Luhan's POVNakatayo lang ako dito sa harap ng back door ng SM building. Should I go inside. Halos hindi ako nakatulog kakaisip kung pupunta ba ako or hindi. Pero ngayon, andito ako. Taking a risk. Pumasok na 'ko sa loob, bahala na. Aalis na lang ako agad pagkasabi ni hyung kung anong dahilan ng pagpunta ko dito.
Pumunta ako sa meeting hall, dun nya sinabing pumunta e. Nakakapagtaka lang kung bakit dito pa kung may sasabihin lang sya, pwede naman sa bubbletea house na lang diba? Hinawakan ko yung handle ng pinto at itinulak 'yon pero parang napako ako sa kinatatayuan ko.
Dammit, anong ibig sabihin nito?
"Wow, OT12 na." Sabi ni Baekhyun habang nakaupo sila dun. Napatitig ako sa kanila at pumikit pikit. Ohshit, I'm not dreaming. Napatingin ako sa kanila isa isa at parang gusto ko silang yakapin. But I know if I do, they're just going to push me away.
"This is sick. Pinapunta ka rin ba dito ni Manager hyung?" Sehun coldly said. Nalulungkot ako. Si Sehun yung isa sa mga pinaka-close ko dati e, kaya nabuo yung Selu putakte talaga, but now we are here. Tumango tango ako at pumasok na sa loob.
"Yung akala mo pm, gm pala. Ouch." Sabi ni Chen kaya di napigilan nung iba na matawa. Pero nung narealize nilang tumatawa sila, bigla silang tumigil. Naupo lang din ako don at wala ng nagsalita sa'min. Awkward.
"Tss. I'll leave." Sabi ni Kris at tumayo sya sa kinauupuan nya kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "No one's leaving." Nabaling naman yung atensyon namin sa pumasok sa pinto. Namilog agad yung kamao ko.
"Mr. Kim." Bulong ko. Gusto ko syang suntukin pero wala akong magawa. I don't wanna create rucus here. "I am the one who called this meeting. Pero manager nyo yung pinagmessage ko, alam kong kapag alam nyong ako yung makakaharap nyo, hindi kayo pupunta."
"I clearly know how you hate me." And he smirked. Hindi ko na lang sya pinansin. Walang kwenta, walang kwenta ang mga sasabihin nya. "Ang saya ba? Reunion after five years, huh?" Pang-iinis nya at umupo sa pinakadulo ng table.
"So let's see. Rewriting profile ng exo." Sabi nya at tinignan yung files na hawak nya. "Sa weekly idol 'yan, plagiarism." Bulong ni Baekhyun sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Agad naman syang napaiwas ng tingin. I sighed, I really miss them.
"Oh Sehun." Banggit ni Youngmin. Sumimangot naman si Sese. I missed that yehet face of him. "Oh Sehun; former exo member. He's on photography now. Woah, really?" Sehun only hissed. He's still the evil maknae tho.
"Zhang Yixing; former exo member. He manages his own studio in China." Tumango tango si Youngmin pagkasabi nya non. I don't know what he's thinking about this.
"Kim Jongin; former exo member. He's a ballet teacher and helps his sister to run their business." Tumingin ako kay Jongin at nakita kong nag-smirk sya. Yes, he still have that kind of annoying smirk, yet it's sexually attractive to our fans.
"Huang Zitao; former exo member. He has his own martial arts class. Amazing." Di ko talaga alam kung nang-aasar ba si Youngmin o ano e. "Wanna have a try?" Tanong ni Tao at nakita kong inis na sya. Umiling lang si Youngmin. Ha, takot.
"Park Chanyeol; former exo member. He runs his own Viva Polo branch. Manager Chanyeol, huh?" Sabi ni Youngmin pero di sya pinansin ni Yeol at nakatingin lang sya ng masama sa'kin. What's wrong with him? Still remember that day? Tss.
"Kim Jongdae—" pero napatigil si Mr. Kim nung umepal si Chen. "Putapete, 'wag mo na banggitin yung 'formal exo member' jusme. Understood na 'yon. Redundant e." Inis na sabi nya. Namiss ko 'tong camel na 'to.