Twenty Eight

37 3 0
                                        


Doyeon

"May gusto ka bang bilhin, Hani?" Tanong ko kay Hani na nakasakay sa cart kasama nung mga pinamili namin. Kaya hindi na 'ko magtataka kung mag-aamoy isda sya. Lumingon sya sa'kin at umiling. "Wala po, labas na po tayo, Eomma Yeon." At tumawa sya. Napataas naman yung kilay ko. Ngayon lang ata sya ginanahan na sumama sa'kin dito a?

"Babayaran pa na'tin 'to." At tinulak ko yung cart papunta sa counter. "Dali po, double time." Sabi nya ulit ng nilalagay ko na sa counter yung pinamili namin. Lalong napataas yung kilay ko sa kanya. Ano bang meron sa labas?

Pagkaplastic nung pinamili namin tumakbo agad sya palabas. Teka, may ka-date ba 'tong batang 'to? "Oy, Hani. 'Wag kang lumayo sa'kin. Maapakan ka dyan. Ikaw din, baka mapisak ka." I'm so hard talaga. Tumigil naman sa kakatakbo si Hani at bumalik sa'kin. "Eomma Yeon, bilisan nyo po maglakad. Ambagal nyo po e, nirarayuma po ba kayo?" Napatigil ako sa tanong nya. Wtf?

"Malakas pa ko. Kanino mo natutunan 'yan?" Humagikhik naman sya. Teka parang alam ko na yung sagot. "Kay Tita Drea po, sabi nya po mga matatanda nirarayuma. Tas sabi din po nya matanda na kayo." At tumawa nanaman sya. Sabi na e. Backfighter talaga yung unggoy na 'yon. And speaking of Drea, nag-out of town sila kaya natatahimik yung bahay. Di rin kami nagkukulang sa pagkain. Pero nakakamiss.

Iniwan ko muna sa baggage counter yung pinamili namin kase may gusto daw syang puntahan. Pumunta kami sa mga event center ng mall at sobrang crowded sya. "Hani, sino ba yung andito? Andaming tao ah." Sabi ko at hinawakang mabuti yung kamay nya kase baka mawala sya. Tumingin naman ako sa paligid at nakita ko kung anong event meron dito. At nung nabasa ko

Prescon ng exo. Oo, nabanggit nga pala sa'kin ni Yeol na ngayon yung prescon nila para iannounce yung comeback nila. Pero di ko natanong kung saan. Pinagpawisan ako ng malamig, bakit gusto pumunta ni Hani dito? Hinila ko yung kamay nya palayo pero tumingin sya sa'kin. "Eomma? Sige na po, naging good girl naman po ako e. Kahit po nabali ko yung crayon ng classmate ko nakakuha naman po ako tatlong stars, kaso mukha ko po pinalagay."

Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Ayoko, Hani. Hindi ka pwedeng makita ulit ni Luhan. Narinig kong umiiyak sya. "Eomma Yeon, gusto ko po silang makita!" Sigaw nya sa pagitan ng hikbi nya. Huminto ako at lumingon sa kanya. "Hindi mo sila pwedeng makita, mahirap ba intindihin 'yon?" Di ko napigilan yung sarili ko kaya napasigaw ako. Tumitig sya sa'kin at tumakbo palayo.

Sumuot sya dun sa maraming tao. Puta, baka mapahamak lang sya dun. Hindi sya mapapansin ng mga fans kase tutok sila sa exo. Hani, sorry. Tumakbo din ako papunta don at wala akong pake kung may mabangga ako, mas importante yung anak ko. Napansin ko na patapos na yung prescon kaya pala wild lahat. Jusko, sana hindi mapahamak si Hani.

"Hani!" Sigaw ko habang nakikipagsiksikan don. Maraming nagagalit sa'kin pero hindi ko sila pinansin, mas importante si Hani. Tinawag ko ulit sya pero hindi sya sumasagot. Sinundan ko lang kung san nagkakaron ng konting space yung pagitan ng mga tao, meaning na may dumaan don. At si Hani 'yon. Naiiyak na 'ko, baka may kung anong mangyari sa anak ko.

"Exo saranghaja!" Nagtilian ang lahat pagkasigaw ng exo non mula sa stage at sabay sabay silang nagbow. Hindi ko pinansin at sinundan lang si Hani. Nakita ko syang pumasok sa back stage kaya sinundan ko sya. Hindi kami napansin nung guard kase ewan, fanboy ba sya ng exo? "Hani, sorry. Uwi na tayo." Sabi ko pagkahawak ko sa kamay nya. Lumingon sya sa'kin habang umiiyak at umiling. Hihilahin ko sana ulit sya pero umalma sya.

"Hani, tara na, please?" Kinakabahan ako baka maabutan pa kami ng exo dito. Ilang ulit syang umiling habang namumula na yung mata't ilong nya. Napabuntong hininga ako. Bakit ba nya nakilala yung exo? "Umuwi na tayo, makinig ka kay eomma mo." Sabi ko sa pagkabuhat ko. Tumitig sya sa'kin bago idukdok yung ulo nya sa balikat ko. Sorry Hani sa pagiging selfish ko, ikaw lang naman ang iniisip ko e. Lalabas na sana kami pero natigilan ako bigla. Iniangat ni Hani yung ulo nya at nakita kong ngumiti sya.

"Doyeon?" Sabi ng exo.

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon