Chapter Seven

43 1 0
                                    

Doyeon's POV

Lumabas na ko ng bahay. Baka mapatay ko pa si Drea lol. Hindi nga pala ako papasok sa convenient store ngayon, napagpaalam ko na 'yon. Pupunta kase ako sa publishing company na nagpublish ng libro ko, may sasabihin daw sila e. Speaking of libro, malaki nga pala utang na loob ko kay Drea tapos ginganon ko sya. She was the reason why my book was published. Sya yung nagsend ng novel ko dun sa company, pasaway e. Then fortunately, ginawa nila 'tong libro. So salamat sa libagin na 'yon.

Nagbus ako papunta. Masyadong malayo, di ko kayang lakarin. Baka sumexy ako lalo. Bago ako pumasok sa loob ng building nila, sinuot ko yung hoodie ko, bukod sa mukha akong little red riding hood kung pula man 'to, kelangan ko pa ring itagobyung identity ko. Hindi naman sa nagmamayabang ako, well, konti lang. Isa yung libro ko mga top-selling sa publishing company na 'to, pero wala na 'kong balak gumawa pa ng isa. Baka pag buntis lang ako magawa ko na 'yon, ehem, Chanyeol?

"Excuse me?" Sabi nung babae sa front desk, di ko namalayan na matagal na rin pala akong nakatayo lang don, muntanga lang. Sumimangot naman ako, namimiss ko na si Yeol e. "I have an appointment with Mr. Wang." Sabi ko at ngumiti sya.

"You are?" She asked.

My destiny. Char.

"Nam Doyeon." sabi ko, tumango naman sya at pinapunta na ko sa office ni Mr. Wang, ang pangalan nya ang Malu. Gusto ko tanungin yung magulang nya kung bakit ganon yung pinangalan sa kanya. Dumiretso ako sa elavator. Pagkarating nun sa 27th floor, bumukas ang pinto. Syempre dito na ko lalabas e. Pero napatingin ako sa lalakeng nakasalubong ko at nagmamadaling pumasok ng elevator.

Was that EXO's manager?

Hindi ko na lang pinansin, baka kamukha lang, at dumiretso na ko sa office ni Mr. Wang. Pagdating ko don, sinalubong ako ng secretary nya at inasist sa meeting hall. Pagpasok ko para akong biglang nahiya, di ako na-inform, madami na pala Wang Malu ngayon.

"Good day, Ms. Nam." Sabi ni Mr. Wang na nasa dulo ng table. Tinanggal ko yung hood ko at ngumiti. Well, actually, gusto ko sana itanong kung sino yung mga impakto dito. They look scary e.

"Have a seat." At sinenyas nya yung upuan na nasa kabilang dulo. Medyo long distance kami dito a. Dahan dahan akong umupo at napatingin sa paligid ko. Oh tapos ano ng gagawin ko ngayon.

"In this meeting, we need our board member's and other's opinions. And ofcourse, yours." He solemnly said. Ah, board members pala 'tong mga 'to, pero di ko pa rin gets. Napansin ko yung isang bakanteng upuan sa tabi ko, sino kaya yung nakaupo dito? Pero di talaga yun yung nasa isip ko. Hinila ko ng konti yung upuan at nilapag dun yung bag ko kaya napatingin sa'kin yung iba. Bakit ba? This is a free country, you can do what you want lol.

"Ha?" Yun lang yung nasabi ko, di ko alam yung sasabihin ko e. "Ms. Nam, or let's say, Endy. We're asking for your permission to allow us use your story for our planned movie in partnership with an entertainment company." Napaawang ng konti yung labi ko. WUT MOVIE.

"Ako ba yung bida?" Tanong ko agad, narinig ko naman na nagtawanan yung mga board members. Kapal ng mga kalyo sa mukha ha? "Don't be silly, Ms. Nam."

"Bakit? Bawal ba?" Mataray na tanong ko. Napaayos naman ng upo si Mr. Wang, takot sya oh. "Actually, that's why we're in partnership with an entertainment company. Us, the story owner and the movie producers and directors, don't need to get worried about actors. That company would do it for us." Paliwanag nya.

"Ah, okay." Napahinto ako. "Wait na minute, kili kiling dramatic, pano ako?" tanong ko. "Panong "pano ka"?" Takang tanong nya, oo, anlabo rin nung tanong ko e.

"Anong mangyayare sa'kin?" Paglilinaw ko. Sana naman maintindihan na nya. "That's why you are here. I want to inform you that if you sign this agreement, your identity would no longer be hidden. It clearly means that you'll face everyone with the real you."

So peke ako ganon? xx

"Don't worry. You'll receive a lot if the movie become successful. And yes, I guess, it will be." At ngumisi sya. Mukhang pera! Hampaslupa! "And we will pay you right after you sign the agreement. Bukod pa 'to sa kikitain ng movie. Ano? Deal? Or no deal?"

Tumingin ako ng mabuti sa kanya.

"Lemme think about it. Boom english."

**

Hinigop ko ng bonggang bongga yung shake na iniinom ko. Wala ng lumalabas sa straw e! Tinignan ko yun at nakita kong piping pipi na. Nasobrahan ata sa kagat, e kase naman! Naiinis ako sa Wang na 'yon! Ano akala nya? Mukha akong pera? Utut nya. Tulad pa nya ko sa buhok nyang endangered na. At ilalabas yung identity ko. Yun nga yung pinaka-unang ayaw ko e. Ayoko na, ayokong makita nila ako. Yes, i'm not Nian Parker anymore. Pero haler? Yung mukha ko kasing ganda pa rin ng dati! Di naman ako nagpa-plastic surgery e.

Pero gamitin ko kaya yung pera para magpa-opera ako? Yung kamukha ni Suzy Bae. xx

Naihagis ko yung shake na hawak ko sa inis ko. Doyeon, sabi mo di mo kelangan ng pera diba? Ayos mo. Narinig kong nagring yung phone ko.

Incoming Call: Drea Banana

Mukha kase syang unggoy.

"Oh? Baket?" Tanong ko. Nagulat naman ako nung humahagulgol sya. 'Wag nya kong dramahan na hindi pa nya nakikita si Yeol a, baka makasakal talaga ako.

[Yung anak mo... yung anak mo...]

Kinabahan ako sa sinabi nya. "A-Anong nangyare kay Hani?"

[Yung anak mo..]
.
.
.
[Nanganak ng kiti kiti yung anak mo.]

Binagsak ko yung balikat ko. Ang sarap pumatay ngayon. Narinig ko naman na parang nagpanic sa kabilang linya. [Hello? Hello po? I'm Nurse Venus.] Hula ko Earth surname nito.

[Yung may ari ng phone hinimatay po-]

"Hayaan nyo sya." Sabi ko at napa-huh naman sila. Pagkatapos nyang gawing lamok yung anak ko. "Anong nangyare sa anak ko?" Alalang tanong ko at napatakbo sa pinakamalapit na ospital sa lugar namin.

[She's confined now, mam, she has dengue po.]

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon