Twenty Five

33 2 0
                                    


Doyeon

"Don't worry too much, baby." Sabi sa'kin ni Yeol at ginulo yung buhok ko. Lalo naman akong sumimangot sa kanya at tinanggal yung kamay nya sa ulo ko. "Yeol, it's actually a problem-"

"A father sees his daughter, what's the problem with that?"

Hindi ko alam pero ako yung nagi-guilty sa nangyayari. Bakit kase hindi na lang talaga yung ama ni Hani e, Chanyeol. "Hinding hindi ko ipagdadamot yung karapatan ni Luhan para kay Hani." Hinawakan nya ng mahigpit yung kamay ko.

"Ikaw lang yung pagdadamot ko." Hinalikan nya yung likod ng palad ko at ngumiti. Napangiti rin ako. Ang swerte ko kay Chanyeol. Ang swerte ko ako yung minahal nya. Bakit kase hindi na lang sya yung minahal ko sa pinaka-umpisa pa lang e.

Inabot ko naman yung bag ko na nasa center table, at sakto bumaba si Hani mula sa hagdan habang nagkakamot ng mata. Syempre galing sya sa second floor. Ano ba guys.

"Eomma, Appa!" At tumakbo sya at isiniksik yung sarili nya sa pagitan namin. Napansin ko rin na medyo umiiyak sya kaya nag-alala kami agad. "Nanaginip po ako! Ayaw ko na po matulog sa tanghali. Hindi naman po sya nakakatangkad e." kahit ba umiiyak sya ganyan pa rin sya?

"Anong napaginipan mo?"

"Kamukha nyo daw po si Barnehhh!" Sigaw nya at nagtatrums. Tumaas yung kilay ko, di naman sya nakakatakot a? Bat sya umiiyak? "Kaso po kulay green kayo!

Mukha po kayong higad!" xx

Napasapo kami ng noo ni Chanyeol. "Ayan kase, kakaisip mo kay Barney. Napapaginipan mo tuloy. And besides, ayaw mo non, healthy si Barney." Sabi ko at pinunasan yung luha na siguro dahil sa pandidiri nya kay Barney na berde ang dugo.

"Di po sya healthy. Para po syang si Shrek na napabayaan sa kusina. Hala po! Ganun din po ba mangyayari sa'kin pag kumain po ako ng kumain? Ayoko na po, diet na me." Napatango na lang kami ni Chanyeol, di matatapos yung usapan pagnagsalita pa kami e. Di nauubusan ng sagot tong bubwit na 'to e.

Napansin ko na nasa lap ko yung bag ko tsaka ko naalala yung gagawin ko sana bago magdrama si Hani sa'min. Binuksan ko yung bag ko at hinanap sa loob yung hand-made na scarf na ginawa ko para kay Chanyeol. Ginagawa ko 'yon pag wala sya, kase nga surprise diba. Kahit na nagmumukhang door mat yung gawa ko hindi ako tumigil. Gusto ko kase syang bigyan ng simpleng regalo e.

"Hala, naiwan ko ata." At inisip ko kung san ko huling nalagay 'yon. Shete, pano kung gawin ngang basahan 'yon? Tungunu naman! "Anong problema?" Tanong ni Yeol sa'kin pero umiling ako. Di ako magpapatulong sa'yo, isusurprise nga kita e hays.

Tsaka ko naalala na kanina ko natapos yon sa site. Jusme, dun ko siguro naiwan. Tumayo ako at sinuot yung coat ko kaya napatingin sa'kin si Yeol. "Oh, san ka pupunta? Mag-gagabi na ah?" Tanong nya habang naglilipat sya ng channel.

Kinuha ko yung wallet ko. "May naiwan lang ako sa site."

"Samahan na kita." At tatayo sana sya kaso nakakandong sa kanya si Hani. "Kahit 'wag na, walang kasama si Hani e." Naglakad ako pabalik sa kanila at hinalikan sa pisngi si Hani na busy sa panunuod.

"Are you sure? Baka may kung anong mangyari sa'yo." Tumingin ako sa kanya at nakita kong nag-aalala talaga sya. Ngumiti ako at ginulo yung buhok nya na color red dahil sa comeback nila. "Marami pang tao sa site, don't worry." sagot ko. Maaga kaming umuwi ni Yeol kase wala na syang scene sa araw na 'to. Ako naman pinayagan na umuwi na rin kaya nasundo namin si Hani kanina.

"'Wag ka po humarang, eomma Yeon." At sinipa ako ni Hani sa pwet tsaka ko lang napansin na kanina pa mababali yung leeg nya makanuod lang. Medyo nawala yung kunot sa noo ni Yeol sa sinabi ko. "Laki ng tenga mo."

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon