Doyeon's POV
"Hoy tenga." Sumimangot sya bago tumingin sa'kin. "Ang tagal mong tahimik tas ganyan yung sasabihin mo. Abnormal ka?" Hinampas ko sya ng malakas. Yung may tunog na bonggang bongga. Dahil don medyo gumewang yung pagdadrive nya, medyo kabado.
"Para san 'yon?"
"Wala lang."
At tumingin nanaman ako sa labas ng sasakyan. "You're really insane." Sabi nya habang nagdadrive. Sumimangot ako at tumingin sa kanya. Dapat babatukan ko sya kaso
"I don't care, I still love you."
"Corny mo tingini." At tinuloy ko yung pagbatok ko. Tumawa naman sya. "Di naman ako nagj-joke e."
"Ah, hindi ba?" At umayos ako ng upo. "Seryoso ako, seryoso ako sa'yo." At kumindat sya.
"Park Chanyeol, isa isa lang please? Mahina kalaban." At sinilip ko si Hani na tulog na tulog sa backseat. Kakatapos lang namin magdinner sa isang resto. Ang kulit nga ni Hani e, ginawang playground yung resto. Pero okay lang, wala naman syang nabasag e, muntik lang mabasag yung glass door. Nakakalungkot lang kase minsan lang namin 'to magawa, magiging madalang pa. But I don't blame him for that. I received a lot from him, and that was to much than I ever wanted.
Nakarating na kami sa bahay. Lumabas sya ng sasakyan para buhatin si Hani at ipasok na sa bahay. Sumunod ako sa kanya at dumiretso ako sa balcony.
"Nian!"
Napapikit ako ng mariin. That name, that voice. I hate it both.
The moment I saw him, I saw him again, I felt the same pain again. At aamin ko, hindi pa rin talaga 'yon nawawala.
"May problema ba?"
Tanong nya at sumulpot sya bigla sa tabi ko. "Madami."
"Isa na don kung pano maka-high score sa basketball ng messenger." Ginulo ko pa yung buhok ko. "13 lang kaya highest ko 'don!"
Tumawa lang sya don. Tumingin ako sa kanya. "Chanyeol, pwede magtanong?"
"Kung may cheat ba yung basketball don? Di ko pa nadidiskubre. Sabihin ko sa'yo agad." Seryoso nyang sagot. Kinuha ko naman yunh tsinelas at hinampas sa kanya. "May ipis." Sabi ko. Tumawa na lang sya. Ediwow.
"Medyo-medyo personal. Ayos lang ba?" tumingin ako sa kanya ng seryoso.
I think 5 years is already enough.
"Sure. Basta ikaw." At ngumiti nanaman sya. Nag-ipon ako ng hininga bago magsalita.
"How's exo?"
His smile slowly fade. Tangina ko. "Teka, 'wag mo na pala sagutin-"
"No, it's okay."
It's okay.
Ilang beses ko ng narinig sa'yo 'yan. Sobrang daming beses na. Pero kahit na ulit-ulitin mo pang sabihin na okay ka lang, sinisigaw ng mga mata mo na hindi.
"They're doing good, I guess."
At pinilit nyang tumawa. Nakatingin lang ako sa kanya. "To be honest? Wala na 'kong balita sa kanila. Disbandment meant forgetting. And we chose to have that kind of amnesia."
Napayuko ako.
"Pero siguro masasanay rin ako. Kung yung iba nga nagawa. Kung yung iba nga nagsawa. Kung yung iba nga nakalimutan na. Ako pa kaya?" At ngumiti sya sa'kin.
