Doyeon"Cut!"
Napatingin ako sa lahat nung halatang inis na sila, ako rin medyo e. "Simpleng lines nagkakamali ka pa, ikaw ba talaga yung nakuha sa audition?! Mygad!" inis na sabi ni Direk at pinaypayan yung sarili nya.
Pangalawang araw na ng shooting, pero hindi pa kami nakakaraos sa scene #9, maryosep. Sabi sa inyo dapat ako na lang kinuha nyo e. "Umaga yung scene na 'to, gagabihin ata tayo bago mo masabi ng matino yung lines with feelings e. Jusme, pwede bang magpalit ng cast?" Sigaw nya ulit at nakita kong galit na galit na talaga sya. Kalma lang gurl.
Lumapit naman yung mga make-up artists para i-retouch yung exo kase pati ata sila na-istress na. Scene 'to sa may open field at tinanong ng bidang babae kung sino ba talaga yung exo, kung ano ba talaga sila. Pero mukhang aabutin kami ng airing bago nya makuha yung tamang feelings e.
Nakita kong umirap yung babae, ay taray. "Kung hindi ko kaya, sino pang makakagawa? Ha?" Sigaw nya at nagflip hair. Taena, edi wow. Feeling sikat ka hindi naman kita kilala, sino ba 'yan? Andami daming pwedeng maging lead dyan, teka pwede ba 'kong magpalit ng casts? Pwede? Napapikit na ng mariin si Direk dahil sa inaasta ng artista nyang self-proclaimed famous. Para syang sasabog anytime, kaso kulay berde dugo nya. Isa syang higad.
"Si Doyeon-ssi!" Napalingon ako nung may humampas sa likod ko. Napatingin naman sa'kin lahat, hala e enebe. "Sya yung nagsulat, mas alam nya yung feels." Sabi ulit ni Latte. Ay ganun ba 'yon- pero teka, no!
"Ikaw kaya nagsulat, sino ba script writer?" Sabi ko sa kanya pero hinila nya ko patayo. Makakasakal ako ngayon. "Sino ba author?" At tinulak nya 'ko ng konti pero bumabalik din ako sa pwesto ko. Punyeta talaga.
"That's a good idea." Napatingin ako kay Direk ng sabihin nya 'yon. Ano?! "Show her the precise feelings." At si Direk naman yung tumulak sa'kin hanggang nasa harap na 'ko ni Luhan. Sya kase yung kausap nung lead role at sya yung tustado na ata.
"Standby." Sabi ni Direk. Nakayuko lang ako kase nakatingin ng diretso sa'kin si Luhan. Nakakainis. Ibinaling ko yung tingin ko sa likod nya. Nakatingin sa'min si Chanyeol at medyo nakakunot yung noo nya. I know, he's jealous. I mouthed "mian" and he only sighed then nodded.
"Show me what you've got." Sabi nung babaeng mukhang pusit at ngumisi sa'kin. "Watch and learn. Chupe na, wala naman sa scene na may pusit sa likod ng lead. Sumilong ka rin, baka maging calamares ka." Bulong lang sana 'yon pero dahil na rin siguro sa inis ko nalakasan ko yung boses ko.
"Nice one, Nia- uh, I mean Doyeon-ssi." Sigaw ni Baekhyun. Umirap muna yung babae bago pumunta sa tent. Irap irap ka pa kamukha mo si Squidward.
Humarap na 'ko kay Luhan at huminga ako ng malalim. Di ko na kailangan ng script. Halos lahat ng tao dito kabisado na dahil sa daming takes ba naman. Narinig ko na yung que ni Direk at naging tahimik na lahat.
"Sino ka ba talaga? Ano kaba talaga?" Everyone gasped when I said those words. See that u lil pusit? Inipon ko yung galit na nararamdaman ko para mai-apply ko sa scene. Wala bang makaka-discover sa'kin dito? "I thought I know you well, but I guess I only know your name." Hinihintay kong sumigaw si Direk pero hindi sya kumibo, ibig sabihin tama lang yung ginagawa ko. Naks naman.
Nakatingin lahat sa'min. Nakakakaba pero kiber lang. "'Yan ba ang dapat mong sabihin sa taong nagligtas ng buhay mo?" sabi ni Luhan ng line. Yeah, you saved me, yet you were also the one who was holding a knife when I was bleeding. "I didn't ask you to do it! Edi sana hinayaan mo na lang ako mamatay kung isusumbat mo rin pala sa'kin yung kabayanihang ginawa mo."
Medyo nake-carried away na 'ko. Baka mamaya wala na sa script yung masabi ko, baka humugot na lang ako dito. Huminga naman ng malalim si Luhan.
"Hindi ako nanunumbat, I just want to tell you that.." huminto sya sandali at nakita kong may tumulo na luha galing sa mata nya. ".. i'm just waiting for you to atleast thank me for what I did. Kahit yun lang." Medyo nag-crack yung boses nya habang nakatitig sya sa'kin. Iniisip ko yung susunod na line pero medyo nadidistract ako. Do you want me to thank you for hurting me, Luhan?
"Ah, okay. Thank you." At tumalikod ako na ayon din sa script. Nakasulat din don na sa unang hakbang ko hahawakan ni Luhan yung braso ko. So kailangan kong maghanda. Ayoko kase talaga ng physical contact sa kanya. Nakakailang. Pero nakakailang hakbang na 'ko walang pumipigil sa'kin, ay ano 'to, uuwi na 'ko? Ganon?
"Wait." Sabi ni Luhan kaya huminto na 'ko. Buti naman, akala ko makakarating na 'kong davao e. Pero tae, panira ka ng script, Luhan. Panira ka talaga. "Lalayo ka na ba sa'kin?" Natigilan ako sa tanong nya.
Lalayo? Oo. Nagpaka-martyr na 'ko non. Tiniis ko yung sakit na binigay mo. Pero siguro ngayon na yung panahon na maging masaya ako, diba? Pwede naman siguro akong magmahal at mahalin din. Hindi naman kase habangbuhay na malakas ako, na kaya ko. Napagod na ako e.
"Lalayo ka na ba dahil nalaman mo kung ano talaga ako, ganun ba?" Iniisip ko yung sunod kong line pero naramdaman kong nagssnow na. Hala, effects? "Ayoko lang ng gulo." Tama naman yung nasabi ko diba?
"Gulo lang ba ako sa'yo?" Oo, sobra. Para lang bagyo na dumaan sa buhay ko at sinira mo lahat. Jusko, kung pwede ko lang sabihin 'to e. Pero bakit kase may script, edi sana nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Buset. "Ako yung gulo sa'yo, Luhan." Maganda akong gulo.
Umiikot yung camera sa'min, medyo nakakadistract pero go lang. Nadadala na 'ko e. "Hindi tayo pwedeng magsama. Hindi tayo angkop para sa isa't isa. Magugulo ko lang yung buhay mo, kaya hangga't maaga, tigilan na natin 'to-"
Pero di ko natapos yung line ko ng tumakbo sya at pinaharap ako sa kanya at niyakap. Natigilan ako. Wala sa script 'to ah? Tinulak ko sya pero mas hinila nya 'ko papalapit sa kanya. Hinintay ko yung pagsigaw ni Direk pero parang natuwa pa sya sa nangyari. Hala.
"Mas magugulo ang buhay ko kapag wala ka," sabi nya habang yakap yakap pa rin ako. Naririnig ko na yung pintig ng puso nya, sobrang bilis. Inilapit nya yung labi nya sa tenga ko at bumulong,
"Bumalik ka na sa'kin, Nian."