Chanyeol's POVSinundan ko lang ng tingin si Doyeon habang naglalakad sya papasok ng campus kung saan kukunan yung first scene namin. Nasa parking lot pa rin ako. Napansin ko rin na walang masyadong tao or fans, siguro kase hindi pa nila alam na sama sama na ulit kami. Pero for sure namang may mga kumakalat ng rumors, Exo-Ls paba? Naghihintay na lang siguro sila ng confirmation, oki weyt lang.
Hinihintay ko na lang na makapasok si Doyeon bago ako lumabas. Baka kase may makakita kung sabay kaming lalabas sa parehong sasakyan e. It's not that we're hiding, pero parang ganun na rin. But it's just for a meantime. Kapag tamang panahon na, di ako maka-aldub a, pero kapag tamang panahon na nga, I'll kiss Doyeon infront of Luhan hyung. Just to make him go crazy.
Kinuha ko yung cap ko sa may compartment pero nagulat ako nung may isang bagay na tumama sa side mirror ko. Tumingin ako sa labas at may nakita akong nakadapa don. Wtf?
"Yah, are you okay?" Binuksan ko yung pinto ng sasakyan at lumabas. Nadapa ba sya tsaka tumama sa side mirror? woah double kill. "Hanapin nyo lang yung surot, nasa gilid gilid lang 'yon!" Napalingon ako sa sumigaw pero mas nagulat ako nung biglang sumara yung pinto ng kotse ko.
"O-Oy! Buksan mo 'to, kotse ko 'yan!" Sigaw ko at kinatok katok yung salamin ng kotse ko. Aba wow naman, sya pa yung nasa loob. Nuks talaga. "Hoy!" At mas nilakasan ko yung pagkatok sa salamin pero nakita kong nakayuko sya at umiling iling. Pinilit ko ring buksan pero nilock nya edewaw. Medyo tinted yung glass window, maaaninag ka lang sa loob. So alam kong nasa loob sya at akong may-ari yung nasa labas. Kudos!
"Boss, may problema ba tayo?" Napatigil ako sa pagkatok at napalingon sa isang lalakeng mukhang gangster na mukhang ninja turtle na nagtanong sa'kin. Halatang di sya gumagawa ng mabuti dahil sa mga tattoo nya. "Wala naman." Sagot ko at tumayo ng maayos.
"Kami meron e." oh anong pake ko? Gusto ko sanang sabihin 'yon kaso lumapit sa kanya yung tatlo pang lalaki na kamukha nya. Wow, kumpleto na ang teenage mutant ninja turtles. Oh sino si Michaelangelo sa inyo?
"Tanong lang," panimula nung isa at ipinatong sa balikat nya yung baseball bat na hawak nya. Teka, hindi naman gulo 'to, diba? May shoot pa kami e. "May nakita ka bang dalaga dito? Mga ganito kaliit." At itinaas nya yung kamay nya kapantay ng kilay nya. Kung makamaliit sya ang tangkad nya oh.
"Tapos naka-uniform sya. Mahaba yung brown nyang buhok. Naka-jansport na bag tapos may pink na beads bracelet then-"
"Pre, masyado mo ata syang tinitigan?" tanong sa kanya nung kasamahan nya. Bigla naman syang umubo at umayos ng tindig kase kanina nung nagddescribe sya medyo pumipilantik yung ulo nya. "Hindi, pre. Magaling lang photographic memory ko." tumango tango naman yung tatlo. Seriously?
"Nakita mo ba sya boss? Kailangang turuan ng leksyon yung batang 'yon e. Di kase nag-aaral ng mabuti." At nagtawanan sila. Napasulyap naman ako sa loob ng sasakyan ko at nakayuko pa rin sya. Base sa description nila, sya 'yon. Tumingin ulit ako sa ninja turtles, sabi ko nga, hindi sila mabuting pagong. Ibang kemikal ata yung meron sila.
Zonrox? xx
"Ah, yun ba? Yung babaeng naka-uniform na mahaba yung buhok? Oo, nakita ko!" Sagot ko sa kanila. Nagsiapiran naman sila at tuwang tuwa. "Tumakbo sya dun oh!" At tumuro ako. Tumingin naman sila don at nagpasalamat muna bago tumakbo. Humarap ulit ako sa kotse ko.
"Now, open the door." At kinatok ko ulit yung salamin. Dahan dahan nya namang binuksan yung pinto at nakapamewang ako sa kanya. Lumabas sya ng sasakyan at nagbow sa'kin kaya unti unti kong tinanggal yung kamay ko mula sa pagkakapamewang. "Thank you, ahjussi! Babayaran ko yung damage ng side mirror mo- pero hindi muna ngayon, pakilista. Salamat." At umayos na sya ng tayo.