Fourteen

45 2 0
                                    


Doyeon's POV

Nagising ako ng may humahalik sa batok ko. "Chanyeol, ang aga pa." Sabi ko bago ilayo yung mukha nya sa'kin. Tumawa naman sya, syet ang pogi ni Yeol. Mukhang tenga. "Good morning, eomma yeon." Malambing na sabi nya bago ako inikot paharap sa kanya.

"Good morning, appa yeol." At hinalikan nya 'ko. Morning kisses, why do it feel good? "Tantanan mo na nga ako. Anong gusto mong kainin? Magluluto na 'ko." Tanong ko sa kanya bago umupo mula sa pagkakahiga ko sa kama at kinuha yung damit ko na nasa lapag.

"Ikaw." At hinila nya ako kaya napahiga nanaman ako. Pitingini, ang aga umatake ng hormones netong higanteng 'to. He kissed me again and this time, I kissed him back. "Mabilis lang, Yeol. Bago magising si Hani-"

"Eomma yeon! Appa yeol! Ring ring ring!"

Naisandal ni Yeol yung mukha nya sa leeg ko. Tumawa ako bago tumayo at nagbihis. "Ring ring ring! Gising na po! Gutom na po ako. Ring ring ring!" natawa na lang ako sa walking alarm clock namin. Lumingon ako kay Yeol nung nakahiga pa rin sya at naka-pout lang. Knowing Yeol, ayaw nya ng nabibitin.

"Hoy, Yoda. Bumangon ka na dyan." Sabi ko bago kunin sa sahig yung t-shirt nya at binato sa kanya. Sinalo naman nya 'yon at sinuot, pero nakasimangot pa rin sya. Litsi. "Magaling sa timing 'yang bulilit 'no?" At iritado syang tumayo kaya tumawa ako. Sabay naming binuksan yung pinto at nagulat kami sa nakita namin.

Nagwa-walling si Hani. xx

"Bakit ganon?" At unti unti syang dumulas pababa. Nagkatinginan kami ni Yeol. Oo, anak namin 'yan. "Ang tagal nyo po lumabas. Ano pong ginawa nyo sa loob?" At hinawakan nya yung kamay naming dalawa bago kami hilahin papunta sa kusina. Tumingin naman sakin si Yeol at ngumiti, yung ngiting may kalokohang iniisip.

"At bakit po may ungol po kagabi? May monsters po ba? O gutom ka lang po, eomma yeon?" Nanlaki yung mata namin pareho dun. Tumawa si Yeol at ginulo yung buhok ni Hani. "Anak, ritwal 'yon." Hinampas ko si Yeol ng malakas sa braso. Pucha, di titigil magtanong 'yang si Hani e. Ritwal pa mwor.

"Ritwal po? Para san po? Masakit po ba 'yon?" Ayan na nga ba sinasabi ko e. "Ritwal para mas gumanda si eomma yeon mo. Di masakit 'yon, masarap 'yon." Tumawa pa si Yeol pagkasabi nya non kaya sinuntok ko sya tiyan. Wtf? Masarap?

"Ah, bat di po ako kasama? Sabagay po, maganda na 'ko e. Hihihi." Sabi nya bago sya buhatin ni Yeol para makaupo sya. "Masarap po? Ano po lasa? Parang bubble tea po ba?" Magsasalita pa sana si Yeol pero pinandilatan ko na sya ng mata. Puro kalokohan e.

"Anong gusto mong kainin, 'nak?" Tanong ko sa kanya at binuksan ko yung ref. "Bubble tea po." Sagot nya. Partida, seryoso yung mukha nya non.

"Kainin, anak. Kainin." iritadong sabi ko. I am a strict mom, pero etong tatay nya, puro kalokohan, kaya wala rin. "Ako, babe, hindi mo tatanungin?" Sabi ni Yeol at tumabi sya kay Hani. Sinara ko yung ref pagkakuha ko ng hotdog. Tumingin ako sa kanya at umirap. "Di ka kakain. Magutom ka dyan." nanlaki yung mata ni Yeol don. Pagkatapos ba naman nyang turuan ng kung ano ano yung anak nya, tss, mamatay ka sa gutom dyan.

Nagluto na 'ko ng hotdog, kalahating sunog, kalahating hilaw. Inilapag ko yung sa mesa at nagtinginan silang dalawa. "Edible 'yan." Sabi ko at sumandok ng kanin at dinala sa dining table. Kumain lang kami, pinakain ko na rin si Yeol, kawawa naman e. Pagkatapos naming kumain, nanuod na agad ng TV si Hani. Iniligpit ko naman yung pinagkainan namin at inurungan yun sa kusina.

"Doyeon." sabi ni Yeol at tumabi sa'kin. Sumandal sya sa lababo at tinignan ako. Nakasimangot akong tumingin sa kanya, baka puro kalokohan nanaman sabihin nito e. "Hindi na muna ako pupunta sa Viva Polo, sila eomma na rin yung bahala sa bagong branch." Sabi nya sa'kin at itinapat yung kamay nya sa tubig ng faucet. Malungkot akong tumingin sa kanya.

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon