Twenty Seven

43 3 0
                                    


A/N: Hindi sunod sunod yung time sequence, magulo sya. Pakiintindi. Sarang.

x---x

Baekhyun

"Baek?" Tawag nya sa'kin habang nakasilip ako sa bintana at pinipicturan yung langit. Pagka-post ko sa IG lumingon ako sa kanya. "Bakit, Chain?"

Tumingin sya sa paligid at parang may hinahanap, and the moment she did that, I knew it. "Luhan hyung has something to do." Malungkot na sabi ko pero ngumiti ako sa kanya. Kahit gano kasakit, gagawin ko lahat gumaling ka lang, Chain. "Pero, gusto ko andito sya. Call him, please?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.

Mahal na mahal kita. Sobra. Hindi ko alam kung bakit sa dinami raming babae sa mundo, ikaw pa yung minahal ko. Ikaw pa na may mahal na iba. Pero alam ko namang minahal mo rin ako e, alam kong nahuhulog ka na sa'kin bago ka pa maaksidente. Ramdam kong nagbabago kana. Pero bakit pa kase nangyare 'to? Bakit ba nawala na lang bigla yung pag-asa ko sa'yo?

Ngumiti ako at inilabas yung phone ko. Idinial ko yung number ni hyung at agad din naman syang sumagot, "hello, hyung?" Pagkasabi ko non tumakbo agad si Chain papunta sa'kin at tumingkayad para magsalita sa phone. This distance, gosh, I can't breath. "Luhan? Pwede mo ba 'kong sunduin ngayon? Kumain na rin tayo sa resto na kinakainan na'tin."

Matagal bago makasagot si Luhan hyung kaya nagsalita ako, "Hyung, sige na. Hindi ko sya mahahatid e. May pupuntahan pa 'ko." I lied. Wala naman talaga akong pupuntahan. I cleared my schedule kase madidischarge na nga si Chain. But then I said that, para mapapayag ko si Hyung. Shit, it really hurts.

Narinig ko yung buntong hininga ni hyung sa kabilang linya, "sure, wait for me." At ibaba na nya sana kaso nagsalita ulit ako, "thank you, hyung." Thank you for doing this for me.

Ibinaba na ni hyung yung tawag pero nagsasalita pa rin si Chain. "Luhan! Luhan, I love you!"

Napapikit ako ng mariin. She said "i love you" beside and I just hope she said it to me. Pero hindi talaga, para yun kay Hyung.

Naghintay kami at nakita ko kung gano ka-excited si Chain habang inaayos nya yung mga gamit nya. "Baekhyun, do you really have something to do?" Tanong nya habang tinutupi yung gamit nya. Napalingon naman ako sa kanya and slowly nodded. "Ah, Baekhyun, seriously. You should get a girlfriend. Kung hindi iisipin ko na mahal mo pa rin ako." Tumawa sya pero ako nakatitig lang sa kanya.

Tumayo sya at hinampas yung braso ko. "C'mon, I'm just kidding." tumawa ako ng pilit para matahimik na sya. "Luhan and I are going to get married soon. Sana bago mangyari 'yon, may girlfriend kana ha?" hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sana gumaling kana, Chain. Ayoko ng masaktan ka. Alam kong mahal na mahal ni hyung si Nian and he's not going to marry you anymore. Gumaling kana, please? Ako na lang yung magmamahal sa'yo.

Saktong dumating si Luhan hyung at agad syang niyakap ni Chain. Pumikit na lang ako, this is too painful. "We're leaving, Baekhyun! Bye!" Sigaw ni Chain at kumaway sa'kin. "Bakit di ka na lang sumabay sa'min?" aya ni Luhan hyung pero nakita ko yung reaction ni Chain, she's disapproving. Gusto nyang ma-solo si Luhan, alam ko 'yon.

Umiling ako. "Kayo na lang, ingat kayo." pagkasabi ko non, sumimangot si Luhan hyung. Alam ko namang alam nya kung anong ginagawa ko e. Pero kahit na ayaw nyang gawin 'to, ginagawa nya 'to para sa'kin. Ngumiti na lang ako sa kanila. They left and I'm still seating on the couch. Nakatitig sa kamang hinigaan ni Chain for the past five years.

"B-Baekhyun?" Napalingon ako sa pintuan ng may tumawag sa'kin. Napaawang ng konti yung labi ko. Tumingin sya sa labas at tumingin ulit sa'kin. "Si Luhan oppa ba 'yon? And, was that Chain?"

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon