Buti talaga di ako pumorma. Dumating rin si hyung sa loob ng dressing room at nung nakita nya 'ko lalabas na sana sya. "Hyung! Bawal ba talaga ako magback-out?" Ipinulupot ko yung braso ko sa leeg nya at pilit din naman nyang tinatanggal 'yon. "Bakit hindi si Kai hyung? Tutal fucboi naman sya—" sinamaan nya 'ko ni tingin.
"Hindi naman ako backfighter, sinasabi ko rin naman sa harap nya 'yon. Promise." Itinaas ko rin yung kaliwang kamay ko. Umiling iling sya. "You already signed for this. Don't tell me nakalimutan mo?"
"Nagpapa-sign ka kase kung kelan sabog ako." I rolled my eyes. "Lagi ka namang sabog. Mahirap kumuha ng timing sa'yo." He also rolled his eyes kaya yung kamay ko na nakapulupot sa kanya, ipinangtulak ko para tuluyan na syang makalabas at sinara ko yung pinto. Bwiset.
Pumunta ako sa wardrobe at sinuot yung sinabi ng stylist ko. Kahit ano naman suotin ko gwapo ako. Naiimagine nyo naman diba? Iniabot ko sa kanya yung pinagpalitan ko at umupo na sa harap ng salamin. She started to brush my hair. "Do you know who is she?" I looked at her through the reflection of the mirror. "Who is the girl i am going to marry?" I smirked after I said that.
Hindi naman ako tanga para hindi malaman na kaya ko ginagawa 'to para sa exo. Para makuha ulit namin yung tiwala ng iba sa'min. Kaya wala akong magawa kundi sumunod. Pwede ko naman tarayan kung sino man yung ippair nila sa'kin e. Basic diba?
"Dun lang din namin sa site malalaman. Sabay sabay tayo, Sehun." Sabi nya and she motioned me to part my lips, para malagyan nya ng lip tint. Sumunod lang ako sa kanya at napaisip. Hindi naman ako makakasapak kung saka-sakaling si Baekhyun yung andun diba? Nangingilabot ako. "Kaja?" Tumingin muna ako sa repleksyon ko sa salamin bago tumayo.
Kahit anong gawin ko, di kita maalis sa isip ko, Ice.
Pagbukas ko ng pinto ng dressing room muntik ko na masara ulit, "filming na?" Tanong ko dun sa camera man at tumango naman sya. Lumabas na 'ko at nagbow don. Naninibago ako. Pakiramdam ko first time kong gawin 'yon. "Sehun-ssi, anong nararamdaman mo ngayon?"
Ngumiti ako. Sehun, filming na. 'Wag ka magmura. "Ah, kinakabahan ako." At tinap ko yung dibdib ko. Pero deep inside, wala akong nararamdaman. Gusto ko ng umuwi. "Kilala mo na ba sya?" He asked and he motioned the way, palabas ng building.
Umiling ako at nakangiti parin. "Wala akong idea talaga." And I faked a laugh. Wala akong pake kung sino sya. Translation 'yon. Naglakad lang kami at may naka-park na sasakyan don. Sabi nya naman na sumakay so sumakay ako. Kung kidnapper man 'to atleast pogi ako. Charot. "Sino ba gusto mo if ever?"
Sabi nila hyung, ganto talaga sa variety. Dumaldal ka lang ng dumaldal ayos na. Kaya kung shy type ka talaga, bahala ka sa buhay mo. "Ah, sino ba.." Nagdrive na yung driver at kunware nag-iisip ako. "Si Ice." I straightforwardly said. Wala naman na talagang iba, sya lang. Char ang cheesy ko.
"Sino pa?" Gagu, wala ng iba. Loyal na nilalang ako. Pero dahil nagtanong na sya, kingini mapipilitan ako sumagot. Kundi ma-iissue kami ni Ice, na gusto ko rin naman hehez. "Irene? Yoona sunbae? Kahit sino." At tumawa ulit ako. Dapat makipagplastikan talaga ako dito bwiset.
Nagpark yung kotse sa harap ng coffee shop. And somehow, my heart beats in an unusual way. "Bes kinakabahan ako." Yon, hindi na pilit yon. Paglabas ko ng sasakyan may isa pang camera na sumalubong sa'kin. Tinanong ko kung nasa loob ba sya, sagot nya oo. Malamang Oh Sehun, utak mo nasaan?
The moment I pushed the shop's door, mas lumakas yung pintig ng dibdib ko. Bakit.. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Hindi ko pinansin yung cameras na nakasunod sa'kin, I looked around. At napahinto yung tingin ko sa babaeng naka-upo mag-isa sa isang table. Cameras were also focused on her. Her eyes met mine, and I feel like my heart is going to burst out of my chest.
"Ice."